MAY PALITAN PA NG KANDIDATO

COC FILING TAPOS NA – Tapos na ang filing ng Certificate of Candidacy ng mga taong gustong maglingkod sa bayan daw? Sa pagkakataong ito, diyan natin maririnig ang mga matatamis na sasabihin ng mga kandidato, mga pangako na lahat hindi totoo, mga pambobola, mga pagmamayabang, pagsasabing “kamag-anak tayo, di ba?”, “lahat ng pangako sa inyo tutuparin ko,” “hindi ako magnanakaw ng kuwarta ng mga tao,” “lahat ng tulong ibibigay ko sa inyo,” “walang sinuman puwede umapi sa inyo dahil ipagtatanggol ko kayo,” at iba pang mga sasabihin ng mga kandidato na kung ngumiti halos mapunit ang bibig para makaakit ng BOTO! Ayot!!! Sabi naman ng mga botante, no money no boto! Hinabasan man sana imo mo, ganansiya ka pa ngani, hala bakala boto ko! Kaya sabi ko nga kung kandidato ka tapos wala kang pera, tumigil ka! Magtanim ka na lang ng talong! Hindi ko nilalahat, sa totoo may mga kandidatong kilala ako na maganda hangarin para sa bayan? Pero problema wala silang mga kuwarta? Sa labanan dito sa atin ang mananalo diyan iyong may kuwarta lalo iyong mga nakaipon galing sa SOP ng mga proyekto ng gobyerno. Huh… Ano, meron gustong pumalag? Habas pa more!


MAY PALITAN PA NG KANDIDATO – Hindi natin alam pero malamang na magkakaroon pa ng substitution o pagpapalit ng mga kandidato sa matataas na posisyon. Hanggang November 15 pa magkakaalaman kung sino ang totoong magbababanggaan sa panguluhan. Sasali pa ba si Sarà Duterte-Carpio bilang kandidato sa pagka-presidente o hindi na talaga? Ang sigurado ako, magwi-withdraw si Sen. Bato dela Rosa bilang kandidatong presidente. Itaga ninyo iyan sa bato Sabi iyan ni Sarà! Kung marunong kayo halata na at alam na ang ibig sabihin itaga ninyo iyan sa bato!


Dito sa atin nakakatuwa ang labanan, dati magkasama ngayon break na sila! Bakit kaya? Tiyak ko may mabigat na mga dahilan iyan? Hindi natin alam pero ako bilang taga-Catanduanes marami akong mga naririnig at mga nalalaman kung bakit? Dalawa tenga ko at malakas pa pandinig ko. Minsan kasi may mga taong pag nakahawak ng mataas na baraha, nagiging kampante at minsan pa nga akala mo lahat ng matataas na baraha hawak na niya. Iyon pala akala lang pala?
At saka isa pa sa pulitika, walang permanenteng kaalyado, lalong walang permanenteng kaibigan. Trayduran marami lalo kung kuwarta na pag-uusapan. At isa sa mga dahilan ng di pagkakasundo ng mga pulitiko ay kuwarta! Maniwala kayo sa hindi, magsa-pulitika o hindi, marami ang hindi nagkakasundo dahil sa kuwarta. Remember iyong isang kasong sangkot ang mga mag-anak na Tsinoy lumabas sa imbistigasyon na ang pumatay sa kapatid niya ay kapatid niya rin? At ano ang dahilan negosyo kung saan sangkot ang bilyong halaga ng negosyo nila? Ganun lang di ba napaka-makapangyarihan kapag sangkot na ang ngalang pera kahit nga kadugo mo niyayari!


KAWAWA NAMAN SILA! – May mga kaibigan akong kandidato na alam kung qualified sila sa posisyong tinatakbo nila! Pero mabigat mga problema nila…wala silang pera. Napakabigat ng problema nila at alam kung mararanasan nila ang naranasan ko noon na kandidatong walang pera. Mangangampanya ka tapos pupuntahan ka ng mga botanteng mga walang konsensiya. Manghihingi ng kung ano-ano na lang, mga magso-solicit, at pagsasabihan ka pang ano man ang halaga kang mga papel na an pinanao nindo? Ang kaipuhan mi imo! Pupuntahan ka ning mga tao bilog na pamilya kaibahan dae pa nangodto kaya pakaonon mo, Pagmaparibod na tatawan mo pa ning pamasahe, agugoy Gorio! Igua pa nin mahagad nin sa gadan daa, nin sa bulong, nin pamasahe nin para sa apat na tawo, nin para sa pamanggihan, para sa pamahawan lamang, para basketball tournament, asin grabe pang mga racket ang saindang mananagbuan!, ang ikinatatakot ko sa mga kaibigan kong kumakandidato ay baka maisipan nilang kahit kay Satanas ay maisangla nila ang kanilang kaluluwa. Kung milyon ang halaga ng sangla kay Satanas, sige na kayo dahil namimigay daw ng pera si Satanas ta matigbak naman tinamaan daw ng Delta variant!


WALANG KALABAN – Walang nangahas lumaban sa tandem na Rodulfo-Regalado sa bayan ng Bato. Anyare? Iyong dating kalaban gusto mas mataas na puwesto kaya ayon makikipagtuos siya sa mga higanteng kalaban. Ibang klase, gusto niyang kalaban iyong matindi, iyong kayang gumastos ng walang pinipiling botante. Sabagay maganda ang ganun at least may pagpipilian ang mga tao. Itong si Rodulfo at Regalado, puwede na silang magdiwang! Kumbaga game over na! Congratulations! Samantala sa San
Andres considered na ring game over ang labanan doon! Sa Pandan matindi bakbakan, Caramoran ganun din, Viga sabi nila considered na ring game over ang laban doon, iyon ibang bayan meron pang tag of war! Dito sa Virac mabigat ang laban, pera-pera ang narinig ko sabi nila? Samantala ang TGP partylist ni Cong. Bong Joson Teves, Jr. ay umaani ng popularidad o katanyagan sa buong kapuluan at marami nagsasabing magkakaroon ng second at third nominee sa nasabing partido. Samantala muling nag file ng CoC si dating kongresman Cesar V. Sarmiento. Ang kalaban niya ay si incumbent congressman at si dating mayor ng Bato. Bakit naging university CSC? Ang sagot, Cesar V. Sarmiento. Bakit buong Catanduanes nagkaroon ng mga sementadong roads and bridges? Sagot, Cesar V. Sarmiento. Bakit maraming multi purpose building ang halos lahat ng mga eskuwelahan sa buong probinsiya? Sagot, Cesar V. Sarmiento. Bakit halos lahat ng municipal and barangay plaza merong bubong? Sagot, Cesar V. Sarmiento. Ang ilan pang mga nagawa niya ay iisa-isahin natin sa mga susunod na isyu!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: