Ito po ang obserbasyon ng ilang nagmamasid sa mga repair na isinasagawa sa Catanduanes State University (CSU) administration building. Ayon sa kanila, hindi raw balanse ang pagtrato sa mga units ng kontraktor? May mga office daw na halos lahat ng improvements and possible amenities ginagawa o pinagbibigyan ang kontraktor base sa personalized request sa kanila pero may mga office naman daw na deprived sa basic requirements or purposes of the repair. Ang tanong ay di daw ba dapat ay uniform lang ang approach o dapat gagawin para sa lahat? Tila may pinapaboran, ano? Parehas lang, mga pare ko? Repair lang iyan o ang pinapaboran iyong mga taga-loob na mas malalapit sa diyos (juice)? Tingnan ninyo at merong pumipiyok? Patas lang para lahat masaya!
******
180,000 na mga taga-Navotas makatatanggap ng bakuna. Ayon ito sa pamunuan ng Navotas sa pangunguna ng kanilang mayor na si Toby Tianco. Sabi pa ni Mayor, lahat ng empleyado ng kahit anong kompanya na nasa sakop ng Navotas ay libre sa bakuna. Sabi pa kahit sa ibang lugar ito nakatira, basta magpi-fill up lang ito sa mga requirements, qualified itong magpa-bakuna. Pero siyempre priority ang taga-Navotas. Tayo, anong balita sa mga taga-Catanduanes? Anong malilibre sa atin? Ah ok nga pala iyong ipinamimigay na mga food pack ng ating probinsiya. Sana bakuna na ang susunod. Para sa akin, tiis-tiis muna sa mga pagkain, ang importante iyong bakuna. Pag may bakuna, madaling hanapin ang para sa bituka.
******
Anong ikinatatakot sa Anti-Terrorism Law? Dito ang mga takot dito ay ang mga totoong terorista at ang mga pumapabor sa mga terorista. Kinokontra ang batas na ito dahil marami raw masasagasaang mga Filipino na hindi naman mga terorista. Sa ating bansa, napakaraming matatalino na simpleng bagay lang binibigyan ng napakaraming iba’t ibang pakahulugan at tuloy nagiging komplikado ang lahat. Maliwanag ang isinasaad ng batas. Titulo pa lang hindi mo na kailangang magpaliwanag. Pero dahil sa sobrang talino ng ilang mga kababayan natin kaya nagiging magulo ang napaka-simpleng bagay. Ang iba naman sa mga ayaw na mga pulitiko, papansin lang at ang iba naman mayayabang at nagpapasikat lang. Ako 100% akong pabor sa nasabing batas!
******
Umiinit na ang mga pulitikong gustong mabalik sa puwestong hawak nila at ganoon din iyong mga pulitikong gustong makatikim ng kuwrtang galing sa gobyerno. Sa panguluhan, nagkukumahog na ang mga nasa oposisyon dahil sa ang totoo masyado silang dehado kahit saang anggulo natin titingnan. Sa mga probinsiya, ang dehadong masyado ay ang mga wala sa puwesto kahit na sabihin pa nating apektado ng pandemic ang mga nasa puwesto. Iba ang nasa puwesto ka, sabi nga nila. At siya namang totoo unless na kung wala ka nga sa puwesto pero ang handa mo para sa limang eleksyon, malaki ang tsansa mo sa laban. Pero kung pang hanggang isang ikot ka lang, tumigil ka na, magpahinga at magtanim ng Argentina at Hakata santol na namumunga ng dolyar o di kaya euro.
******
Sa mga presidentiable, ang matunog ang pangalan at pati ganda nito ay matunog ay Sara! Sa Region 1 may mga grupong ang isinisigaw ay salitang ISDA na ang ibig sabihin pala nito ay lnday
Sara Duterte Ako! Sana meron lumitaw na kandidatong ang pangalan ay BUWAYA. Iboboto ko sila para mamatay sa lalong madaling panahon. Masahol pa kasi sila sa Covid 19 at ang variant nito. Medyo krisis ang mga kakandidato ngayong 2022 dahil sa Covid19. Sa kaso ni Trump ng USA, isa sa itinuturing na dahilan ng pagkatalo nito ay ang pandemic. Kaya malamang na marami rin ang matatalong mga kandidatong sasabak sa 2022 eleksyon nang dahil sa Covid19. Walang duda iyan. Kulang ang delihensiya at kulang ang pambigay sa mga manghihingi.
******
Ang paniniwala ko, patuloy na maghiirap ang buong mundo hanggang hindi natutunaw ang virus na Covid 19. At tanging solusyon sa problemang ito ay ang bakuna. Kaya kung wala pa ring dumarating na bakuna sa atin paghihirap at paghihirap pa rin ng buong mundo ang mararanasan. Sa ngayon pagdarasal at taimtim na paniniwala sa Diyos ang kailangan ng bawat nilalang. Huwag tayong mga pilosopo.