CHAMPAGNE PAMPAHABA NG BUHAY

ni: Jex F. Lucero

 

Isang 104-year old COVID-19 survivor ang nagsabi tungkol sa sekreto kung papaanong humaba ang buhay niya. Ayon kay Jane Collins ng South Wales, ang sekreto niya ay pag-inom ng champagne at kung minsan red wine. Pero ang talagang iniinom niya kadalasan ay champagne. At ito ang paborito niya at kanya itong itinuturing na sekreto niya sa paghaba ng buhay niya. Tinamaan din siya ng COVID pero walang sinabi sa kanya ang nasabing sakit at kanya itong tinalo sa sampung araw na pakikipaglaban niya. Survivor siya laban sa COVID at hindi lang iyon ng tumama sa Europa ang Spanish flu, wala rin itong binatbat talo rin sa kanya ang nasabing sakit. Survivor siya ngayon sa mga pandemic. At sabi ng pamangkin nito ni Collins na si Balmsworth back to normal na raw ang survivor sa COVID at nagpapakalunod na naman daw ito sa Champagne. Isa na siyang ganador. Kaya kung gusto ninyong humaba buhay ninyo, mag champagne kayo. Pero dahil mahal ang champagne ang pagtitiyagaan ninyo ay tuba. Ok, tuba pa more. Kung gusto naman ninyong pampaiksi ng buhay, gin pa more. May TB ka na, susuka ka pa ng dugo. Alak pa more!

******

May mangilan-ilang kongresista at ilang mga estudyante sa UP ang komokontra sa Anti-Terrorism bill na malapit ng aprubahan ni PRRD. Ayon kay Senate Pres. Tito Sotto, good as approved na daw ito dahil pirma na lang ng pangulo ang kulang. Dito ay napagkikita iyong mangilan-ilang komokontra dahil natatakot silang baka abusuhin daw ng mga otoridad ang kapangyarihan ng gobyerno at baka raw pati mga inosenteng tao ay maging biktima ng pagmamalabis. Isa sa kinatatakutan nila ay ang warantless arrest kung saan ay napakadelikadong bagay nga lalo kung ang magiging biktima nito ay mga inosente. Ganun pa man ang lahat ay nakasalalay sa mga otoridad natin na siyang magiging responsable sa bawat hakbang nila. Wala tayong dapat ipangamba dahil ang nasabing batas ay nakatutok sa mga terorista. Ngayon kung hindi tayo terorista, anong dapat ipangamba natin? Ang mga dapat kakabahan ay ang mga terorista o di kaya iyong gustong maging terorista o di kaya mga nagsisimpatiya sa mga terorista. Paalala ang tinutukoy dito ay mga terorista at hindi mga kritiko o mga taong nagpapahayag lamang ng kanilang saloobin laban sa inaakala nilang mga maling ginagawa o pamamalakad ng mga nasa gobyerno.

******

Masyadong chaotic ngayon sa bansang Amerika dahil sa maling pagpapatupad ng batas ng mga otoridad na puwede kong tawaging mga racist. Ilang beses ng kinokondena ng mga mamamayang Amerikano ang hindi patas na trato lalo sa mga may kulay na mamamayan tulad ng mga itim, yellow, brown at iba pa na kinamumuhian nila. Sa ngayon isa na namang African-American ang biktima nila sa hindi makataong pagtrato nito.. Kung manghuli sila ng suspek, niluluhuran sa leeg hanggang sa matigok ito. Ang masama mismong mga pulis na kasama sa paghuli sa nag-iisang suspek ay pinanonood lang ito hanggang sa mamatay. Kaya ayon sa balita ang mga umaresto sa suspek na pinanood lang ginagawang pananakit ng kasama nilang pulis ay may kaso ring third-degree murder at puwede silang makulong ng mahabang panahon. Sana magsilbing aral ito sa mga pulis natin sa Pilipinas lalo ngayong ipatutupad na ang Anti-terrorism bill. Dapat maging maingat ang mga otoridad natin dahil baka ang pagkakamali ng mga otoridad natin ang siya ring maging mitsa ng pagkakagulo ng mamamayan dahil sa kagagawan lamang o pagkakamali ng ilan. Kaya, ingat pa more.

******

Ayon kay kong. Marcoleta napakaswerte daw na tao itong may-ari ng ABS-CBN na si Gabby Lopez kung saan ay wala daw  itong kaproble-problema pagdating sa passport patungong Amerika. American passport Pero Filipino siya. Presidente siya ng ABS na dapat pagmamay-ari ng Filipino, pero Amerikano na  Pinoy pa. Ibang klase at only in the Philippines. Pag nangyari ito na Amerikano at Pinoy ang dapat may-ari ng isang mass media network, kailangang magkaroon ng malaking pagbabago ang gagawin ng kongreso. Isa na dapat Amerikano at  Pinoy na. Ibang klase ito pag nagkataon!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: