TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

DIGMAAN NAMAN NG ISRAEL VS IRAN

Inatake ng Iran ang Israel pagkatapos gumanti naman ito ng walang pakundangan at hindi sukat akalain ng Iran na wala nang paghihiganti ito pero tulad ng ginawa ng Hamas sa Israel, walang pakundangang gumanti ito at halos hindi na kayang pahintuin maski ng USA. Kaya ngayon halos buong lakas ng Iran ay naubos na sa ginawa ng Israel, at ayon sa balita lalaban ito sa Israeli sa ground war na lang, iyan dahil ubos na ang mga aircraft nito. Ang Israel sagana pa sa aircraft kaya maski pa anong sabihin nyo nakakalamang ang mayroon panghimpapawid na panglaban. Ngayon ang panglaban ng Iran ay sa ground gamit ang malalakas na baril nila ng dahil halos sinira na lahat ng Israel ang aircraft nila maliban lang kung tutulungan ito ng mga kaayadong bansa tulad ng Lebanon, Yemen, Somalia, at Hamas. Eh galing pa lang sila sa digmaan at halos ubos na rin ang lakas nila kaya ang mangyayari nga magtitiyaga sila sa hand-to-hand combat at iyan ang expertise ng mga kalaban nila. Huwag lang magkamali ng galawan ang mga Israeli, malakas ang laban nila na maski karamihan sa kanila ay mga babae dahil kinakapos na sila ng mga sundalong mga lalaki. Abangan ang labanang lalaki kontra babae!

*****

Ang talagang nakakatakot kung matuloy ang labanang China vs Philippines. Dahil ang totoo, sa sobrang yayabang ng mga Pilipinong mga lider natin na kaya lang mayayabang dahil nakasandal sa USA at ibang bansa, ubos tayo dahil katabing bansa lang ang kalaban natin at isang pindot lang ng gamit nila tapos na tayo. Dadating man ang tulong galing USA ubos na tayo at aanhin pa ang damo kung patay na ang mga kabayo sabi nga? Puro kasi kayabangan ang pinaiiral, hindi padaanin sa mabubuting usapan. Ganoon din ang China puro pambubully at pang-aangas lang kayang gawin, puro kulubot ang mga utak. Porke ba at maliit na bansa lang tayo ay ganoon na lang at tayo naman magmamayabang dahil mayroon tayong kinakapitang matatag at saksakan ng gulang na maasahan kuno. Tinutulungan kunwari tayo para sa sarili nilang kapakanan. Tingnan ninyo ginawa ng base militar ang bansa natin at dadating ang panahon na ni hindi na tayo makakapasok sa sarili nating base militar. Balik tayo sa kung saan mapagkakamalan tayong mga baboyramo.

*****

Labingsiyam na mamahaling mga sasakyan na iniwan ng mga OFW sa NAIA nauwi sa abo. Umaasa ang mga may-ari ng mga sasakyan na pagbalik nila sasakay sila sa magagara nilang sasakyan pero iyon pala ay mga abo na lang. Ang nasabing lugar ay pag-aari ng NAIA at talagang ginagawang iwanan ng mga may-ari ng sasakyan na karamihan ay mga OFW pero natuklasang ang mga damo sa nasabing lugar ay mga tuyo na kaya marahil may isang gago na nagtapon ng upos ng sigarilyo kaya nangyari ang lahat. Sinikap din daw makarating ng mga bumbero pero dahil sa sobrang sikip ng daanan bago makarating ang mga nagsikap tumulong, huli na ang lahat. Sayang na mga sasakyan!

*****

Sobrang init ang nararanasan sa atin sa kasalukuyan at kung hindi tayo magiging maingat sa ating sarili puwedeng hanggang ngayon tag-init na lang ang buhay natin. Sa bandang atin umabot sa 32.8 degrees Celsius at talagang makakamatay ang init na pinararamdam sa atin. Kung anu-ano man ang dahilan bakit sobrang init ng panahon ngayon, dapat kung ano ang dapat gawin ay gawin natin bago maging huli ang lahat.

*****

Papalitan daw si Sara Duterte bilang DepEd secretary. Kung ako si Sara payag ako, makabubuti pa nga kaysa maninilbihan ka sa bulok na gobyernong ito. Wala lang ibang alam asikasuhin kundi puro South China Sea. South China Sea naman talaga yan, ginawa lang West Philippine Sea. Iyan lang ba ang problema ng Pinas at dapat iyan na lang ang pag-uusapan at dapat bigyan ng solusyon? Nilihis lang ng pamahalaan ang usapan para matakbuhan ang totoong problema ng ating bansa. Magaling mangbudol ang gobyerno natin pero hindi na uubra yan alam na ang style ninyo mga bodulista. Ang problema natin ay ang grabeng taas ng presyo ng mga bilihin. Hindi panay Phillippine Sea na naglalagay sa bansa natin sa panganib.

*****

Nakakatikim ang isang senador natin na kung umasta ay akala mo kung sinong magaling, akala mo kung sinong nakakaalam ng lahat sa mundong ibabaw at kung mamahiya ng tao kung sinong saksakan ng talino  pero mind you hindi nakapagtapos ng college. Bakit kaya may mga taong kung manghiya akala mo siya ang pinakamagaling na tao sa lahat ng tao sa mundo? Balak pang kasuhan ng isang kongressman dahil ugali niya ang manghiya ng tao na hindi pa nga napapatunayan na nagkasala, hinuhusgahan na ang isang tao at pinagsasabihan pa ng bobo ang inimbistigahan pa lang.

*****

Balik tayo sa pagpapa-resign kay VP Sara. Buti nga malaki ang pagkakataon para makapangampanya siya. Hindi pa niya makakasama ang mga palpak na naka-focus lang sa iisang issue ang gobyerno makatakas lang sa ibang problema ng bansa. Remember Diosdado Macapagal, hindi rin binigyan ng cabinet position. Ang ginawa niya nag-ikot sa buong bansa, nakilala siya ng lubusan ng mga tao kaya ng kumandidato siyang pangulo parang nagreview na lang ng mga naiwan niyang bagay at siste panalo siyang pangulo na walang masyadong gastos. Kaya para sa akin, makabubuting iwanan niya ang cabinet posisyon niyang yan.

*****

Ginigipit at tinatakot ang mga raliyista sa Bulakan sa gagawing pagra-rally nila laban sa kasalukuyang administrasyon. Baka takot na sa rally at maging sanhi na ito ng pagkalugmok ng kasalukuyang admin kasi maraming kapalpakan ang nagaganap. Bakit hindi pabayaang maglabas ang mga hinaing ng mga tao kung meron man? Masakit kasi pakinggan lalo kung puro palpak ang gawa ng kasalukuyang admin.

*****

May mga nagtatanong sa akin bakit daw iba ang nilalakad ko ngayon. Sabi ko kung ikaw din mangyari sa iyo ito, babaliktad ka rin. Nabudol ako kaya bumaliktad ako. Akala ko maganda lakad ng bagong admin, iyon pala parang si Kiko kung anong sabihin ng nagpapakilos sa kanya iyon ang gagawin niya. Pag sinabing gawin mo ito, gawin mo, pag sinabing sumayaw ka, sasayaw. Masahol pa sa uto-uto ang sitwasyon natin ngayon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading