MGA SENADOR DAPAT SABAY NA LALAYAS KAY DUQUE

ni Jex F. Lucero

 

Palpak ang liderato ni DOH secretary Duque. Iyon lang ang ibig sabihin ng 14 mga palpak din na mga senador. Sa pangunguna ito ni Sotto, Lacson, Gordon, et, al. Palpak ang pinalalayas ng kapuwa nilang mga palpak. Itong mga senador na ito dapat sinabi nila kay Duque na sabay-sabay tayong lalayas dahil pare-pareho naman tayong mga palpak. Sa totoo lang, wala namang matino sa mga senador na nagpasa ng resolusyon na nagpapalayas kay Duque. Makikita natin sa mga senador na iyan puro payabangan. Tulad ni Gordon, pag may hearing sa senado magtatanong iyan, pag sinasagot at nakita niyang tama ang sagot, babarahin at hindi na pasasagutin. Ugali ba iyan ng isang magtatanong? Gusto sikat na sikat siya palagi. Pare-pareho ugali ng mga naturingang mga abogado, hindi alam kung ano ginagawa nila? Puro mayayabang!

******

Malamang na ang mangyayari ay total lockdown at pulis at military na ang magpapatupad ng batas at ito ay dahil sa sobrang titigas ng ulo ng mga tao. Sa tingin ko, isang maliit na pambubuyo lang sa pangulo na punong-puno na ng pasensiya at pagpaparaya nito, ibababa ang Martial law. Sobra nang napipikon ang pangulo dahil sa sobrang kakulitan at pambabastos ng ilan kung kaya’t kahit sino marahil ay gagawa ng mabigat na hakbang para maituwid ang making gawi ng mamamayan. Martial Law? Call ako diyan.  Naranasan ko na ito noon at nakita ko gaano kadisiplina ang mga tao. Sa limang taon ng ML ni Marcos, napakadisiplinado ng mga Filipino. Napakaganda sa totoo lang. Ngayon kung mag-Martial Law dahil sa COVID-19 para madisiplina ang mga Filipinong mga bastos at mga tigas-ulo, no problem. Ang sasabihin ko, “buti nga”.

******

Sobra na sa totoo lang ang ginagawa ng mga tao. Napakawalang-disiplina. Lahat naman ginagawa ng gobyerno para makaiwas sa sakit na nakakahawa Pero lahat naman ng katarantaduhan ginagawa ng mga taong hindi mo mawatasan kung anong klase ng utak meron ang mga ito. Sa totoo lang kung ako si Duterte, gagayahin ko ang disiplinang ipinatutupad sa India. Walang babae, walang lalaki, pag hindi susunod sa batas tulad ng curfew, hambalos ang aabutin mo. Walang nagrereklamo basta hahambalusin ka ng mga pulis dahil lumabag ka sa batas. Sa totoo mabait pa itong si Duterte, maraming beses na itong binabastos lalo ng mga artista pero hindi niya masyadong pinapansin. Ang tinitira niya iyong mga mayayaman na nagpapayaman pa ginagamit ang gobyerno.  Iyan ang dapat. Pero ang kabaitan ng isang tao ay may hangganan. Magagalit at magagalit ang isang tao pag napuno ‘yan. At sa palagay ko napupuno na at tila umaapaw na

******

May COVID na raw dito sa probinsiya natin. Ayon sa baljta, okey na naman daw. Walang problema kung nakahawla ito. Pero kung pakalat-kalat ang taong ito at alam naman nating hindi papayagan ng mga taga-DOH, walang problema. Look-out ito ng mga kinauukulan. Pag kumalat ito, masama dahil ang ibig sabihin kaya nagkalat dahil pinabayaang  magkalat. At ang mga may concern ang mananagot sa ganitong klase ng mga kaso. Pero kung isa lang at nasa tamang pangangalaga, huwag nating masyadong problemahin. Doble-ingat pa rin para happy life lagi kahit “gatapo” na ang brief dahil sa kakakain ng sardinas. Basta huwag tayong  gagaya sa  mga magnanakaw na pulitiko  na mas malala pa nga sa COVID ang mga magnanakaw na ito. Ang kakapal ng mga mukha nila. Hindi sila tinatablan ng hiya. Mga wala silang kunsensiya. Ipinalalamon nila sa kanilang pamilya mga ninakaw nila sa mga tao. Kung tutuusin, parang mas nakalalamang ang mga magnanakaw na pulitiko kumpara sa sa COVID, ano? Kasi tao ang mga magnanakaw na pulitiko, dapat may hiya sila at konsensiya. Ang COVID ay virus at talagang walang hiya at konsensiya. Sino ang mas masahol, ang mga pulitikong magnanakaw o ang COVID na isang virus?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: