MECQ TAYO

ILANG ARAW NA LANG MAGKAKAALAMAN NA – Ang last day ng substitution ng mga kandidato ay sa petsa kinse nitong buwan ng Nobyembre at ang inaabangan ng marami ay ang mayor ng Davao City na si Sara Duterte-Carpio kung kakandidato pa raw ba itong presidente o kung magbi-bise presidente ng nangunguna sa mga survey sa panguluhan na si Bongbong Marcos? Pero ayon sa mga haka-haka malamang sa malamang na tatakbo raw itong bise presidente ni BBM? Mahirap manghula kaya abangan na lang natin ang ipapahayag ni Mayor Sara Duterte sa a-kinse ng Nobyembre dahil hindi na makapag-huhula ang kahit sino pa. Sa ayaw at sa gusto nila, magkakaroon na ng pagpapalitan ng puwesto kung gusto nila? Kung wala, di iyon na ang dating posisyon nila at iyon ang kanilang tatakbuhin. Merong pagpapalitan o wala, tayong mga botante wala tayong problema at wala tayong pakialam sa kanila.


NASA MECQ ANG ATING PROBINSIYA – Bakit lumala ang sitwasyon ng pandemya sa atin? Bakit mas dumami ang natatamaan ng Covid-19? Maraming dahilan kung bakit mas dumami ang nagkakasakit ng covid sa atin. Nakapagtataka ang liit ng probinsiya natin pero hindi masugpo-sugpo ang lumalaganap na sakit na ito. Bakit nga ba? Ang sabi nila ang panguhaning dahilan ay ang sobrang titigas ng ulo ng mga taga-Catanduanes. Hindi sila sumusunod sa mga ipinatutupad ng mga awtoridad. (Puro sinda mga oragon dae gaturobod sa Covid-19.) Lalo sa mga barangay walang social distancing at mga walang face mask. Sa halos lahat ng barangay sa buong probinsiya, hindi uso ang physical distancing at pagsusuot ng face mask. Mga tigasin kasi sila! Pangalawang dahilan: sobrang bagal ng pagbabakuna sa mga taong dapat bakunahan. Napakaliit ng probinsiya natin kaya dapat lahat ng taga-Catanduanes ay nabakunahan na. Masyadong mahina at talagang mabagal ang pagbabakuna sa ating probinsiya. Ang Cavite, Batangas at iba pang mga lugar na di hamak na malalaki sa ating probinsiya na milyon ang populasyon ay halos bakunado na mga tao pero sa atin na ni walang kalahating milyon ang mga nanahanan hindi pa nabakunahan ang mga tao? Kung sino ang dapat sisihin bakit nangyayari ang ganito sa atin, hindi ko sasabihin sa inyo? Alam nila kung sino ang mga dapat sisisihin sa kanila? Ang gawin ninyo na siyang mga may kinalaman sa mabagal, mahina sa ngalang pagbabakuna sa mga dapat bakunahan magtinginan kayo sa inyong mga mata at magturuan kayo. Kasaday-saday na probinsiya, dae knababakunahan ang gabos na tawo oya? Maski pa sabihon tang matagas ang mga payo kang mga tawong an kaya habo magpabakuna, grabe nin paagi para makumbinsi ang mga tawong magpabakuna. Sa totoo lang kaya lumalala ang Covid-19 sa atin ay dahil sa ang mga kinuukulan ay naging mga pabaya, mababagal at mahihinang rumesponde sa kung papaanong masusugpo ang sakit na ito.


Dahil kung magagaling sila at hindi nagpapabaya, hindi mangyayaring dumami ang tatamaan ng Covid. Muli sasabihin kung napakaliit ng probinsiya natin at sa isang iglap kung gugustuhin lang ng mga kinuukulan lahat ng mga taga-Catanduanes ay bakunado na. Kaya dumami ang tinamaan ng Covid ay sa dahilang marami ang hindi pa nababakunahan. Iyan lang ang simpleng rason kaya nasa MECQ tayo at ngayon ay dadanas tayo ng malaking paghihirap.


GUMASTOS NA KAYO, MGA KANDIDATONG HINDI PA KILALA – Paalaala sa mga kandidatong hindi pa kilala. Ito na ang pagkakataon para makilala kayo ng mga tao. Mamigay kayo ng kuwarta at sabihin nyo lang na tulong ninyo yan. Hindi yan bawal dahil hindi pa campaign period. Puwede nyo sabihing advance na pamasko. Walang problema, meron ngang isang kandidato sa pagka-presidente at harap-harapang namimigay ng kuwarta. Pero kung wala kayong pang gastos para magpakilala ng maaga, ireserba na lang ninyo para pambili ng boto. Tutal sabi ng isang obispo at maging ng isang kandidato sa panguluhan, tanggapin ang pera at magboto kayo ng naaayon sa inyong konsensiya. Ayos baga! Pero ang sabi ng Comelec, bawal ang vote buying! Ayot pag oras na ning eleksyon, wala nang bawal, lahat legal na! At sabi ko nga hindi kaya ng Comelec ang mga pagbabawal nilang iyan. Marami nang kaso tungkol sa vote buying pero hanggang kaso lang iyan.


NANGUNGUNA SA MGA KALYE SURVEY – Ang nauuso ngayong mga pagkuha ng pulso ng bayan ay ang mga kalye survey. Halos sa buong Luzon, Metro Manila, Visayas at maging sa Mindanao ay usong-uso ang kalye survey. At ang nangunguna sa mga survey sa anim na kandidato sa pagka- pangulo ay si BongBong Marcos. Sobrang lakas ni Marcos sa Luzon at maging sa Metro Manila at Visayas. Sabi nga ng mga political analysts na kung hindi magbabago ang trend game over na raw! Pero sa pagpapatuloy ng kalye survey dalawa sa anim na mga kandidato sa pagka-presidente ang tila umaangat sa survey bagaman puwedeng sabihin nating marami pang kakaining bigas bago abutin ang nangunguna. Pero sigurado naman ako na kahit papaano ang mananalo ritong presidente sa Bikol ay taga-Bikol. Walang duda iyan ang problema baka hanggang dito lang siya sa atin?


ANG MGA KANDIDATO NINYO – For Governor Joseph “Boboy” CUA, Shirley Abundo, Randy Tanael. For Vice Governor Peter “Bos Te” CUA, Jun Popa, A. Abichuela, Congressman Cesar V. Sarmiento, Hector Sanchez. Sangguniang Panlalawigan – West District, Atty. Fred Gianan, Jr., Doc ZAFE , Jan Alberto, Sonny Francisco, Innah Popa. East District – Obet Fernandez, Gil Templonuevo, Jr.
For kagawad: Virac Armando V. ZAFE , Rosie Panti Olarte, Hernandez “Idol” Sarmiento, Cesar Angeles, Jun Obusan Torres. For Vice Mayor San Miguel, Alexander Teves. For Vice Mayor Pandan, Lino Trinidad, For kagawad Pandan, Salvador Buddy Isorena.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: