Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

BIDANG-BIDA ANG MGA PULIS NA KAWATAN

Apat na pulis na matataas ang ranggo sabit sa nawawalang droga na nakumpiska sa mga suspek. Saan kaya napunta at nawawala? Ang galing ng mga pulis natin magtago ng mga nahuhuli nilang shabu. Ito yung iniimbistigahan ng mga kongresman na nawawalang 42-kilos na shabu na nagkakahaga ng P285 milyon ayon sa mga taga-PNP at hindi malaman kung saan napunta. Ang kongreso ay inirekomendang tanggalin sa puwesto ang dalawang koronel at dalawang heneral sa puwesto. Ang tataas ng ranggo nila, koronel at mga heneral. Malaking halaga kasi ang sangkot at puwede ka nga namang magretire na kahit may kaso ka pa. Who knows, tutal lagayan lang naman sa kaso? At pag tapos na ang lahat, paldo ka pa sa pera. Bilyon kasi ang usapan dito at bilyon din ang lagayan. Sumo-sumo ang mga abogado at piskal, lalo na ang mga judge na hahawak ng kaso. Good luck na lang sa lahat na makakasahod!

*****

Meron pang iniimbestigahan ang kongreso, ang 9.6 bilyon na shabu at nawawala rin ang mga sangkot ay mga pulis din. Ang handling din ng nahuling shabu ang nproblema. Hindi rin malaman kung saan napupunta ang mga shabu. Doon sa unang kaso mayroon silang pinagbibintangan, inutusan lang yata ng nanay na bumili ng suka nakulong na yong pobreng tao. Ayon sa ina ng bata, ni manigrailyo ay hindi alam nito o maski ano pang bisyo hindi ginagawa nito. Pero ayun, nakakulong ang bata kasi mahirap lang at kinaya-kaya ng mga pulis. Ok sa akin kapag ang nahuhuli ay mga tumitira talaga. Pero kung ang mga hinuhuli ay mga hindi gumagawa magtagumpay lang ang mga ninja sa hangarin nila, hindi maganda iyon. Kaya para sa akin, tulad ng sabi ni Raffy Tulfo, hindi lahat ng nakulong may kasalanan. Totoo yan, sila ay biktima lang ng pagkakataon.

*****

Ang susunod nating tatalakayin ay ang masamang gawain ng ilang tiwaling mga pulis. Ito ay tungkol sa isiniwalat ng dating pulis na ngayon ay kongresman na. Alam ba ninyong ang mga pulis ay binibigyan ng mga quota ng mga boss nila? Ganito ‘yon: kailangan ika sa buwang ito makakahuli ka ng isang durugista o magnanakaw, at least mga sampung magnanakaw o durugista. Pag hindi mo nagawa, bahala ka sa buhay mo at sa trabaho o sa promotion mo. Kaya naniniwala ba kayo sa mga promotion ng mga pulis? Hindi na-promote ang isang pulis dahil magaling siyang magtanim? Kung magaling kang magtanim, aasenso ka nga at the expense ng mga taong walang kasalanan. Hanep din naman? Alam ba ninyo kung sino ang nag expose tungkol sa gawaing ito ng mga pulis? Isang dating pulis na ngayon kongresman na. Siya si Kong. Bonifacio Bosita. Anong say niyo? Siyempre hindi lahat pero sa utos ni Boss, lahat tatalima or else bahala ka sa promotion mo?

*****

Bumiyahe na naman si PBBM para at least sumipsip sa mga Kano para Malaki-laki ang tulong na ibibigay sa atin ni Uncle Sam. Kasi kaibigan daw tayo ng US pero ang ibinibigay sa atin mga pinaglumaan at mga bulok pa. Ganyan kagaling ang kaibigan ng mga Kano, mga pinaglumaan lang ang inyo at mga bulok na gamit. Kaya tama si Duterte, bumili tayo ng sariling atin. Gamitin natin ng pamuksa sa mga gustong magpabagsak ng gobyerno natin at sa mga kalaban sa labas na gustong pasukin tayo. Nakakatawa ang ilang Filipino sa Amerika, ang sabi huwag daw papasukin ang mga Amerikano sa Pilipinas. Pero ang mga Pinoy na nagsasabi niyan ay nasa Amerika. Parang mga siraulo ang mga Filipinong ito. Hindi ba kayo nahihiya magsabi sa mga Amerikano gayong nasa Amerika kayo? Mga siraulo ba kayo o nasisiraan pa lang ng ulo?

*****

Tumuloy si PBBM sa England para sa koronasyon ni Charles at pagkatapos sa England, tutuloy naman ang pangulo sa koronasyon ng hari ng mga hari na si King of Kings na si King Kulas ng na anak ni kinalas na hari ng pagawaan ng kinalas na Jeep na gawang Africa. Pagkatapos tutuloy ang pangulo sa iba pang African countries at mamimili ng scrap metal. Biro lang ito ng walang magawang manunulat.

*****

Maraming medalya ang nakuha ng probinsya ng Catanduanes sa katatapos na Palarong Bikol na ginanap sa ibat ibang probinsiya pero bilib ako sa mga player ng sepak takraw, nakakatuwa, ang gandang tingnan. Sana sa isang taon lahat ng laro lalaruin na nila at paglalabanan sa isang probinsiya na lamang. Diyan makikita natin kung sino ang magaling sa kahit na anong laro.

*****

Lumalabas sa imbestigasyon ng Senado na ang naghahaharian sa Negros Oriental ang pamilya Teves. Maraming kaso ang ipinupukol sa magkapatid na Henry at Arnie Teves. Kung inyong pakasusuriin, lumalabas na ang mga pulis sa nasabing lugar ay hawak ng mga Teves. Mula sa mga pulis. kagawad at mga kapitan at maging sa mga abogado, fiscal at maging sa mga huwes ay hawak nila lahat. Iyan ay sa inbestigasyon ng Senado at hindi pa ito ng korte. Marami pang puwedeng magbago. Ang imbestigasyon ng Senado in aid of legislation lamang perol hindi sila puwedeng maghatol ng kasong iniimbestigahan nila. Kaya mahaba pa ang lalakbayin ng kaso ni Degamo.

*****

Panalo ang Lakers sa unang laban sa GSW. Aywan ngayon kong sino ang panalo sa pangalawang pagsasagupa nila. Pagsinuwerte si Curry, walang duda panalo sila. Pasinuwerte naman si James at Davis, tapos na ang kuwentuhan at mag-abang na tayo sa Finals. Ang inaabangan dito ang labanang Lakers at GSW. Kumbaga, pang-main event, talagang salpukan ng husto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: