BASTOS BASTOS BASTOS!

ni: Jex F. Lucero

 

Ginawang pulutan, ginawang sawsawan, ginawang bastos at ginawang walanghiya, at kung anu-ano pang masasama at mga bastos na mga salita ang tumama sa pagmumukha ng mayabang at feeling sikat na sikat na si Lea Salonga ng ABS-CBN matapos sabihin nito ng p*******na mahirap mahalin ang Pilipinas. Ayon sa pahayag ng mga nakabasa ng tweet ni Salongganisa, parang dismayado raw ito sa naging desisyon ng korte laban kay Maria Ressa at Santos ng Rappler kung saan ang dalawang akusado ng cyber libel ay convicted. Nagpapasiklab din ang singer na tinawag ni dating senador Enrile na bastos.

******

Ang murahin mo ang Pilipinas ay isang kawalanghiyaan ng isang Filipino dahil ang minumura mo diyan ay hindi lang ang magandang bansa natin kundi kasama diyan pati ang nananahanan sa bansa na 106 milyong mga Filipino. P*******na mo rin at handa akong humarap kahit saang husgado para ipamukha sa bastos na ito at  paulit-ulit kong sasabihin na pinakabastos kang babae  na nakilala ko, Lea Salonga. Kahit saang korte? Mamili ka, tennis court, basketball court, volleyball court, o sa kahit anong korte gusto mo. Pero ang sigurado ko kakasuhan ka ng mga mambabatas dahil sa pambabastos mo. Bastos bastos bastos at isa pang bastos!

******

Ayon sa mga netizens na masyadong nasaktan sa naging pahayag ni Salongganisa, kung nahihirapan daw mahalin nito ang Pilipinas ang simpleng gagawin lang daw nito ni Salongganisa ay lumayas dito sa Pilipinas. Lumayas at huwag na huwag ng babalik dito..

Lumayas na raw dito ngayon din. Ngayon papaano na  yan? Idedeklara pa raw ito ng kongreso na persona non grata. Now, kung sa akin iyan mangyari, lalayas ako kaagad. At dapat isama niya na rin iyong mga may sayad na mga artista ng ABS.

******

Apat na raw ang taga-Catanduanes, ayon sa mga nagbibigay ulat tungkol sa COVID. Iyon ay iyong mga na-test lang. pero iyong mga nagtatago sa dilim na mga tigas-ulo hindi pa natin alam. Dadami at dadami pa ang bilang na iyan dahil ang mga tao ay walang tigli sa kalalakad at paghahanapbuhay na hindi naman talaga maiiwasan. Ito na talaga yata ang magiging buhay. Talaga yatang kailangan suungin na natin ang pakikipaglaban kay COVID-19. Kumbaga ang laban ay patay kung patay. Laban na kung laban kaysa naman mamatay ng hindi lumalaban o di kaya mamatay ng dilat ang mata dahil sa gutom. Pero naman kung lalaban tayo ng labanang patay kung patay, ibayong pag-iingat pa rin tayo dahil nandoroon pa rin ang kaligtasan natin. Hirap ng laban, ano? Kalaban mo hindi nakikita. konting kababuyan mo lang sa katawan mo, todas ka. Iyon ang kaligtasan natin o armas sa labanang ito! Kalinisan, disiplina, at pagtutulungan.

******

Nangangalakal na rin pala ng black sand ang mga Intsik sa parteng Zambales at ayon sa balita sumadsad pa raw doon ang barko at ito ay nagtatapon pa ng mga langis. Kung kaya’t ang mga mangingisda doon ay mga apektado.kung naalaala pa ninyo ginawa din ng mga tsekwa ang pagkakalkal ng mga black sand sa ating lugar sa bandang Bagamanoc. Bago nadiskubre natin na pinagkakakitaan ang pag-aari natin ay nakadale na sila. Ang black sand palang sinasabi nila ay iyong magnetic sand na kung tawagin sa atin ay margaja. At ito ay ginagawang bakal. At mayaman tayo sa ganitong buhangin sa buong Pilipinas. Dito lang sa probinsiya natin lalo sa bandang Norte ay marami tayo at kung hindi tayo magiging maingat at hindi natin iingatan ang ating mga likas na yaman, lagi tayong mapagsasamantalahan.

******

Merong nagtip sa akin na hindi raw magtatagal ay meron daw mga elected officials ang malamang mahaharap sa kasong mga paglabag sa batas.. May kaugnayan daw ito sa mga proyekto at kasalukuyan na raw kinakalap ang mga ebidensiya laban sa mga opisyal na ito ng gobyerno. Buti nga sa inyo! Sana huwag na silang makasuhan. Dapat tamaan na lang sila ng COVID. Ito naman ang dapat sa mga magnanakaw sa gobyerno. Sige nakaw pa more.,

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: