ni: Jex F. Lucero
Noong 1918, ang tumama sa buong mundo ay ang sakit na Spanish Flu. Maliwanag na kaya tinawag itong Spanish flu dahil sa lugar ng mga espanyol ito nagmula. Itong COVID-19 ay sinasabing nagmula ito sa China. Ang Spanish flu ay kumitil ito ng mahigit 50 milyong tao at karamihan dito ay mga European. Ngayon ang maraming namamatay ay mga puti na naman tulad ng mga Italyano, Pranses, British, at ngayon namamayagpag ang mga mas magagaling pa sa katigasan ng ulo kaysa sa mga Pinoy na mga Amerikano. Hindi sila sumusunod halos sa patakarang iniaatas ng gobyerno. Katunayan, may mga nagra-rally din sa kanila na ang ibig sabihin alisin na ang lockdown sa kanila at payagan silang gawin ang mga gusto nila. Ang titigas na ulo ng mga Pinoy ay nagaya sa mga Amerikano. Grabe talaga ang epekto ng hawa!
******
Balik tayo sa Spanish flu noong 1918 to 1920 kung saan milyon-milyong tao ang nadisgrasya nito at sabi ko nga karamihan mga European. Pero bago nangyari ang Spanish Flu, nangyari na muna ang pandemic o sakit na kumitil ng halos 50 milyong tao. Ito ang Bubonic Plague taong 1718-1720 kung saan ang sakit na ito ay dinala ng mga biyaherong mga Europeo na galing China at doon nakuha sa mga daga at nadala nila pauwi sa Europe at doon nagkahawahawa. Pero noong 1820 bago ang Spanish flu, binanatan ang buong mundo ng cholera at milyong milyong tao na naman ang nadala ng pandemic na ito. At ngayon taong 2020, ang bumirada naman ay itong COVID-19. Kung susumahin natin tuwing aabot ang sandaang taon ay inaatake tayo ng kung anong klase ng sakit. Kaya pagkatapos ng COVID, isandaang taon na naman ang bibilangin at tiyak may aatake na naman sa atin. Ewan kung ano basta na naman susulpot ‘yan.
******
Noon, ang mga bansang pinagmumulan ng sakit ay hindi pinagsasabihan ng kahit anong bansa na sa kanila ito nagmula kaya accountability nila ito. Para bang ang ibig sabihin sila ang gumawa ng sakit kaya dapat ay bayaran ninyo. Tulad ngayon sinasabi ni Trump ng Amerika na may mga ebidensiya raw sila na magpapatunay na engineered o gawa ng tao ang nagkalat na virus sa Wuhan, China at nahawa ang mga taga-ibang bansa. Hayop din naman ang presidenteng ito ng Amerika na parang tsismosong parrot kung magsalita, akala mo totoo ang mga sinasabi na hindi niya kayang disiplinahin ang mga tao niya kaya ito ang may pinakamaraming natetepok dahil sa COVID. Sobrang daldal ng parrot na ito. Kung engineered o gawa ng tao ito at hindi natural, dapat matagal na nilang alam dahil sabi nila nasa sa Amerika ang pinakamagagaling na mga scientists, mga doktor, at pati paggawa ng mga gamot. Pero ngayon walang madiskubreng gamot sa COVID. Sa ngayon iyong pinakamagaling na bansa na maraming magagaling na doktor at mga scientists ang may aabot na sa 25 thousand ang namamatay dahil sa covid.
******
Ngayon ay masasabi nating kapag ang isang bansa ay may disiplina ito ay may mabuting resulta. Vietnam, walang namamatay dahil sa COVID, Taiwan halos zero din, North Korea halos wala ring casualties at iba pang bansa na kung magpatupad ng batas ay ginagamitan ng kamay na bakal. Sa atin, marami nang patay dahil puro kita mga maorag dahil impluwensyado kita. ning Amerika kaya grabe naman ang tigbak sato. Pasalamat tayo at si Duterte ang presidente natin. Kung nagkataong isang bakla o pusong bakla ang pangulo natin, mamamatay tayong lahat na dilat ang mata. Ang isa pang nakapagtataka bakit kaya sa dami ng mga pulitiko na tinatamaan ng COVID, wala pang natetepok. Pero iyong mga doktor pag tinamaan, tigok kaagad. Sabi, kaya walang pulitikong nadededo dahil ang magnanakaw na mga pulitiko kapatid daw ng mga virus. Kung magkapatid nga magkakampihan. Pero sa bandang huli mag-aaway din yang mga iyan.
******
Alam ba ninyong sa China ay may mga pagkain na kung tawagin natin mga exotic foods? Tulad ng paniki na siyang pinaghihinalaang pinagmulan ng COVID. Ahas na nakagagamot daw sa mga sakit sa katawan, mga tarantula, iyong kung tawagin sa atin duron at itong buwaya. Na ayon sa mga Intsik, maaaring isa daw ito sa pinagmulan ng COVID. Kung buwaya ang pinagmulan ng COVID, malamang na sa dami ng buwaya sa Kongreso kaya marahil biglang dumami sa Pilipinas ang may COVID. Sa mababang kapulungan ang dami ng buwaya diyan abot sa 233 sa mababang at sa mataas na kapulungan 24, lyong iba pang mga pulitiko na masahol pa sa buwaya kaya hindi mawawala basta-basta ang COVID sa atin. Iyon pang mga nahawa ng mga buwaya kaya matagal bago mawala ang COVID sa atin. Sa gobyerno hawa-hawa na kaya lahat halos magnanakaw na. Pero lugi sila ngayong may pandemic. Halos wala silang kita. Buti nga, mga hinayupak kayo!