Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

MAS MARAMING SENIOR CITIZEN ANG NAMAMATAY

NAPAKADELIKADO NG PANAHON NATIN NGAYON-Sobrang nakakatakot ang sitwasyon natin ngayon? Ang mga ulat na nagmumula sa iba’t ibang panig ng mundo maging dito sa ating bansa nakapanlulumo! Patay ditto, patay doon, patay kahit saan, ang lahat biktima ng Covid-19 at ngayon ay may Delta variant na. Ayon sa mga ulat sa iba’t ibang lugar ng bansa, kasalukuyang nananalasa ang Covid sa parte ng Mindanao, sa Kabisayaan at dito sa NCR, tulad sa Cagayan de Oro City, sa Gingoog City, Iloilo Province at City, Cebu City at iba pang mga lugar sa Bisaya.

*******

DI NA KAYA NG MGA HOSPITAL-Sa CDO, ayon sa ulat ang mga pasyente na may Covid, hindi na ma-accomodate ng mga hospital kung kaya’t ito ay sa labas na ng mga hospital nilalagyan ng mga tent para lang may mapaglagyan ng mga pasyente. Sa Gingoog City ay gayon din ang sitwasyon. Maging sa Cebu City na kung saan ang gobernador dito ay nagmamayabang na kayang-kayang i-handle nila ang sitwasyon ay suko na rin at hindi nila malaman kung saan ilulugar ang napakaraming pasyente. Dito sa NCR, nagkakaubusan na rin ng mapaglalagyan ng mga dumadaming mga pasyente. Maging dito sa bandang Luzon tulad sa Ilocos Norte, parami nang parami ang tinatamaan ni Covid. Ito ang dahilan kung bakit magkakaroon ng mga lugar na may mga nakaECQ at naka-lockdown.

*******

MASS GRAVE-Ang matindi ang nangyayari sa Aklan. Ayon sa mismong gpbernador ng probinsiya na si Florencio Miraflores, wala na raw tinatanggap na mga patay ang mga crematorium sa nasabing lugar dahil hindi kaya ang dami ng namamatay. Kaya ang gagawin na lang ay gagawa ng libingan kung saan ay isahang paglilibing ang gagawin. Mass grave kumbaga! Nakapanlulumo pero mismong si gobernador Miraflores ng Aklan ang nag-ulat ng balitang ito! At sabay na ring iniulat ang pagbabawal sa mga turista sa Boracay.

*******

60% MGA SENIOR CITIZEN – Ayon sa ulat ng DOH, 60% sa mga Pinoy na namatay sa Covid-19 sa ngayon ay mga senior citizen. Hindi natin alam ngayong dumadami ang tinatamaan ng Delta variant kung mababago ang trend. Malakas daw makahawa ang Delta variant at ang karamihang naglalamyerda sa kabila ng may pandemya ay iyong mga junior citizen. Sinasabi na ang mga senior citizen na mga namatay sa Covid ay iyong mga wala pang bakuna na maaaring mga tigas ulo o maaaring nag-aalangan o di kaya ay natatakot? Pero ngayon nagkukumahog sila sa kabila ng ang totoo, priority ang mga senior?

*******

SA USA KARAMIHAN SA NAMAMATAY AY MGA WALANG BAKUNA – Ang USA ay isa sa pimakamaunlad na bansa kung kaya asa tayo na lahat ng Amerikano ay mga nabakunahan na. Pero kabliktaran pala dahil ayon sa ulat mismo ng mga mambabalita nila ngayong nagkaroon ng pagdami ng tinatamaan ng Delta variant sa USA. Iyon ay dahil sa marami pa ang mga hindi pa nababakunahan! Tulad nating mga Pinoy na mga tigasin kung saan nakopya natin ito sa mga Kano na kahit may pandemya ay nakukuha pang mag-rally sa halip na tumulong sa gobyerno, ito na napapala nila. Ayon sa ulat nila, halos lahat ng tinamaan ng Delta variant sa USA ay mga hindi pa bakunado. Malamang ngayon din lang sila nagkukumahog? Mga tigasin sila, di ba? Sa kabila ng sagana sila sa bakuna at pinamimigay nga. Katunayan nag-donate sa atin ng tatlong milyong bakuna. Bakit nangyari na karamihan sa tinamaan ng sakit ay mga walang bakuna? Inay Ang sagot ay simple ang pagiging tigasin nila!

*******

ELEKSYON SA 2023? – May mga grupong nagpapanukalang ipagpaliban ang eleksyon sa 2022 at gawin daw sa 2023? Pero marami ang tumututol dahil iyon daw ang itinatadhana ng batas na dapat sa 2022. Masalimuot ang panukalang ito at tiyak na magiging malaking usapin ito. Pero lamang ang mga tutol dito dahil ang magiging sandigan nila ay ang Isinasaad ng Saligang Batas. Nangyari na ito sa U.S.A na kahit may pandemya at kasagsagan pa noon pero natuloy ang eleksyon. Sa mga nagpapanukala ituloy nyo lang karapatan ninyo yan at walang pipigil sa inyo. Kung gusto ninyo mag-rally pa kayo! Para lalong dumami ang tatamaan ng Covid?

*******

GUSTONG PALITAN LUMANG MUNICIPAL BUILDING NG VIGA – Nag-loan daw sa DBP-Virac ang pamunuan ng LGU ng Viga para mapalitan ng bago ang dati at siguro medyo luma ng building ng munisipyo.  Maaaring kaya nila ginagawa ito dahil sa gusto nilang matibay at bagong gusali na palaban sa hagyo.Hindi natin alam baka iyon ang katuwiran nila? Sa kabilang banda may mga tutol sa gustong mangyari ng pamunuan ng LGU ng Viga sa pangunguna ni Mayor Bong Tarin. Tila ang katuwiran ng mga kumokontra ay hindi napapanahon dahil ok pa naman daw ang building. Maaaring tama ang grupo ni mayor at maaaring may katuwiran ang mga hindi sumasang-ayon. Paano lulutasin ang suliraning ito? Usap lang kayo ng maayos. Pakinggan ang katuwiran ng bawat panig at kung sino ang may maayos na pangangatwiran at gusto ng nakararaming Viganon iyon ang pakinggan!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: