BBM NANGUNGUNA SA MGA SURVEY

KALYE SURVEY – Ang nauuso ngayon at tila mas epektibong ginagawa ng mga vloggers ay ang pagsu-survey sa mga kalye. Kung saan ay ginagawa ito ng mga vloggers sa pagtatanong sa mga tao kung sino ang mga napupusuan o gusto nilang mga kandidato sa pagka-pangulo ng ating bansang Pinas. Ginawa ito ng mga nagsu-survey sa halos buong kapuluan ng ating bansa. Kaya sa pamamagitan ng mga survey na ginawa ng mga bloggers na ito malalaman natin kung sino ang gustong pangulo ng mga tao. Ang mga tanong nila ay kung sino ang gusto nilang iboboto kung ngayon gagawin ang eleksyon at bakit nila gusto ang mga kandidatong ito. Ipinapakita ng mga gumagawa ng survey ang litrato ng mga kandidato na sina: Leni Robredo, Panfilo Lacson, Isko Moreno, Manny Pacquiao, Bato dela Rosa, at Bongbong Marcos. Ito ay live na kinukuha at pati pagtanong sa mga tao kung sino ang gusto nila kung kaya hindi makakadaya ang mismong nagsusurvey. At ito ay tinatally ng live at ipinakikita sa publiko kung ilan halimbawa nakuha ni Isko, Leni, BBM. Bato. Lacson at Pacquiao? So, wala talagang daya! At lumalabas sa mga survey sa halos buong bansa ng masasabi na may gusto ang mga tao kung sino gusto nilang presidente. Ang nakapagtataka ay halos one-sided ang laban. Kumbaga parang isa lang ang kandidato at halos walang kalaban. Sobrang nakapagtataka talaga! At ang kalye survey na ito ay tumutugma sa mga lehitimong gumagawa ng survey tulad ng inilabas ng Publicus Asia at ng Manila Bulletin. Ito na ang lumabas sa mga kalye survey kung saan ang number one ay si Bongbong Marcos at sabi nga landslide ang panalo niya. Pangalawa at napakalayo ay si Leni Robredo at pangatlo ay si Isko Moreno, Lacson, Pacquiao at Bato dela Rosa ang pinakahui. Iyan ang kalye survey sa halos buong Pinas.


SURVEY NG MANILA BULLETIN, PUBLICUS ASIA – Ang lumabas sa survey ng Manila Bulletin ang nanguna ay si BBM nakakuha siya ng 73%, Robredo 23%, Isko, 2%; Lacson, Bato at Pacquiao tig-isang porsiyento lamang. Makikita natin na parang winalis ni BBM ang mga katunggali niya! Iyan ay ang sa Manila Bulletin. Ito naman ang sa Publicus Asia: Marcos pa rin ang number one, malayong pangalawa si Robredo at Isko at mas malalayo sina Lacson, Pacquiao at Bato.
Balik tayo sa kalye survey kung saan mapupuna natin sa dalawang kandidato na si Lacson at Isko na masasabi nating may mga balwarte sila malayo sila kay BBM. Sa mismong Cavite kung saan tagaroon si Lacson, ni hindi man lang ito nakakuha na puwede niyang ipagmalaki bilang taga-Cavite. Bongbong Marcos ang ipinagsisigawan sa nasabing probinsiya. Maging sa mga karatig probinsiya tulad ng Batangas, Laguna, Quezon, at maging sa Mindanao, tulad sa Cotabato, Panabo Davao del Sur at iba pang lugar ang halos kilala lang nila ay si Bongbong Marcos. Mismong sa Manila, ang balwarte ni Isko, ang isinisigaw BBM at pumapangalawa lang si Isko at malayong pangalawa pa. Huwag na nating isama ang lugar ng Ilocos kumbaga hindi na kailangang bolahin ang tambiolo dahil isa lang ang pangalan ng kandidatong kilala sa kanila at ang pangalan ay Marcos! Grabe doon kumbaga butata mga kalaban! Solido talaga ang Marcos!
Baka sabihin ninyong fake news mga ginagawa ko panoorin ninyo sa YouTube ang kalye survey at tiyak sasabihin ninyong “totoo nga”! At live nilang ginagawa ito. Sinasabing bayad daw ang mga vlogger. Oo naman! Ikaw nga ang gumawa ng survey diyan na walang bayad? Kung nababaliw ka na, puwede. Ang masama kung iyong ginagawa mong survey ay binaligtad mo mga resulta ng mga sinasabi ng tao. Pero naiiba kasi live ito tinatanong ang mga tao saka sinusulat ang kandidatong gusto nila. Pati pag total ng mga boto, ipinapakita sa mga tao live. Malinis ang laban!


BBM at SARÀ DUTERTE LIHIM DAW NA NAG-UUSAP – Delikado yan tiyak pag lihim ang pag-uusap, meron yang nilulutong masarap na ulam. Ito kasing si Anthony “Tunying” Taberna masyadong nakakaintriga mga sinasabi halos 90% na lang daw ang usapang BBM-SARA at maibubunyag na tapos sasabayan ng tawang masyadong nakakaintriga! Iyon nga po ang balita at nagkita raw sa Cebu si BBM at Sara Duterte. Pero sarado ang balita sa kung ano pinag-usapan. Pero ang hula ko,sa akin lang ito sa nakikita kong trend ng pangalang Marcos na parang isa ng artistang superstar at siyang bukambibig ng mga tao, puwedeng pangalawang puwesto ang kukunin ni Sara D at magpapatuloy na si BBM sa panguluhan. Pero ang totoo kahit sino sa kanila ang presidente parehong malakas at kayang pataubin ang mga kalaban Sa kabila ng ang katotohanang hindi pa nagsisimula ang totoong pangangampanya.


GOB BOBOY CUA – BISE GOB BOS TE CUA – Hindi raw magandang tingnan ang tambalang Cua para gobernador at Cua para bise gobernador? Ow.. come on! Sa CamSur, ang kandidatong gobernador at dalawang kandidatong kongresman ay magkakapatid. Sa gobernador Luigi Villafuerte, kongresman LRay at Migz Villafuerte. Sa Davao City, Mayor Sara, Vice Mayor Baste, kongresman Paolo at presidente ng Pinas PRRD. Kabuuang bilang apat sila magkakapatid at ang kanilang ama. Sa Ilocos, magkakapatid na mga Singson, mag-ama at magkakapatid na mga Marcos, sa Pampanga mag-asawa at anak ng mga Pineda, Sa Taguig mga Cayetano, mayor, kongresman at senador, Sa Leyte mga Romualdez magkakamag-anak din. Sa Cebu na dati hawak ng mga Osmena at mga Durano ngayon mga Garcia na. Bakit ganun? Hindi naman kasi bawal kaya tuloy ang ligaya! At isa pa, nakakabuti pa nga dahil ang programang gusto nilang ipatupad walang masyadong hadlang. Sabi sato, daeng dakul na orolay.


ANG MGA KANDIDATO – Gobernador Boboy Cua, bise gobernador Peter “Bos Te” Cua, kongresman Cesar V. Sarmiento, Sangguniang Panlalawigan (West District) Fred Gianan, Jr., Doc ZAFE, Sonny Francisco, Innah Popa. (East District) Obet Fernandez, Gil Templonuevo, Jr., sa kagawad sa Virac, ARMAN ZAFE, Cesar Angeles, Rosie Panti Olarte, at Hernandez “ldol” Sarmiento. Kagawad sa Pandan Salvador “Buddy” lsorena, at Lino Trinidad for Vice Mayor. Sa San Miguel Jun Camano for mayor, Alex Teves for Vice Mayor. Sa Viga Bong Tarin for Mayor at Rolando Torrocha for kagawad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: