TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

MAGARBONG SONA HALOS 30 MILYON PESOS ANG HALAGA

Malapit na ang SONA ng pangulo at gagastos ng malaki sa kabila ng paghihikahos ng mga kababayan natin. Ayon sa incharge ng waldas committee, aabot ng 20 million pesos ang gastos para sa pagkain lamang sa mga dadalo sa sona. Hindi pa diyan kasali iyong iba pang gastos para sa dekorasyon at iba pang bagay para sa preparasyon kaya aabot ng mahigit 20 million pesos. Masyadong magarbo ang SONA ng pangulo sa kabila ng paghihirap ng bayan natin. Sasabihin lang naman ng pangulo na tayo ay naghihingalo na at sasabihin lang kung anong kalagayan natin kung kailangan ng gumamit tayo ng oxygen, gamot lalo na ng Bonamine dahil palubog na ang barkong sinasakyan natin kasama siyempre ako. Nakalungkot na balita pero ayan ang gusto ng administrasyon kayat dapat masunod at bigyan ang gusto ng ambisyoso at naghihirap nating bayan.

*****

 

Noong panahon ni Pangulong Duterte, wala namang masyadong garbong ganyan. Basta makapag-ulat lang ng kalagayan ng bansa tapos na at masabing ganito ang preparasyon natin na tayo ay nahaharap sa malaking pagsubok dahil sa paparating na pandemya at kailangan paghandaan nating lahat sa ayaw natin at sa gusto. Imagine SONA lang 30 milyon aabutin ang gastos ng admin natin sa kabila ng papalubog na ang bangkang nasasakyan natin at anytime puwedeng lumubog tayo. Sana naman huwag mangyari ito at harinawang maligtas ang barkong nasasakyan natin sa anumang kapahakan. Para sa akin mahirap ito dahil hirap na akong lumangoy dahil matanda na tayo pero kung magaling pa ang ating piloto makakaligtas tayo sa namumuong sama ng panahon. Kaya ang dapat nating gawin ay manalangin tayo at ipagdasal na ang buong bansa ay maligtas sa anumang kapahamakan.

*****

Sa lahat ng congressman, isa lang ang nakikita kong ang paninilbihan sa mamamayan ay tapat at walang halong kaplastikan. Siya si Kongresman Bonifacio Bosita ng 1-Rider Partylist at talagang ipinakikita niya ang kanyang katapatan at pagsisisilbi sa mamamayan at talagang naninilbihan siya ng buong katapatan kahit hindi nakaharap sa camera. Hindi siya katulad ng iba na magaling lang kumilos dahil nasa harap ng camera at maraming nanonood sa kanya at saksakan pa ng yabang at ang tanging alam lang magpakulong ng resource persons kapag kalaban at hindi makasagot sa mga itinatanong sa kanya. Magaling sa totoo lang at ang tinutulungan niya ay mga taong inaapi sa maling pamamalakad ng batas. Ang maling pamalakad ng batas ay kanyang itinutuwid at tamaan na ang tamaan. Si kongresman ay para lang sa tamang pamamalakad ng batas at kung mali kanyang itatama at ipasusunod. Napakabuti at tunay kung manilbihan at walang halong pagkukunwari.

*****

Nagtatanong ang mamamayan kung saan daw kumuha ng sampung milyon si Sec. Abalos para pabuya sa wanted na si PACQ na wanted ng batas sa ibat ibang kasong ipinatong ng batas diumano sa kanya. Saan nga ba kumuha ang DILG secretary? At pag nahuli si Quiboloy, kanino ito mapupunta at may tao naman kayang magtuturo sa kinaroroonan sa butihing Pastor? At saka napakalaki, iyong pinaghihinalang mamamatay tao,  dalawang milyon,  isang milyon, ok na pero sa isang pinaghihinalaan pa lang ang laki ng patong sa ulo? Ano kaya ito? Sabi sa Bisaya, tinontong gobyerno ini! Isang tao lang ang laki ng patong, si Bantag at Teves umabot ba ng sampung milyong piso mas grabe ang kaso nila? Katinonto ng gobyerno!

*****

Masyadong kontrobersyal ang kaso ng Pogong ito pero magtataka tayo dahil ang totoo pinapayagan naman ito ng Pagcor? Ang ibig bang sabihin, pinapayagan iyong iba pero iyong hindi malakas sa Pagcor ipinahuhuli? Bakit sa ibang lugar sige ang Pogo pero sa Bamban, Tarlac at sa Pampanga bawal ito at ipinagbabawal ng batas. Kung ipagbabawal, ipagbawal na sa lahat hindi iyong bawal sa Tarlac, Pampanga pero dahil malakas sa Cavite hindi bawal. Isang malaking kabaliwan ang ginagawa ng ahesiyang ito ng gobyerno. Isang malaking kabaliwan at kalokohan ng kasalukuyang admin.

*****

Ano ang sabi ng isang Amerikanong dating sundalo na bansang USA ay lumalakad sa kapakanan ng USA at hindi sa kapakanan ng Pinas o kung anumang bansa? Ang totoo, ayon kay Scot Tritter, isang dating opisyal ng Amerika, hindi naman tayo tutulungan ng USA sa oras ng kagipitan at magiging on our own na tayo oras ng kagipitan at emergency bagay tulad ng nangyari noong WW2 na iniwan tayong pinagpapatay muna tayo ng mga Hapon bago tayo binigyan ng tulong ng mga Kano. Hinayaan munang pagpapatayin tayo ng mga Hapon, pagsamantalahan tayo, ubusin ang kabuhayan natin, gawin tayong kawawa at pahirapan tayo ng husto, pero sila ang sarap ng buhay sa USA. Tayong mga Pinoy mga pamain lang tayo at tayo ang prontera kumbaga pambala lang tayo sa kanyon at iyong mga lider naman nating magaling sumipsip magtatakbuhan at tayong mahihirap maiiwan at makikipaglaban alang-alang sa bansa. Ganun lang iyon, gaguhan at bolahan. Katunayan ang mgapamilya ng mga hukluban nating kababayan, nagpapaaral na sa ibang bansa sa UK in particular at doon na muna habang nakikipaggiyera tayo.

*****

Hindi raw dadalo si VP Sara sa SONA ng Pangulong Marcos? Bakit nasa Saligang Batas ba na bawal ang VP na hindi dadalo sa SONA ng presidente? Wala akong alam na ipinagbabawal yan. Hindi naman siya miyembro ng gabinete ng admin, bakit ipagbabawal na di um-attend ang VP? Ako, isang ordinaryong mamamayan, bawal bang pakinggan ko kung ayaw kong makinig sa mga hindi naman totoong pinagsasabi niya sa kanyang mga kababayan? Sasabihin na namang 20 pesos na ang isang kilo ang bigas at mababa ang mga presyo ng mga bilihin at iba pa at ang mga dahilan ng pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin. Alam ko na yon noon pa kaya masakit na sa taynga. Ang tawag ko na diyan panibagong pangloloko na naman.

*****

Patuloy na ipinagyayabang ng mga lider ng Pinas na superpower na ang Pinas gayong wala namang ibubuga sa lahat ng bagay, mag ekonomiya o ano pa man, wala tayong sinabi pero patuloy tayong nagyayabang na superpower na tayo. Siguro ipinagmamalaki natin ang pagiging close natin sa USA. Kaya malakas tayo sabi nila dahil kadikit tayo ng USA na siyang ipinagmamalaki natin hindi sa tayo ay malakas kundi malakas tayong sumipsip. Hindi nga natin kaya ang insurgency kundi dahil kay Duterte tapos aasta tayong kaya natin ang China na kapitbahay natin. Filipinos never learn yon sa mismong Amerikanong opisyal ng Amerika.

*****

May mga nagpapakulo na Intsik daw si Joseph Cua at Peter Cua. Anong problema? Pumasa sila sa requirement na itinalaga ng Comelec at walang hindi nila sinunod. So ano ang problema ngayon hindi siya katulad ng isang kangresman na papaanong naging kongresman siya ganoong pareho ni Joseph Cua ang sitwasyon niya? Walang problema sila dahil ang kalaban mga mahina at walang ibubuga. Lumaban kayo ng parehas. Ganyan din ang problema ni amigong Sammy Laynes, siya ay natural-born Filipino citizen at qualified na qualified na lumaban sa pagiging kongresman tulad din ni Kongresman Zaldy Co ng Ako Bicol.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading