Todas na si Putin. Sukat ba namang pinagtulungan ng malalakas na bansa tulad ng France, Germany, Poland, England at iba pang malalaking bansa. Pero ang China, hindi nakisawsaw sa ubusan ng lahi kasi ang China ngayon nakafocus sa negosyo at hindi muna sa digmaan. Marahil naisip ng China kapa-pandemic pa lang, pakikipagdigma na naman samatalang puro kahirapan pa lang ang dinanas ng mga tao. Sa totoo lang, ang ginawa ni Putin ay gawang sa demonyo at hindi gawa ng tao. In other words, ang ginawa ni Putin ay gawaing makahayop at hindi nararapat na pantao. Imagine, katatapos lang ng pandemya giyera ang inaatupag. Gawain ba yan ng isang lider ng bansa? Iyan ay gawain ng isang baliw na lider na baliw at gustong magpakabaliw pa.
*****
Hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa ginagawa ng mga miembro ng pulisya na pinaghati-hatian ang nakumpiskang shabu. Walang gustong umamin pero kalaunan may umamin din pero lumalabas na panay matataas na opisyal ng PNP na noon tinagurian nating mga Ninja Cops. Nakakahiya, mga pulis pa naman na naturingan ang sila pang mga suspek. Papaano pa magtitiwala ang mga tao sa mga walang hiyang pulis? Ang sabi to serve and protect, iyon pala numero unong mga kawatan at hindi mapagkakatiwalaan. Mga walang kaluluwa! At kahit kailan ay hindi dapat pagkatiwalaan ng mga tao. Bagay sila sa Russia at kasama nila ang lider ng bansa na si Putin. Bagay silang magsamasama doon dahil pare-pareho silang walang puso at kaluluwa.
*****
Sa palakasan, tinapos sa Western Conference ang Lakers ni Lebron James ng Nuggets ni Jokic. Nagwakas na ang husay ni Lebron at si Jokic na ngayon ang nangunguna. Sa Eastern Conference naman nakuha ng Miami Heat ni Jimmy Butler at pinahiya ang Boston Celtics na nagpakita ng konting angas pero sandali lang. Sa ngayon nakauna na ang Nuggets ni Jokic, 1-0 ang kartada. Aywan kung makaisa ang Heat ni Spoelstra kasi malakas talaga ang kalaban. Parang Zelensky at demonyong si Putin. Abangan na lang natin ang mga susunod na laban nila at kapanapanabik na walang humpay na bakbakan. West or East ba?
*****
Pumanaw na ang movie director na si Carlo Caparas sa sakit sa puso. Siguro mahilig kumain ng puso ng saging. Ang hilig pa namang gumawa ng pelikulang hango sa totoog buhay. Sayang, isasapelikula sana ang buhay ng demonyong si Putin kung saan ang kalaban niya ay isa ring may pusong demonyo na si Joe Biden. Isasapelikula rin ang mga walang hiyang pulis at ipakikita iyong panghuhulidap nila kung papaanong nirerecycle nila ang mga nahuling shabu sa mga sindikato at papaanong ibenibenta nila ito at kung papaanong Ninja Cop ang mga pulis natin. Nakakaawa naman iyong pulis nating malinis ang record nahahawa na rin sila. Kaya lumalabas na lahat sila masama.
*****
Hindi raw gusto ni FPRRD ang ginawang pag-resign ni VP Sara bilang kasapi ng Lakas CMD. Akala siguro ni Duterte at ni Panelo big deal ang umalis si VP Sara sa hindi niya naman partido. Ayos lang na lumayas si VP Sara tutal hindi naman partido ang ibinoboto kundi ang tao. Pag kumandidato uli ito si Panelo, sa pansitan ito pupulutin at hindi na sa kankungan. Abogado pero mapanghusga pero mali naman ang mga sinasabi niya. May maniniwala naman kaya sa mga sinasabi niya? Para siyang iyong abogadong kilala ko, madaldal kaya puro nare-reverse mga kaso niya pagdating sa SC. Kasi naging huwes siya pero iyong huwes na minsan lang kung magsalita, hindi nare-reverse ang resulta ng mga kaso.
*****
Milyong mga Ruso ngayon ang gusto na lumayas na sa puwesto niya bilang pangulo ng Russia si Vladimir Putin dahil sa maling pamamalakad niya. Ayon sa balita, nawawala na si Putin pero may balita namang magbabalik ito para magdala ng mas matinding lagim. Ang hirap sa taong sira na ang utak iyan ay mananatiling sira hanggang hindi nalulunasan ang sira niyang ulo. May mga ganyang tayong tao tayo dito sa atin, lahat ng admin kalaban. Laging sa tingin nila tama sila sa lahat ng bagay. Naririyan sina Reyes, Casinio, Colminares at iba pa. Kailan kaya mababago ang kaisipan ng taong ito. May mga mga baltik din ang ulo. Ang mga anak ng mga ito nasa ibang bansa nag aaral pero sila naririto nagma-MacDonald lang . Anak ng tokwang mga tao ito, malalaki na ang sira. Mahirap nang kumpunihin.
*****
Ayon sa balita, 21 na miyembro ng CPP-NPA-NDF ang nagbalik-loob sa pamahalaan matapos maranasan nila ang buhay ng namumundok at makipaglaban sa gobyerno. Nakaranasan talaga nila ang buhay na hindi nila naranasan sa buong buhay nila bitbit ang pangako ng mga lider na gaganda ang buhay nila pagdating ng araw. Hanggang sa dumating ang araw na kabiguan at kapahamakan ang inabot nila at sabihin na sila ay namali lamang ng landas na tinatahak hanggang tanghapin ang katotohananan sila ay niloloko lamang ng mga lider nila. Mahirap kalaban sa totoo lang gobyerno. Suicidal ika nga ang makipaglaban sa gobyerno kahit na may prinsipyo, bokya ka pa rin.
*****
Samantala 4 na namang CPP-NPA-NDF ang napatay sa Samar, dagdag sa mga nasawi na namang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF. Ang naturang mga napatay ay mga napakababata pa. Mga bagong recruit ika ng at pawang mga estudyante ng UP at Visayas Region. Nakapanghihinayang, hindi man lang nakapagsilbi sa bayan at sa kanilang mga magulang. Ang unang pinagsilbihan ay ang kanilang kasamahan at organisasyong kinasasapian sa dahilang prinsipyo ang ipinakikipaglaban.
*****
Kagulo ngayon ng husto sa Russia. Ayaw na nila kay Putin dahil ang ibig sabhin ng Putin ay kamatayan ng lahat ng Ruso. Kung sa Pilipinas, nagpapatayan ay Pilipino laban sa kapuwa Pilipino, ganoon din sa Russia. Ruso laban sa kapuwa Ruso. Paano ito nangyayari? Ang Ukrainian ay mga Ruso, maging salita nila ay Ruso, nagkakaiba lang sila sa paniniwala tulad sa ating bakbakan ng Pinoy vs Pinoy. Nagkakaiba lang sa paniniwala na dala ni Karl Marx at ni Mao Tse Tung. Masakit isipin na kapuwa Pinoy nagbabakbakan. Pero iyan ang katotohanan na dapat nating tanggapin. Ganyan din ang nangyayari sa Russia dahil sa lider na mali ang paniniwala sukdulang madamay ang mga inosenteng mga tao.