Sabi ni PRRD, hindi raw siya nagkamali siya sa pagsasabing si Marcos, Jr. ay isang mahinang lider! Ang tanong, ano kayang naging basehan niya sa pagsasabi na si Marcos ay isang mahinang lider? Ang kahinaan ni. Marcos na alam ko. Kaya mahina siya ay hindi siya nagmumura at hindi siya aktibo sa pagpaparami ng mga napapatay sa droga. At isa pang kahinaan niya ay dumadami ang mga kriminal. Iyon ang hinahanap ng mga tao sa kanya. Kaya siguro weak lider nga siya!
*****
Mahina nga bang lider si Marcos? Ang totoo, mahinang lider talaga si Marcos. Sa ibang larangan ang totoo bulok siya at hindi maaasahan pero sa foreign policy medyo may alam siya pero sa pagpapatakbo ng bansa bugok siya sa kabuuan. Mga mandarambong pa mga napili niya at walang mga alam magpatakbo ng field area nila. Sa madaling sabi, dumami ang walang alam sa trabaho. Mga bulok! Parang bumabalik tayo sa era na marami ang kabulukan
******
Dumadami na naman ang bulok na pulis kaya bumabalik ang mga masamang elemento ng lipunan! Saan ka nakakita ng pulis na sangkot sa pangho-holdup at kidnapping ng mga tahimik na mamamayan? Iyan ba ang to serve and protect ng mamamayan? Isa iyan sa nakikitang kahinaan ng isang lider na bulok at hindi maaasahan ng mamamayan! Akalain ba namang kahit pamunuan bulok kaya’t bulok din pati pinuno!
*****
Nahihilig sa biyahe si Marcos para makupo ang mga investor sa ibang bansa. Mag-click naman kaya ito gayong sa taas ng presyo ng gasolina sa atin ay lugmok na tayo? Sinong sira-uio na mga investor ang papasok sa atin para magpalugi ng negosyo? Magpapalugi okay pero para magpalago, no way! Come on, magpalugi kayo! Hindi kaya hangad nila magtitinda ng balut? Balita ko malakas ito sa Pateros pero kung gabi lang! Subukan nyo kaya libreng gasolina makatitipid pa kayo!
*****
Bagong Taon, bagong lokohan na naman. Swerte daw ang mga prutas na bilog kaya marami ang naghahanda nito bago sumapit ang Bagong Taon. Pero sangkatutak ng bagong taon, malas pa rin at hindi pa rin yumayaman. Kaya ngayon papalitan ko iyong bilog ng trianggulo. Baka iyan ang swerte?
*****
Bagong taon, bagong agom. Iyan ang motto ng mga malas sa asawang buwisit sa buhay mo. Palitan ang asawa kung buwisit sa buhay mo. Marami diyang naghihintay na baka swerte at magbibigay-ligaya sa buhay mo. Pag muli nagkamali ka, palitan kaagad at tiyak tatama ka rin.
*****
Huwag kayong maniniwala sa New Year’s resolution! Paniwalaan nyo ang sarili nyo at ikaw ang nagdadala ng buhay mo, hindi ang mga resoiution na panay kalokohan. Masisira lang ang buhay mo kung paniniwalaan mo ang mga kalokohang likha ng mga taong walang magawa sa buhay. Pero kung sa tingin ninyo makabubuti sa inyo, go ahead! Hawak niyo ang buhay niyo, walang makapipigil sa inyo.
*****
Bagong taon, bagong buhay, isa pang kalokohan. Bakit, namatay ka na ba kaya magbabagong buhay ka na? Baka magiging ahas ka na kasi bagong buhay na, eh? Kapag nagkaroon ka ng buntot sa likuran, magbagong buhay ka. Ipaputol mo pero huwag iyong buntot sa harapan? Tiyakin mong iyong buntot mo sa likuran, kung hindi, ikaw ang magdurusa habang buhay!
*****
Noon marami ang nagalit sa akin dahil hindi nila nagustuhan ang mga sinulat ko pero nang lumabas sa social media, natameme ang ipokritong nagkukunwaring mga banal. Ano na ngayon, sawayin na ninyo mga banal at lahat ng kabastusan ay nandiyan na at lumabas ng lahat? Pigilan na ninyo, mga banal at mapagkunwaring ipokritong makadiyos! Tingnan ko kung kaya ninyo ang pagiging banal ar ipokrito ninyo!
******
Ako’y naniniwalang may Diyos pero hindi ako naniniwala sa mga alagad nito na nabubuhay gamit ang pangalan ng Diyos. Nanalangin din ako pero nanalangin ako sa totoong Diyos at hindi sa mga kumikita gamit ang pangalan ng Diyos! Maraming mga lokoloko na kumikita gamit ang Diyos pati mga replika ginagamit nila kumita lang! Mga loko loko!