Nagkabukuhan sa mababang kapulungan ng Kongreso nang mahalatang minamadali ang pagbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN. Iligal daw ang provisional franchise at bakit daw ito minamadali samantalang napakarami daw mga paglabag ang TV network na ito? Dahil dito binalewala wala ni Speaker of the House Cayetano ang nasabing panukala at ito ay iniurong ang pagdinig sa.Agosto ng kasalukuyang taon. At malamang sa malamang sa dami ng oposisyon sa mga sinasabing paglabag ng nasabing network ay mahihirapan na itong makabalik pa. Sa ganitong mga pangyayari sinasabi ng pamunuan ng TV network na magkakaroon ng retrenchment of workforce sa kanila sa Agosto.
******
Dito lalong napahagulgol ng iyak si Vice Ganda at dito lalong nagwala si Kardo Dalisay at dito pa rin lalong nagkukusay sa galit si Kim Chiu. Sa parte ni Vice Ganda, ang iniiyak niya ay napahiya siya ng husto kay Pastor Quiboloy ng sabihin nitong hindi raw kayang ipatigil ni Quiboloy ang Ang Probinsiyano sabay tawanan sila at mga kasama niya. Napasara ang ABS at sa parteng ito ay natalo si Vice kaya malamang kagawad na lang ito si Vice. Dahil hindi lang probinsiyano ang masara kundi mismong ABS. Ang nginangawngaw naman ni Kardo ay tulad din ng kay Vice, nawala na nga ang Probinsiyano tumiwarik din ang mismong network nila. Si Kim Chiu naman ang nginangalngal naman nito ay hindi pa rin daw nakukuha iyong tamang formula ng paglabas sa isang cjlassroom? Talunan silang lahat kay Quiboloy dahil ngayon sila ang pinagtatawanan na dati ay pinagtatawanan nila si Pastor Quiboloy. Sabi siguro ni Quiboloy hanggang sa mga oras na ito ay beh…beh…buti nga!
******
Dahil nga sa baka raw tuluyan ng mawala ang ABS kaya marami sa mga trabahador nito ay naglilipatan na ng ibang network. Pero hindi naman daw totoo iyong sinasabing onse mil na trabahador nila. Ang nasa listahan daw ng DOLE ay mahigit na apat na libo lang naman daw. Matatagalan pa nga raw ang pagtalakay sa ABS dahil nakakalendar ito sa lower house sa Agosto at matatagalan pa ito dahil nga sa dami ng mga katiwaliang pinaggagawa ang pamunuan nito. Isa na diyan ay ang hindi pag-ere o ang pagiging biased nito sa mga kandidatong nagpapa-advertise sa kanila kung panahon ng eleksyon at. mismong biktima nila sina PRRD at Sen. Escudero. At marami pa raw mga paglabag sa batas ang nasabing TV network at mapakarami raw ng pagkakautang nito sa mga banko at maging sa gobyerno. Kung ganyan nga, magkakaroon ng mahabang mga pagdedebate sa mababang kapulungan bago ito umakyat sa senado at bago ito makarating kay PRRD. Sa ganitong pagkakataon, sasabihin na naman ni Quiboloy kay Vice Ganda, Kardo, Kim Chiu at mga taga-ABS na beh..beh…beh..beh buti nga!
******
Sa totoo lang ang may kasalanan ng lahat ng gulo nito ay pamunuan mismo. Mga Lopez ang namumuno ng nasabing network at marami ang nakakabit sa higanteng kumpanyang ito. Naririyan ang sikat na singer na si Joe Mari Chan, Noli de Castro, Charo Santos, Vic at Tito Sotto, Susan Roces, Ted Faylon, Angel Locsin, Kim Chiu, Korina Sanches, Sharon Cuneta, at marami pang ibang malalaking tao na mga stockholders ng nasabing network. Nagagalit sila sa gobyerno pero kasalanan ng pamunuang ABS dahil sa ang totoo taong 2014 pa silang nag apply pero magkikilos lang sila ngayong 2020 kung saan ay malapit nang mapaso ang kanilang prangkisa. At ang sabi nga raw, kaya hindi makakuha ng prangkisa ito dahil sa napakarami nga raw nitong mga paglabag sa batas. At kamakailan mina-magic nga raw sana ni Cayetano na bigyan ito ng provisional franchise pero nabuking kung kaya nahinto at ito ay muling tatalakayin sa buwan Agosto. Lalong umiyak nang malakas si Vice Ganda at nagliligid sa lupa si Kardo at Kim Chiu. Samantala, si Pastor Quiboloy ay nangingiti ng ngiting aso at sinasabi na namang beh… beh…beh…buti nga! Sabay magdidila!