Tingnan Natin ni Jex F. Lucero:

Ang problema ni Pacquiao at UMAK

Si Pacquiao, ayon sa pahayag ng Norte Dame of Dadiangas University, ay totoo palang nag-aral sa nasabing unibersidad. At ayon sa kanya, onseng taon niya itong kinuha. AB Political Science, ayon sa pahayag ni Pacquiao, ang tinapos niya. Pero ang sabi ng Norte Dame Dadiangas University, hindi totoong onseng taong nag-aral si Pacquiao kundi isang taon lang at hindi pa nga natapos. Pagkatapos ay hindi na ito pumasok sa Norte Dame. At ito na nga at nagkakagulo na dahil nagtapos si Pacquiao sa University of Makati at natapos niya ang AB-Political Science sa loob lamang ng tatlong buwan. Dito pumalpak ng husto si Pacquiao. Ang kursong kinuha niya sa Norte Dame ay Business Management at hindi niya ito natapos pero ang pahayag niya sa media, onse anyos niyang kinuha ang AB Pol. Sci. niya. Pero dokumentado ang lahat na nagtapos siya ng AB-Pol.Sci. sa UMAK sa loob lamang ng tatlong buwan? Ang gulo na ano?

******

Ang problema ngayon ni Pacquiao at ng UMAK ay kung papaano nilang ijujustify o palalabasing legitimate ang pagtatapos ni Pacquiao sa UMAK gayong hindi naman qualified ito sa ETEEAP? Tanging dalawang unibersidad lamang ang binigyan ng permiso ng CHED ng ETEEAP, ang PUP at NEW ERA University. Ang presidente ng UMAK nang panahong nag-aral ng tatlong buwang AB-Pol. Sci. si Pacquiao ay ang ngayon ay alkalde ng Makati na si Abegail Binay. Huwag na tayong mag-isip ng kung ano pa alam na natin kung papaanong nakuha ni Pacquiao ang dapat apat na taong kurso ay kinuha niya lang ng tatlong buwan? Sabi ni Pacquiao hindi siya tiwali at lalong hindi siya sinungaling! Good luck!

*******

Parang “ribong na balanak” ang IATF. Hindi mo maintindihan ang mga pahayag nila. Tuloy nagkakagulo mga tao! Ang sabi sapat na iyong dokumentong maipakita mo kung fully vaccinated ka na at libre ka nang bumiyahe. Tapos binago na naman na kahit bakunado ka na kailangan ay maipakita mo na negative ka sa RT-PCR test. Tapos kung ano na namang mga pagbabago pa? Anak kayo ng ina ninyo, kung puwede huwag ninyong ginagago ang mga tao lalo at pagagastusin na naman ninyo. Ayusin ninyo ang mga ginagawa ninyo! Napakahirap na nga ng buhay lalo pa ninyong pinahihirapan! Mga pinutukan kayo ng bulkang Taal, ayusin ninyo trabaho ninyo! Iba ang pahayag ng IATF, iba naman ang sinasabi ni Spox Harry Roque? Ang gulo ninyo, para kayong si Pacquiao tatlong buwan lang kinuha ang pang apat na taong kursong AB-Political Science?

*******

Parami nang parami ang tinatamaan ng Covid-19 diyan sa ating probinsiya. Isa sa mga dahilan kung bakit muli akong umalis diyan ay ang pangambang baka makapitan ako ng sakit na Covid lalo at wala pa akong bakuna noon. Nakakatakot lalo at walang pinipili na ngayon ang nasabing sakit bata man o matanda. Ang nakakatakot pa ay kung iyong mga variant tulad ng Delta at Delta Plus ang makapasok sa atin.  Paano na lang tayo? Ang Indonesia ay iyan ang pinangangambahan nila at kapitbansa lang natin? Siguro dapat doble ingat lang, mga kabayan!

*******

Sa bayan ng Panganiban meron daw gustong bumalik sa dating puwesto niya kaya magiging masaya daw ang eleksyon sa nasabing munisipyo. Malamang daw sa tatlo ang hindi magkakasundo at talagang magkakasubukan sila? Samantala sa munisipyo ng Baras ay tila meron din daw gustong bumalik sa dati hawak niyang puwesto. Ang problema ay napakaganda raw ng takbo ng gobyerno sa nasabing bayan. Lalo daw at naaalalayan pa ito ni Cong. Bong Teves. Kaya doon sa mga nangangarap para sabayan si Mayor Paolo Teves ay pagbutihan ang pakikipagsabayan. Balik tayo sa bayan ng Caramoran kung saan bukod sa incumbent mayor na si Mayor Aguilar ay meron ding isa o dalawa na gustong tapatan si Mayor Aguilar at dating mayor Agnes Popa. Ayon sa balita, naghahanda na rin daw ang mga magigilok sa pulitika? Samantala sa munisipyo ng Bato malamang sa malamang daw na mahihirapan ng makabalik pa si alkalde Rodriguez? Mabigat daw ang tandem na Rodulfo-Regalado. Mahirap daw kasing banggain ang mga barato! Wala raw kasing sagabal sa mga programang gusto nilang gawin. Ganun ba yon?

Samantala sa munisipyo ng San Andres kung saan ay magtatapos na ang termino ni Mayor Bos Te, ang papalit sa kanya ay walang iba kundi si Atty.  Nonong Mendoza. Sabi ko nga, tila walang kalaban. At talaga ngang wala. Kung meron man ay baka hindi siguro seryoso o mabigat na kalaban.

********

May mga graduating na sa Sangguniang Panlalawigan at tiyak iyan na babalik sila sa mababang grade. Kung sa SP maituturing na nasa college, sila sa mababang grade ay parang nasa high school na naman sila? Sa West district ang alam ko dalawa ang graduating at meron ding dalawang gustong bumalik. Sa East district, ganun din dalawa ang graduating at malamang babalik din sila sa high school o baka magma-masteral din sila?  Balita ko ang isa sa mga graduating ay tatakbo sa medyo mas mataas sa board member? Good luck!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: