Unahin natin ang pagbati sa mga fathers na mababait. Kasi habang ginagawa ko ang kolum, ko nataon namang Father’s day. Sa mababait na mga father, maganda yan at doon naman sa hindi mababait, panahon na kahit kunwari ay magbait-baitan kayo. At ang maganda ipagpatuloy na ninyo ang pagiging mabait ninyo. Iyon bang forever mababait na kayo! Happy Father’s Day sa lahat na mga father!
******
Sports ang hilig ko kaya pag-usapan natin ang mga kaganapan sa FIBA Asia basketball kung saan ay naging masyadong excited ang mga kababayan natin dahil sa paglaro ng isa sa pinakamatangkad na manlalarong Pinoy na si Kai Sotto. Sayang nga lang at hindi natin napanood kung papaanong nangalabaw si Kai Sotto laban sa mga Koreano. At sayang din at hindi natin napanood ng live ang laban ng mga manlalarong Pinoy tulad ni Dwight Ramos, Angelo Kouame, SM Bilangel at ang buong team ng Gilas Pinas na kahit isang player ng PBA ay hindi nakasama. Sa totoo lang ang Gilas Pinas team ay mga bubot pa kung ihahalintulad natin sa kahit anong uri ng prutas. Napakababata pa at katunayan mga players pa lang sa UAAP at NCAA ang karamihan sa kanila. Pero ito ang sinasabing may pinakamataas na average height na nabuo ng bansa natin na 6’7”.
Sa unang laro ng Pinas laban sa Korea panalo ang Pinas sa score 81-78 at sa pangalawang laro panalong muli ang Pinas sa score na 82-77. Iyong sinasabi ng mga Koreano na tsamba lang ang panalo ng mga batang-batang mga manlalaro ng Gilas, nilunok nila ang sarili nilang salita. Tinalo rin ng Gilas ang Indonesia at qualified na sa Third Window ng FIBA Asia ang Pinas. Congratulations, Gilas Pilipinas! Ang susunod na paghihirapan ng Gilas Pinas ay ang sa Olympic qualifier. Mabigat at talagang mabigat! Mga halimaw na makakatapat nila! Pero kailangang lumaban. Kaya laban Pinas! PUSO!!
******
Maniwala kayo sa hindi, pag nagkataon ngayon lang ito mangyayari sa ating bansa na ang isang kandidato sa pagka-pangulo ay magkakaroon ng apat na kandidato sa pagka-bise presidente. Para sa dating DND secretary Gibo Teodoro, ayon kay dating kongresman Andaya, ang Sarà Duterte-Gibo Teodoro tandem ay done deal na! Si PRRD ang kandidato niya naman ay si Cong. Martin Romualdez, Ayon naman sa ilang mga taga PDP-Laban, ang isinusulong nila ay si Sen. Bong Go at ang Nationalista Party ang manok nila ay si dating senador Bongbong Marcos. Pero lahat sila ang kandidato nila sa presidente ay si Mayor Sarà Duterte Carpio. Ibang klase pag nagkataon!
******
Totoo ba ang balita na sa probinsiya nating Happy Island ay may mga kakandidatong muli sa puwestong gobernador at kongresman? Ang tawag daw sa mga kakandidatong itong muli ay ang grupong daeng hidap! Ito marahil iyong sinasabi nilang hindi nauubusan ng tubig ang BURABOD ninda. Meron sila marahil balon ng salapi!! Ayos magandang laban ito! Kunsabagay dito sa atin hindi naman kailangan ang magpapa-cute o magpapapogi ka, basta may IMO kang marami gana ka! Hindi kailangang mangampanya ng todo-todo, ang kailangan lang ayos ang pamimili ng boto at siguradong makakarating sa mga mabubuting mga botante? Ano di ba?
******
Naniniwala ba kayo sa aswang? Isang lalaki ang galit na galit at talagang nagwawala! Nag-aamok talaga dahil sa kitang-kita niya raw ang buong pangyayari. Sa galit at pagwawala niya, natakot ang mga tao sa lugar nila lalo na mga kaptbahay nila. Dahil sa takot ng mga tao tumawag sila ng mga tanod para pakiusapan ang nagwawalang lalaki. Inimbestigahan ng mga tanod ang lalaki kung bakit siya nagwawala at sabi may aswang daw sa bahay nila at kitang-kita niya raw na lumundag ito sa bintana. Ang ipinagwawala niya raw ay dahil hindi inabot ng tagain niya ang aswang. At ang lalo raw masakit ay kitang-kita niya raw kung papaanong inaaswang iyong asawa niya! Totoo nga ang aswang samakatuwid, ano? Ingat kayo dapat maghanda kayo ng bawang!
******
Marami ang nalagas na mga heaith workers dahil sa pandemyang ito at umasa tayong maraming bansa ang mga mangangailangan ng mga katulad nila at iyon ay mangyayari lamang kung normal na ang takbo ng mundo. Isandaang porsiyento ang paniniwala ko na sa susunod na taon pagkatapos ng pandemyang ito, magkakaubusan na naman tayo ng mga health workers. Ang masama, ang virus daw na ito ay hindi na. mawawala sa atin tulad ng ibang klase ng mga sakit gaya ng malaria, dengue, polio, AlDs at iba pang uri ng mga sakit. Kaya dapat maging maingat ang gobyerno natin sa pagpapalabas ng mga OFW natin para magtrabaho sa ibang bansa. Baka ang mangyari ay tayo na rin ang mawalan pag tayo ay nangailangan ng mga katulad nila. Ang tanong: mapipigilan ba natin sila samantalang alam nila na iyon ang tanging paraan para makaahon sila sa kahirapan?