Tingnan Natin ni Jex F. Lucero:

DATING MUKHA PA RIN ANG MGA KAKANDIDATO SA ATIN

Nilabas na ng oposisyong 1SAMBAYAN ang kanilang mga kakandidatong pangulo. Sila ay sina Robredo, Trillanes, Grace Poe, Diokno, Santos at Villanueva. Pero ayon sa balita ay Umatras na sina Grace Poe at Vilma Santos. Kaya apat na lang ang pagpipilian kina Robredo, Trillanes, Diokno at Villanueva. Si Isko Moreno, Lacson, Sotto at Gordon ay hindi kasama sa binuong oposisyon ni Justice Carpio. Kaya lumalabas na magkakaroon pa ng iba pang grupo ng mga oposisyon. Maaaring grupo ni Lacson at Sotto ni Isko Moreno, o baka grupo ni Pacquiao o di kaya grupo ni PBM Skylon Suplig.

Samantala, putok na putok din ang Duterte-Duterte tandem pero malabo dahil parang ayaw na ng pangulo at gusto niya na raw magpahinga. Lumabas din at malakas na malakas ang hatak ng Duterte-Marcos tandem. Meron ding Sarà Duterte at Gibo Teodoro tandem na bitbit ni dating congressman Andaya. Ang hinihintay pa ng mga tao ay ang Sarah Balabagan at Arnold Clavio tandem!!!

******

Hula ko lang, ang matitirang kandidato ng oposisyon ay si Robredo, Trillanes at Villanueva. Hindi papayag si Trillanes na hindi siya ang bise presidente kaya ang mangyayari Robredo-Trillanes ang kandidato ng oposisyon.  Pero papaano kung biglang umayaw  si Robredo at kakandidato na lang gobernador ng Cam. Sur? Sa palagay ko Trillanes-Villanueva ang matitira? Sa tingin ninyo lulusot kaya sila sa dalawang ambisyoso na sina Isko Moreno at Pacquiao o sa Sara Duterte-BOngbong Marcos tandem? O di kaya Lacson-Sotto o mas gusto ninyo ang Sarà-Arnold? Bahala na kayong mamili! Pero abangan nyo rin ang isa pang tandem ang Maja at Jex tandem, lalo na iyong pinaka-matindi, ang riding in tandem!

*******

Peke daw ang diploma ni Manny Pacquiao? Lumalabas kasing nagtapos si Pacquiao at graduate ito ng AB sa University of Makati o UMAK. May mga nagsasabing nakuha raw ang diploma nito sa Recto sa Manila. Daang kasi natuto lang ng English na pakoninyan at pakuninto, mag-ambisyon nang mag-presidente ng Pilipinas. Kumagat naman sa mga pang-uuto ng mga mang-uutong pulitiko. Kunsabagay minsan na tayong nagkaroon ng uto-utong pangulo. Ayos lang kung sa pangatlong pagkakataon ay magkakaroon pa tayo ng isa pang pangulong may sakit na uto-uto!

******

Ilang pangulo na ba ang humawak ng ating bansa at ang problema sa traffic sa EDSA ay hindi magawa-gawang mabigyang solusyon ito. Pero ngayon sa administrasyong Duterte, solved ang problema. Kanina lang binuksan ang isa pang lalong magpapaluwag sa trapiko sa EDSA at iyon ay ang Bonifacio Global City (BGC).  Ngayon ang Manila Bay pagkaganda-ganda, ang Boracay lalong naging nakahahalina (perac sana and dae) ilang buwan na lang mayayari na ang subway, ang coastal road sa Sorsogon ang ganda, at ang dami pang mga proyekto sa Mindanao na timing sa paglisan ni Duterte mayayari na rin. Iyong bilyong bilyong pisong pondo para sa bagyong Yolanda noon  saan kaya na punta? Iyong sa panahon ni Pang. Aquino. Kaya  noong 2016  eleksyon at 2019 eleksyon naubos ang pondo ng mga kawatan kaya pati mga kandidato ng mga magnanakaw diretso lahat sa inodoro. Ngayon talagang tagtuyo mga kandidato ng oposisyon kaya tuloy tuloy na sila sa septic tank. Ngak!

*******

Dati at dati ring mga mukha ang mga ambisyosong kakandidato sa ating probinsiya. Wala namang mababago sa pamamalakad nila. Nakatuon pa rin ang mga malalaking mata nila sa mga proyekto ng gobyerno na siya nilang ginagawang palabigasan! Ang sila ay magseserbisyo sa mga tao? Kalokohan! Nananakawin nila ang para sa mga tao, yes! Iyan ang yes na yes! Pero iyong magbibigay sila ng mabuting serbisyo sa mga tao, iyan ang malaking kasinungalingan! Ngayong eleksyon, makinig kayo sa mga sasabihin ng mga sinungaling na mga kandidato. Sisilam kang mga dila kang mga ukay na an. After eleksyon dae na kamo midbid. Razon ninda bayad kamong mga parapabakal kamo ning boto! Totoo man! Pero lugi mga botante dahil iyong ipinamili ng boto ninakawan din nila Iyon. Ganti-ganti lang pero ang panalo mga pulitikong tuso! Pero mind you, hindi lahat naman ay magnanakaw. May mga kilala akong mga pulitikong nagbibigay talaga ng totoong serbisyo sa mga tao.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d