Islander in the City by Pablo A. Tariman:

MY DAUGHTER’S LAST BOOK LAUNCHED

My late daughter Kerima turned 43 last May 29

We observed it with the online  launching of her last book poetry, “Sa Aking Henerasyon: Mga Tula at Saling-Tula” by Kerima Tariman (6X9 inches, 404 pages, published by Gantala Press.

Kerima Tariman’s last poetry output during the book launching at Conspiracy Cafe May 29. (Photo: Kodao Production)

As I look back, it’s been nine months since my daughter died.

By coincidence, her baptismal godfather was National Artist for Film Lino Brocka whose literary idol was Kerima Polotan. When Brocka learned I named my daughter after his idol, he said casually, “Okay Pablo, ako na ang ninong.:

The book launching was memorable.

Classical guitarist Aaron Aguila reprised her mini-concert in Catanduanes and Ilolo City.

National Artist for Literature Virgilio Almario at the May 29 book launching as Pablo Tariman delivers his message.

Present in the launching was National Artist for Literature Virgilio Almario who wrote about Kerima’s book thus (in Pilipino):

“ISANG HÁMON SA ating panahon ang pahayag ni Kerima Lorena Tariman sa dulo ng “Introduksiyon”: “(A)ng tula ang siyáng dapat na lumikha sa makata.” Kabaligtaran ito ng ordinaryo’t romantisistang pananalig na: Ang makata ang lumilikha ng tula. Sapagkat ang tula ay pahayag na pangwika, nais kong alalahanin sa pangungusap ni Kerima ang teorya noon pa ng mga German, sina Herder at Wilhelm von Humbolt, na ang wika ay mahigpit na kaugnay ng diwa ng táo.

Ipinasabi ito noon ni Rizal kay Simoun para pangaralan si Basilio. “Wika ang kaluluwa ng bayan,” sabi ni Simoun, at binabawalan niya si Basilio sa kampanya ng mga kabataan para husayan ang pagtuturò ng wikang Español. Banyaga aniya ang wikang Español kayâ hindi ito mamahalin ng bayan. Katulad ito ng pahayag ngayon ni Kerima, na ipakikilála ng tula kung nararapat tawaging makata ang sumulat ng tula. Ang nilalamán ng tula ang kabuluhan ng makata. At sapagkat nakapahayag sa tula ang naging búhay at karanasan ng makata, ipakikilála ng tula kung ano ang kaniyang naging búhay at kung paano niya pinagmunìan ang kaniyang naging karanasan.

Hinahámon ngayon ni Kerima na maging makabuluhan sa bayan ang ating makata. At paano mangyayári iyon? Sa pamamagitan ng pagdanas ng mga bagay na makabuluhan sa bayan upang iyon ang maging nilalamán ng kaniyang tula. Kunwa’y kutya nga niya sa sarili, kung tae lang ang lamán ng tiyan (utak) ng isang makata, tae rin ang ipapanganak (itutula) ng makata.

Batay sa ganitong simulain, kahanga-hanga ang aklat na Sa Aking Henerasyon (2022) na tumipon sa mga tula ni Kerima, mulang 1996 na isa siyáng estudyante sa Philippine High School for the Arts (PHSA) hanggang bago siyá napatay sa isang engkuwentro nitóng Agosto 2021 sa Negros Occidental. Nakalagda sa kaniyang mga tula ang kamulátang nágisíng sa nakalulunos na búhay ng maraming mamamayan sa Filipinas at nagpasiyang humanap ng lunas sa pamamagitan ng paglahok sa mga kilusang rebelde, mula sa mga gawaing pangkultura hanggang paghawak ng armas at pamumundok. Ang buong koleksiyon ay tíla talambuhay ng kaniyang pakikisangkot para sa kalayàan, katarungan, at ginhawa ng nais niyang paglingkurang mga manggagawa’t magsasaka, at ng walâng-kúpas niyang pag-asa sa katumpakan ng kaniyang paniniwalà. Hitik ito sa mga larawan ng mabibigat na sakripisyo para manindigan, gayundin sa mga kaligayahan sa piíling ng mga ipinagtatanggol at mga kapuwa mandirigma, na totoong panandalian ngunit nakatitighaw ng págod, tákot, at bigat ng tungkulin.

Kahanga-hanga ang búhay at dakilang malasákit ni Kerima, ngunit higit na kahanga-hanga ang matiyaga’t mataimtim niyang pag-uulat ng kaniyang danas at damdámin sa pamamagitan ng tula. Konkreto ang mga larawan ng pook at táo na nakaharap niya sa Isabela, Bikol, Tarlac, at Negros. Ipinamamalas mismo ng kaniyang natutuhang mga wika (Ilokano, Bikol, Bisaya) ang awtentiko at taos-pusòng pagyakap niya sa dinadanas. Kailangang basáhin nang may nakabúkas ding kalooban ang kaniyang aklat upang ganap na maunawaan ang kailangang tatág sa mga panganib na sinugba niya at malinaw na naiulat sa kaniyang pagtula.

Ang isang magandang bakasín ay ang binhi ng kaniyang pakikisangkot. Narito ang isang tula ng paglalarawan niya sa isang pamilya ng maralitâng tagalungsod:

 

Nasisira na ang lahat

Ng aming mga gámit:

De-pihit pa ang telebisyong

Ang channel ay tatatlo.

 

Ngumangawa ang aming bentilador.

Wasak na ang pinto ng aming refrigerator.

 

Natanggal ang hawakan ng aming saingan.

Nangangain ng kaset ang aming stereo—

 

Napakatotoo ng retrato. Alám din nating totoo. Hindi niya kailangang gumámit ng tayutay at lumikha ng talinghagà para paniwalàan natin ang katotohanan ng kaniyang inilalarawan. Medyo dinagdagan lang niya ang drama dahil ikinonekta niya ito sa tákot ng mundo sa pagtatapós ng milenyo, dahil “1999” ang pamagat ng tula at petsa ng pagkasúlat.

Sino ba naman ang hindi mangangamba na bakâ sumabog itong poot? Pero ang nakatutuwâ, sinupil pa niya ang himagsik sa pamamagitan ng patay-malîng dagdag na detalye tungkol sa nawawasak na katinuan ng mundo, at nagwakas sa:

 

Nahuhumaling na kami sa alagang áso.

Nauuso na ulit sa bahay ang yoyo.

 

(Ewan, ano ba ang ginawa ninyo sa panahon ng pandemya? Nagplantita? Nanood ng Netflix?) Posibleng nakíta rin natin ang lahat ng dinanas ni Kerima. Subalit maaaring ibá, ibáng-ibá o ibá-ibá, ang naging pasiya natin sa ganitong araw-araw na katotohanan sa ating bayan. Ang pahabol na hámon ko: Inaanyayahan ko kayóng basáhin ang tula ni Kerima upang higit pang makilála ang búhay na posibleng iniiwasan nating bigyan ng angkop na pasiya.”

 

(For book inquiries on Kerima Tariman’s  “Sa Aking Henerasyon: Mga Tula at Saling-Tula” by Kerima Tariman (6X9 inches, 404 pages, published by Gantala Press, text 09065104270 or email pabloopera@yahoo.com)

 

-30-

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d