TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

LAHAT GUSTO MAGING PRESIDENTE

Medyo masuwerte pa rin tayong mga Pinoy dahil sa kabila ng kahirapan dahil sa pandemya, iyon lang ang kinakaharap natin. Sa Afghanistan, may Covid na, may giyera pa. May Covid-19 sila, may Delta variant pa, may Taliban pa. Hirap ng buhay nila pero alam ba ninyong marami tayong mga kababayang Pinoy na sa Afghanistan nagtatrabaho at ang pamahalaan natin ay kasalukuyan nang nakikipagtalastasan sa mga kinauukulan para mapauwi na ang mga kababayan natin dahil ayon sa mga ulat hindi na raw maganda ang sitwasyon sa nasabing bansa. Pero may ilang mga Pinoy ang gustong manatili sa nasabing bansa dahil pag umalis daw sila at normal na ang sitwasyon ay mahihirapan na silang bumalik. Ang hirap ng buhay, ano? Pagdating mo naman dito sa Pinas, ang sasalubong sa iyo paghihirap, Covid-19 at Delta variant. Pero dapat laban lang, parte yan ng buhay!

******

Alam ba ninyong may limang bansa pa sa buong mundo ang hindi pa mapapasok ng Covid-19 at ng Delta variant? Una dito ang bansang Tonga na bansa ng sikat na sikat na basketball player ng PBA na si Asi Taulava, at ng isa pang sumisikat sa PBA na si Mo Tautuaa. Maliit na bansa lang ito sa kontinente ng Oceania kung kaya madaling makontrol and nasabing bansa para hindi makapasok ang anuman o sinumang ayaw nilang papasukin. Pangalawang bansa ay ang Tuvalu at maliit din lang populasyon nito na abot lang sa onse mil kaya madaling kontrolin ang anumang bagay sa kanila lalo na itong Covid-19. Ang pangatlo ay ang Nauru, isang bansa na mayaman sa mga organic fertilizers at napakayamang bansa. Hindi rin ito ma-penetrate ng Covid-19 dahil sa paghihigpit din ng mga otoridad nito pagdating sa larangang kalusugan. Ang pang-apat ay ang Turkmenistan na matatagpuan dito sa Central Asia at napakahigpit din ng patakaran sa kanila as in super higpit at hindi uubra ang angas at mga tigasing ulo sa nasabing bansa at mismong balita sa kanila na kung ayaw ng gobyerno nilang palabasin ay walang magagawa kahit sino. At ang panghuli ay ang North Korea na kung ano ang gusto ng pangulo nila ay siyang masusunod. Pag sinabi ni Kim na walang papasok na virus, talagang wala. As in pati virus takot kay Kim Jong Un. Iyon po ang limang bansa na hindi makapasok ang Covid at Delta variant. Di tulad dito sa atin na nagra-rally pa kahit pinagbabawalan na ng gobyerno. Kaya hindi magtatagal, magkakaubusan tayong mga Filipino na wala namang dapat sisihin kundi tayo at tayo rin!

******

Suma total, kayang- kayang makontrol ng gobyerno nila ang kanilang mamamayan dahil sa kokonti lang mga tao sa kanila na libo-libo lang ang bilang, di tulad sa atin na milyon-milyon.

Puwera lang ang Turkmenistan at North Korea.na milyon din ang bilang ng populasyon nila. Pero nagawa ng North Korea, ng New Zealand, Vietnam, at iba pang malalaking bansa at isa lang pormula nila ang istriktong pagpapatupad ng health protocols. But not in the Philippines! Iba tayong Pinoy kung oya sa Bikol, daeng madaog sa orag ta. Mga oragon kita! Pag dumating ang panahon na matulad tayo sa India, sa Brazil noon at sa Indonesia ngayon, hilingon ta ang oorag nitang mga oragon kita! Hindi naman natin hinahangad na mangyari ito sa atin pero kung iyan ang gustong mangyari ng nasa itaas para maturuan ng leksyon ang mundo  may magagawa ba tayo?

******

Kagulo na ngayon ang mga ambisyosong gusto maging pangulo ng bansa. At mahihirapang magkaisa ang mga oposisyon dahil lahat sila gusto maging pangulo. Unang nagparamdam si Trillanes at presidente ang target. Nalusaw bigla! Ngayon naman si Lacson at gusto pag-isahin ang mga oposisyon, butata din kasi ayaw ni Robredo dahil lalabas na bise na naman posisyon niya. Bumanat naman si Isko Moreno at ayon sa balita hinihintay si Pakyaw. Nabalita namang ayaw maka-tandem ni Marcos si Sara Duterte. Kaya sa ngayon ang solidong tandem ay ang tandem na kung tawagin ay PI-SOT. Na ang ibig sabihin daw ay Ping at Sotto.

******

So wala pang solidong tambalan maliban sa PI-SOT sa panguluhan at pangalawang pangulo. Wala pang Duterte-Marcos tila malabo dahil gusto parehong pangulo. Walang Robredo-Trillanes, gusto pareho din presidente. Wala ring Isko Moreno-Pacquiao dahil gusto pareho presidente. Kamakailan pinalutang naman ni Cong. Joey Salceda ang tandem na Sara Duterte at Win Gatchalian. Nitong buwan ng Setyembre may Covid-19 o Delta Variant ay maglalabasan na mga totoong pangalan nila sa ayaw at sa gusto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: