May panibagong petition na namang isasampa laban kay Bongbong Marcos. Hindi ko na tuloy
matandaan kung ilang disqualification case na laban sa kanya ang isinampa sa Comelec. Ngayon may
bago na naman at sinasabing ang tatay daw ni BBM ay isang dayuhan. Hindi raw isang Filipino? Hindi
raw si Marcos, Sr.,kundi isa ring Ferdinand at siya ay si Ferdinand Magellan?
******
Tatlo raw sa presidential candidates ay nag-iisip nang umatras dahil sa maraming kadahilanan? Una,
kapos sa pondo na siyang pangunahin sa isang nagyayabang o nag-aambisyong maging pangulo ng
ating bansa. Pangalawa, kapos sa edukasyon, Pangatlo, sumobra and kayabangan, Pang-apat, over-
acting. Panglima, matagal na sa pullitika walang magawa. Pang-anim, wala iyong inaasahang mga artista
na magdadala sa kanila at marami pang ibang dahilan silang nakikita na lahat ay dala ng kalaban nila at
wala sa kanila? Sino ba sila? Abangan na lang natin?
*****
Ayon sa mga taga-DOH, malamang daw na ilagay sa Alert Level 4 ang NCR, at ang Visayas at
Mindanao ay pinaghahanda na rin dahil sa biglang pagdami ng nagpositibo sa kaso ng Covid-19. Ang
nakakatakot ay hindi pa siguradong Covid ang umaatake dahil ang hinala ng mga experto ay baka
Omicron variant na raw ito na mas matindi kaysa sa Covid-19? Tiyak iyan na sa paglobo ng mga
tinamaan ng sakit na ito, si PRRD na naman ang sisisihin ng mga siraulong mga kababayan natin? No
doubt pero wala tayong magagawa dahil mga siraulo nga!
******
May ilang mga nagra-rally laban sa mga kumakampanya sa pagbabakuna! Hindi sila naniniwala sa
bakuna. Lalo na nga ngayon na marami ang tinatamaan ng sakit kahit mga bakunado na at may booster
shot pa? Dapat unawain natin sila ilan-ilan lang naman sila kumpara sa bilyong nagtitiwala sa larangan
ng medical science. Ang masama kung ang buong mundo mawalan ng tiwala sa Dakilang Lumikha! Iyon
ang nakakatakot! Basta ang importante tiwala lang tayo sa gobyerno dahil lahat naman ginagawa nila
para malutas ang gahiganteng problema ng buong mundo! Tiwala lang tayong lahat!
******
Simula na ng kampanyahan sa mga kandidato nasyonal. Mula pangulo pangalawang pangulo, mga
senador at partylist representatives. Magkakaalam na talaga kung sino ang sino at kung sino ang
paiinumin ng nilagang tanglad. Diyan nyo na ilabas ang angas ninyo lalo na iyong kayabangan ninyo!
Tingnan natin kung paniniwalaan pa ang mga kahambugan at mga panloloko ninyo. Iba na takbo ng utak
ng mga tao ngayon, hindi na basta-basta nadadala ng mga boladas. Natuto na mga Filipino at kahit na
ano pang paninira ang gawin ng mga mapanirang mga tao wala nang maniniwala. It is all over!
*****
Ito ang resulta ng mga survey Pulse Asia, Publicus Asia, Kalye Survey, Splatt . Com. Octa Research,
Pulse Asia….BBM 54%, Leni Robredo14%, Isko 12%, Manny Pacquiao 10% Lacson 8%…Vice Pres,
Sara Duterte 50%, Sotto 18% ..Octa Research UP: BBM 54%, VP Leni 18%, Isko 10%, the rest never
mind? Vice Pres, Sara Duterte 50% at Tito Sotto 33%…Publicus Asia ….Pahayag halos pareho ng resulta
ng Pulse Asia, Octa Research, at ng Splatt. Com at ilang kalye survey. BBM at Sara Duterte ang
namamayagpag. Kun ngayon gagawin ang eleksyon game over na. It’s game over.. BBM SARA number
one pa rin!
******
Huwag. ninyong iboto ang dalawang senador na si Kiko Pangilinan at si Richard Gordon. Ang tagal na ng
dalawang iyan sa Senado, mga wala namang nagawa. Ang isa diyan, nag-seminar pa sa Harvard tapos
iyong natutunan inaplay dito sa Pinas kaya pati mga bata naging mga kriminal. Iyan namang si Gordon,
puro pamumulitika na pati mga tao sa Palasyo inabala niya mabigyan lang kapritso niya sa pagiging
pulitiko. Pasikat para malagay sa diyaryo. Pakiusap ni PRRD huwag iboto ang dalawang kandidato na iba
raw takbo ng mga utak!
*****
Mga batang lima hanggang labing-isa ang susunod na targat bakunahan ngayong matatapos na iyong
12-17 taong gulang na mga bata.Sinasabing sa buwang ito dadating ang mga bakuna sa mga batang
edad 5-12. Samantala patuloy ang pagbibigay ng booster shots lalo na sa mga senior citizens na siyang
kinatatakutang maaaring tamaan ng mabilis makahawang Omicron variant.
******
Inupakan na naman ni Duterte ang mga obispo at mga pari na wala naman daw itong nagagawa para sa
mga tao. Meron daw mga pari na may mga asawa, may mga anak at karamihan ay mga homosexual.
Tanong pa ni Duterte, nasaan ang inyong mga pera? Nagtatanong kayo kung nasaan pera ng gobyerno?
Ang pera namin nakikita ninyo, iyan, ang daming proyekto. Kayo, nasaan ang yaman yaman ninyo?
Anong naibibigay ninyo sa mga tao? Tapos puro daldal lang kayo! Banat pa ng pangulo!
*****
Kandidato para gobernador Joseph Boboy Cua, Vice Governor Peter “ Bos Te” Cua, PBMs, West
District….Atty. Fred Gianan, Jr., Doc Zafe, Sonny Francisco, Jan Alberto, EAST District Obet Fernandez,
Gil Vargas Templonuevo, Jr. …. Mga kagawad Virac, Rosie Panti Olarte, Joseph Toto Mendoza, Cesar
Angeles, Arman Zafe, Anthony Arcilla, Ariel Molina. Kagawad Pandan: Salvador Isorena, kagawad Viga..
Rolando Torrocha.
