ni: Jex F. Lucero
Iba ang naaamoy ko sa mga pahayag ng ilang matataas na opisyal ng ating gobyerno tulad ni DILG Secretary Año at maging ni Presidential Legal Counsel Panelo. Tila dyina-justify nila ang mga bagay na kung magdeklara si Pangulong Duterte ay nararapat lang dahil sa ganito ang mga nangyayari? Pati iyong sakit na Covid-19 ay binigyang justification na ito raw ay maituturing na invasion. Kung iyong sinasabi ng iba na ang Covid-19 ay engineered or man-made at hindi natural, puwede ngang ituring na invasion? Ang mga kokontra diyan ay sasabihin nilang walang basehan. Hahanapan si Panelo ng scientific basis. Pero ang DILG o ang mga militar at mga pulis ay merong maliwanag pa sa sikat ng araw na basehan kaya malamang sa malamang iyon ang magiging legal na basehan para ideklara ng pangulo ang Martial Law.
******
Pero ang Martial Law o ang pagdedeklara nito ng pangulo ay may dadaanan pa itong proseso. Ito ay dadaan pa sa Kongreso at kailangan pa ito ng pag sang-ayon nila. Diyan magkakaroon ng problema si Duterte. Pero kung gugustuhin niya na hindi na dadaan ng Kongreso, magagawa niya ng walang kahirap-hirap at walang kahit na sino ang puwedeng kokontra. Hindi na Martial Law kundi Revolutionary Government na ang idedeklara. Dito na magkakaroon ng malaking pagbabago uli ang ating gobyerno. Pag ginusto ni Duterte na palayasin ang lahat ng tiwaling opisyal ng gobyerno, sa isang iglap lang talsik silang lahat. Pag ginusto ni Duterteng lahat ng mga elected official ay magsipag-resign ay pagre-resignin niyang lahat lahat ay baba sa puwesto at walang ano mang maaaring kumuwestyon nito. Lahat ng gustuhin ng pangulo na iniisip niyang makabubuti ito sa buong bansa at sa bawat Pilipino magagawa at magagawa niya ito.
******
Ang tiyak na lugi sa sitwasyong ito ay ang mga pulitiko lalo na iyong mga noted na mga magnanakaw. Sigurado at walang duda na iyon ang uunahing pag-iinitan ng pangulo at tiyak lahat sila tatalsik sa puwesto nila. Sabi sato, dae lamang an ning duda? Pag dineklara ng pangulo na lahat ng elected position sa gobyerno ay bakante lahat, yan ay babakantehin. Sinong presidente ang gumawa niyan noon? Walang iba kundi si Cory Aquino. Lahat ng elected position bakante. Doon naglabasan iyong lahat ng mga sipsip at doon din nauso iyong mga balimbing. Kaya pag nangyari muli ang ginawa noon ni Cory, lalabas ang mga sipsip, lalabas na naman iyong mga balimbing at maglilitawan iyong mga magsasabing malakas ako kay ganito at kay ganoon. Palakasan na naman at grabeng paninipsip na naman ang gagawin ng mga bagong sipsip. Suma total, balik sa dati ang masamang klase ng pamahalaan. Senaryo ito na maaaring mangyari sakaling rebulusyonaryong gobyerno ang iiral sa ating bansa.
******
Sarado ang ABS-CBN! Bakit nangyari ito? Ang sagot sa tanong ay expired ang prangkisa. Ganun kasimple! Pag paso ang prangkisa ng isang sasakyan halimbawa, hindi na puwedeng patakbuhin or else huhulihin. Ang nagpatigil ay ang National Telecommunications Commission (NTC). May karapatan ba ang NTC sa bagay na ito? Ang sagot ay meron kaya nga ginawa nila. Marami ang kumontra. Yes, karapatan nila iyon. Kaya gumawa ng resolution ang Senado na bawiin ang cease and desist order at bigyan ng provisional permit to operate ang nasabing network pero maraming mga eksperto sa batas ang nagsasabing hindi puwedeng bigyan ng provisional permit dahil nga sa expired na ang prangkisa. Kaya sabi pa palpak at papalpak ang resolusyon ng 13 Hudas. Pero may isa pang bala ang ABS at iyon ay ang TRO na isinama pa sa Supreme Court. Sabi naman ng mga eksperto sa batas, ang TRO daw na iyon ay lalong nagpapatagal sa proseso para makakuha ng prangkisa sa Kongreso. Ang Kongreso na siyang tanging may otoridad para magbigay ng prangkisa sa nasabing network.
******
Sabi ang dapat daw sisihin sa problema ng ABS ay ang pamunuan nito dahil 2014 pa raw nag-apply ang nasabing network pero napabayaan dahil kumpiyansa sila na walang problema dahil akala nila LP ang mananalo kaya ayos lang sa kanila. At isa pa marami ang komokontra sa aplikasyon ng ABS tulad ng Cable operators Association of the Philippies at iba pang problema kaya tuluyan nang napabayaan. Ayan pumaso! Kagulo sila ngayon. Ang masakit at napakasakit ay ang nangyari kay Tata Delfin. Tabi ni Kardo itinarado ang ABS na nakatulong pa Ti Tata Delfin. Dapat pinalabat daw muna dahil tawawa daw Tata Delfin. Bumili pa daw ng tuka Ti Kardo para pa luto ng tarne patain kay Tata Delfin pero wala na ABS.
******
Pero napakaganda ng sinabi ng isa sa malaking tao ng ABS na si Charo Santos. Sabi niya may kasalanan din kami, sorry for that. See you next season. Ganyan kayo dapat, Kardo at Kim!