Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

MABAIT SI MARCOS

Masyado daw mabajt si Marcos kaya maraming abusado sa gabinete niya, Ako, hindi naniniwala. Ang mga abusado ang mga taong iba sa paligid niya. Pero ang totoo hindi ang mga newly appointed na mga cabjnet member dahil ang totoo nag-aadjust lang sila. Maging si Marcos, nag-aadjust din yan sa bagong trabaho nila! Ganyan ang buhay, bagong trabaho, bagong problema ang kakaharapin mo!

*****

Tuloy ang oil exploration sa PH Sea, hindi na kasali ang China! Ito ang mabigat na salita ni BBM! Paano ba iyan mga Intsik, di wala nang kahati ang mga Pinoy. Dang kasi kayo ngayon ay wala na, sosolohin na ngayon ng Pinas! Noon kasi payag ng hati, gusto ng mga tsekwa kanila lahat, kaswapangan ang ipinapakita kaya nawalan tuloy! Naghangad ng kagitna, isang sako ang nawala!

*****

Magulo ngayon ang gobyerno ni Xi Jin Ping at kumakalat na sa ibang bansa, lalo na sa Europa. Ang isa sa mga dahilan ay ang katotohanang hanggan ngayon ay hinadi pa masugpo ang sakit na Covid-19! Kung ako si Xi Jin Ping, iiwanan ko iyan! Ikaw ba naman ang mag-alaga ng isa’t kalahating bilyon na tao tapos ikaw pa ang tampulan ng sisi ng taongbayan?

*****

Samantala, umaatikang labanan ang Ukraine at Russia at sa resulta bansang Ukraine ang nagwawagi pero hindi pa tapos ang laban at magpapatuloy ito! Ang tanong, kung sino ang mananalo ay natin alam dahil hindi pa tapos ito? Pero an mananalo ang maraming kakampi.

******

Hindi na makapaglalaro sa final ang dating kampeon dahil hindi nakapasok sa final kaya Cignal ang may karapatang lumaban sa larong volleyball! Petrogaz Angels ang kalaban ng Cignal kung hindi ako nagkakamali! Pero kahit hindi nakapasok ang Smashers sa final, sa Smashers pa rin ako!

******

Gusto raw bigyan ng posisyong secretary si Mar Roxas ni PBBM? Qualified naman siya at wala  tayong magagawa dahil hindi naman tayo pangulo! Ang hindi maganda ay isang dilawan at kailan hahanggan ang respeto ng mga kasamahan niya para gawin ito!

*****

Tatlong magkakaibigan ang nagpatayan dahil sa agawan sa kung sino sa kanila ang guwapo! Ayaw pumayag ang pangatlo, gusto niya siya! Ang sabi pa, kung matatalo siya, mas mabuti pang mamatay na lang! Sila Rustom, Ramon at Rolly! Sila po ay mga pusa!

*****

Sino nga ba pumatay Rizai? Ang sabi ni Roman, hindi nya alam. Ang sabi ni Marites, si. mama niya pero hindi rin sigurado dahil maiksi lang daw ang buntot nito. Isa pa, sabi ng bata,  bagong hair cut ito!!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading