Ang pag-ibig kapag labis mapagbigay, mapagtiis ngunit kapag puso ay sinugatan, ito ay nagiging gamot sa daga. Ang pag-ibig kapag labis mapagbigay, mapagtiis ngunit kapag puso ay sinugatan, maghilom man ay balantukan!
*****
Ang pag-ibig kapag labis mapagbigay daw at mapagtiis ngunit kapag ito ay sinugatan, hangga’t ikaw ay nabubuhay, hindi na gagaling ang sugat! Ang pag-ibig kapag labis ang katulad nito ay asukal, matamis sa una, sa huli parang ampalaya ang lasa.
*****
Ang ibong nagtampo sa kasuyong ibon muling magbabalik pagdating ng hapon. Ang ibong nagtampo sa kasuyong ibon, hindi na babalik kapag tinangay na ng ibang aso. Sumpa ko an, Nay. Si Marites umalis ng bahay tangay ng asong malaki, hindi na bumalik tangay pa rin ng asong malaki na suwapang sa karne.
*****
Isang babae nakipagbalikan sa dating asawa, tutal naman daw pareho silang nagkaliwa at kumanan. Ayaw ng lalaki kasi katuwiran niya tinangay na ng ibang aso ang asawa samantalang sa kanya ay Marites lang. Ang ibig ng babae table, na ayaw naman ng lalaki. Hiwalay na lang daw!
*****
Anong masasabi nyo sa kasong na ang unang gumawa ng kabulastugan ay ang babae? Sa Saudi, may lashes pa na isang daan! Sa ibang lugar, pinuputulan ng leeg at binabato sa publiko. Sa atin naman, pinapatay ng lalaki pag huli sa akto, walang kaso si lalaki! May kaso pa rin pero destierro lang at lalayas sa ibang lugar!
*****
Si Dr. Rosario Vergeire ang tinalagang OIC ng DOH. Tama lang si PBBM! Mabait yong tao at mapagkatitiwalaan! Karapatdapat lang unless meron pang mas magaling sa kanya! Na wala naman at isa pa subok na siya at talagang sumusunod sa tama. O maraming mas magaling sa kanya pero hanngang salita lang!
*****
Noong panahon ng eleksyon, maraming pera ang mga pulitiko! Nang matapos ang eleksyon, wala ring pera ang mga pulitiko! Bakit kaya nagkaganoon yon? The seller no money and the buyer no money pa rin! Magnanakaw uli ang mga magnanakaw! Meron bang bago sa buyer and seller? Walang Mabuti, pareparehong kawatan! Ang lugi iyong talunan pero sa dami ng ninakaw niya sa gobyerno noon panalo pa rin siya!
*****
Ang kulang sa gastos si Robin Padilla pero malaki pa rin! Dinaan lang sa gandang lalaki! Ang daya daw na dinaan ang kandidatura sa gandang lalaki! Ang tanong: anong gagawin niya ngayong senador na siya? Tulad din siya ni Lito Lapid, magbibilang ng poste ng Meralco at ng dumadaang mga kotse sa harapan ng bahay nila!
******
Nakapanood tayo ng first class na volleyball sa buong mundo! Lumaban ang China vs. Japan, ang USA vs Argentina, Canada vs Brazil at ibang bansa pa.
Libre panood. Basta may TV ka. Pumasok na rin ang varsity league pagkatapos ng volleyball nation league! May basketball, volleyball, may NCAA pa at meron pang UAAP! Mayroon pang kinababaliwan ng marami at iyon ang PBA at ang NBA!
*****
Ang mga pulis dapat paniniwalaan natin lalo kung gumagawa sila ng mga kasinungalingalingan! Paniniwalaan naman natin halimbawa iyong mga pulis na nagnakaw sa kapuwa niya pulis at saka iyong pulis na ninakawan ang kapwa niya estudyante sa pulis! Paniwalaan natin na hindi pa pulis, magnanakaw na!