TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

Masama at mabuti

Noon: Ang taong nagigipit sa patalim ay kumakapit, Ngayon: Ang taong nagigipit kay Kardo Dalisay lumalapit! Kung gusto mong huwag maholdap, huwag kang lumapit sa mga pulis baka ikaw ay mahulidap! Hindi naman lahat.

*****

Huwag kang lalapit sa taong kalbo, hindi maasahan sa oras ng kagipitan! Wala kang makapitang buhok! Tanging poste ang pag-asa mo! Huwag ka ring lalapit sa mahaba ang buhok, makakalbo rin yan sa pagdating ng panahon!

*****

Isang lalaki, hinoldap ng mga holdaper, hindi nagtagal pinakawalan ng mga holdaper. Nadiskobre kasi ng mga holdaper na waia ring pera ang hinoholdap nila! Isang pulis hinoldap ng ísa ring nakasibilyang pulis, nagkakilala ang dalawa. Pareho pala sila ng hanapbuhay, ang manghulidap

*****

Tagilid si PBBM dahil sa sakit na Covid 19? Bakit kasi hanggang ngayon 19 pa rin? Puwede namang 18 na lang? Iyong gusto nga nilang FM ang airport natin sa halip  na ang dati na MIA? Ano kaya kung pangalan ko na lang? Wala pang away at gulo.

*****

Ang sumpa ng isang namatay masahol pa sa sumpa ng isang buhay! Iyan daw ang sumpa ng patay ng si FM. Maghihirap ang angkan ng mga Aquino. Tila nagkakatotoo ang sumpa. Sana hanggang sumpa lang! Kasi kung nagkakatotoo mahirap na! Kasi isinumpa rin ng isang marites mapapangasawa ko raw ang pangalan Alawi o di kaya Maja na ayaw ko namang magkatotoo dahil ang gusto ko si Alyssa, Papaano na ngayon yan?

*****

Ang pandaraya ay malaking kasalanan sa Diyos. Pero kung panahon ng. eleksyon nagiging triple daw ito! Reclusion perpetua kung sa batas ng tao? Lumalabas na nagkasala tayong lahat kaya malaki ang kasalanan natin at hindi na makukuha sa paligo kahit gumamit pa tayo ng chlorox at steel wool!

*****

Pero ang kasalanan natin ay kung panahon ng eleksyon! Kaya may konting bawas! Konti lang baka lalong dumami kung dadaya pa tayong muli! Kasabihan lang daw ang salitang buhay pa ang tao inuuod na! Iyan ay totoo, katibayan tumatae ang tao ng bulati. Nangahulugan ganyan lamang na buhay ka pa ay inuuod ka  na.

*****

Hindi raw mabuti na ang tao wala lang kibo pag nagagalit. Kadalasan lumalabas sa tiyan at iba na ang amoy at tawag nila dyan ay utot. Pasintabi lang sa mga kumakain kasi nga medyo may amoy at kakaiba. Kaya kapag galit ka sa isang tao, ilabas mo baka matulad ka sa ibang tao na mayroong kabag ang tiyan!

*****

Masama raw sa pulis na ang tanging alam lang ay magpaputok. Kailangan marunong din siya magpaputok ng kanyon na ang bala ay sa kanyon din, lalo kung ito ay kamatis kasi karamihan diyan bala nila kamatis. Minsan nga nakakalimutan nila iyong bawang! Minsan  wala pati na sibuyas. Marami talagang kulang.

*****

Masama raw sa tao pag sobrang haba ng buhok kasi kadasan sumasabit at nagiging sanhi ng malagim na trahedya! Kung wala namang buhok ang isang tao, mas delikado kasi sa ibang bagay ginagamit ito, halimbawa sa poste ng Ficelco na hindi naman kailangan kasi walang kuryente,!

*****

Kasabihan: Ang pag ibig kapag labis mapagbigay, mapagtiis ngunit kapag ito ay dumating sa sukdulan ito ay nagsisilbing lason sa pagmamahalan!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: