TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

SIRA ANG DISKARTE NG GOBYERNO PAG PUMASOK ANG MGA PULITIKO

Ang kasuyong ibon muling magbabalik pagdating ng hapon! Kung may babalikan pang bahay at hindi pa nangibang bahay si mister at kung hindi sinira ni Rolly ang bahay? Kaya hindi totoo ang kasabihan kung minsan!

*****

Ang pag-ibig kapag labis mapagbigay, mapagtiis ngunit  kapag ito sinugatan ay lason sa pagmamahalan, lalo pag ito ay ginamitan ng thiodan at insecticides at lalo pag walang makain ang isang pamilya at inalisan pa ng 4Ps! Ang sakit ano?

*****

Ang asukal ay mahalaga tulad rin ng asin at maging ng vetsin kaya pag ito ay Nawala, walang lasa ang lahat ng pagkain! Pero ang mayayamang negosyante na mayroong mga bodega, hino-hoard ito at ilalabas kung kailan mahigpit na pangangailangan ng mga tao! Ang tawag dito ay hoarding ng mga nasa gobyerno

at dito tumutubo ng malaki ang mga negosyante lalo kung may kasabwat na sakim na taga-gobyerno!

*****

Ang programa ng goyerno tungkol sa educational assistance at iba pang tulong gobyerno pag pinasukan ng mga politiko at ng mga kapitan ng barangay nasisira, ‘ika nga, ang kamada! Napo-politicized ito at papasukan ng mga mantok, ng mga limatik at mga buwitre! Todas ang magandang programa ng gobyerno at bundat na naman ang mga buwitre!

******

Basta programa ng gogyerno na pinapasukan ng mga buwaya sa gobyerno, siguradong masisira yan! Kasi iniisip nila kaagad ang pansariling kapakanan! Sabi nga, what are we in power for? Di ba ganoon sila mga politiko? What are we in power for? Aminin nyo na iyo naman talaga pero hindi lahat,

*****

Laking tulong talaga ng 4Ps lalo doon sa mga nangailangan talaga pero laking aksaya naman ng gobyerno kung hindi naman qualified talaga lalo kung natatamaan iyong hindi nararapat pero malakas kay mayor qualified siya! Ang galing ng mga lokong ito at ang sarap ninyong iluto sa kawa!

*****

Lumalabas pala na ang probinsiya ng CamSur ang isa sa probinsiyang pinakamahirap sa buong Pilipinas? Akalain Ninyo, wala ang Catanduanes? Nakapagtataka sa kabila ng kahirapan natin pero lumalabas na hindi tayo ang pinamahirap sa anim na probinsiya ng Bicol, at ni hindi tayo pang kinse! Hindi kapanipaniwala pero totoo!

*****

Lumalabas na si Loren Legarda ay naimpluwensiyahan ni Joma Sison! Kung totoo ang balitang ito, mabuti pang hindi na niya sinabi kasi. Nakapanghihinayang ng boto! Ibinoto mo, iba pala ideolohiy niya!! Sayang ang boto ko sa kanya parang nagtraydor sa bayan!

*****

Napapalibutan tayo ng dagat pero wala tayo ng asin? Bakit kaya, ano ang kulang sa  atin? Kaalaman ang kulang sa atin kung papaano gagawin ito. Sa ibang salita, tanga tayo pagdating sa bagay na iyan. Mahirap aminin pero iyan ang totoo!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d