Tingnan Natin:

SARA DUTERTE NANGUNANG MULI SA PULSE ASIA SURVEY

Lumabas ang survey ng Pulse Asia sa kung sino ang gusto ng mga Filipino na maging pangulo ng ating bansa na hahalili kay PRRD. Sa pagka-presidente, ang nanguna ay ang anak ng pangulo na sì Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Nakakuha ito ng 28%, at ang malayong pangalawa ay ang alkalde ng Manila na si Isko Moreno na nakakuha ng 14%, at pangatlo ay si Bongbong Marcos 13%, pang-apat Grace Poe 10%, panglima Manny Pacquiao 8%, VP Leni 7% at ang iba pa na ang sabi nga ay never mind. Ang survey ay ginanap nitong June 6-31, 2021 at ito ay may respondents na 2,600. Lumalabas na ang mga kritiko ni Duterte at mga oposisyon ay nangunguna sila sa huli tulad ni VP Leni, Trillanes, Lacson at Sotto, at maging si Pacquiao, na tatlong buwan lang kinuha ang AB-POL. Sci. sa UMAK, ay nasa pang huli sa survey.

*******

Ito na ang kinatatakutan ng marami sa ating mga Pinoy na hindi pa nga nababakunahan lahat. May bagong sulpot na naman na salot na mas malala pa sa Covid-19 at ito nga iyong Delta Variant na mabilis at malakas makapanghawa daw ito at ito ngayon nga ay nasa malapit bansa natin na Indonesia. Ayon sa balita, meron na daw 60 na Pinoy na nakabase sa Indonesia ang tinamaan nito at ang sakit na ito ayon pa rin sa balita ay nandito na sa Pinas at meron na raw 11 ang tinamaan nito at kasalukuyan nang minomonitor ng mga taga-DOH. Ang epicenter ngayon ng Covid-19 na dati India ay nalipat na sa neighbor natin na Indonesia. Kung hindi tayo magdodoble ingat, baka lumipat sa atin ang kapitbahay natin at tayo naman ang tatamaan. Ingat lang po. Huwag nating papàsukin sa bahay natin si Delta. Hayô….!

********

Nagkakagulo ang mga pulitiko dahil sa partido. Ang tinutukoy ko ay ang PDP-Laban. Parang mga sira samantalang pag oras ng botohan, hindi naman partido ang tinitingnan kundi iyong tao at kung magkano ang ibinigay ng mga kandidato. Lalo sa mga lokal na mga kandidato, balewala ang partido. Ang importante iyong ipamimigay ng mga kandidato sa mga botante at hindi iyong partido. At saka bawal ang mga party lalo mga birthday party at iba pang mga party. Mga partido, kalokohan lang iyan! Ang totoong partido at hindi mawawala kailanman ay ang Sabang Partido!

*******

Ang tila matatag na partylist ngayon at malamang makakaulit pa ay ang TGP partylist ni Cong. Bong Teves. Tinatangkilik ng masa lalo ng mga botika. At hindi lang Iyon, nakikita ng mga tao ang kasipagan ng kongresman nila. Meron diyan ibang kongresman na ni anino ng mga pinutukan ng mga lintik hindi mo makita. Kasi kumita na at magpapakita kung eleksyon na at magsisinugaling na naman at magprepresinta ng mga plataporma de kabubuwaan ninda! Kakapal ng mga pagmumukha! Plataporma de kabubuwaan pa more!

******

Naalaala ba ninyo iyong doktor na pinagmumura iyong motoristang nakasagutan niya? Doktor nakipagtalo sa isang driver ng van? Hindi man lang isinaalang-alang pagiging doktor niya? Ngayon may kaso siya. Isa pang mag-viral na insidente sa trapiko din ito. Isang lalaki ang hinuli,ng mga pulis at mga traffic enforcer. Ayaw siyang paawat at sinisigawan niya mga pulis. Ayaw siyang paawat talaga at sinisigaw niyang kilala ba ninyo ang tatay ko at ipinapakita niya ang kanyang ID. Kilala ba ninyo ang tatay ko? Kilala ba ninyo ang tatay ko? Parang iyong pelikula ni FPJ na may tagpong baka hindi mo kilala ang kapatid ko? Pulis ang kuya ko! Kaya ayon sangkaterbang kaso ang kakaharapin niya at pinakamabigat iyong assault. Kayo, kilala niyo ba ang kuya ko? Kilala nyo ba ang tatay ko? Orbos apelyido ko! Isa namang pulis ang nakasagupa anak ng mayor! May violation ang driver kaya hinihingi ng pulis ang lisensiya ng driver na anak daw siya ng mayor. Sabi ng driver, kilala mo ba kung kanino akong anak? Ang sagot naman ng pulis ay hindi ko kilala ang tatay mo. Pero ako, anak ako ng nanay ko! Napanood ninyo ito!

******

Isang babae ang sigaw ng sigaw at hinahabol daw siya ng aswang. Maraming tao ang sumaklolo sa babae at hinahanap iyong sinasabing aswang. Walang nakita ang mga tao sa sinasabing aswang! Kaya nag-uwian na lang ang mga sumaklolong mga tao. Makaraan ang isang oras muli, may nagsisigaw na namang isang babae at may nakita raw itong aswang. Kaya sumaklolo na naman mga tao.Pero wala pa rin silang nakita kaya nag-uwiang muli mga tao. Ilang minuto ang lumipas may nagsisigaw na namang tao na may aswang daw. Pero sa pagkakataong ito, wala nang sumaklolong tao. Bakit kaya? Sabi ng isang tagaroon, nagpapapansin lang daw ang babaeng iyon dahil ang totoo raw lahat ng nakatira sa lugar na iyon ay isandaang porsiyentong mga aswang! All pala sila!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: