Ayon kay Fernando Zobel de Ayala nang makapayam ito ni Sec. Harry Roque, magmula daw nang sumulpot sa mundo ang kampon ng demonyo na si Covid-19 at sa panawagan ng gobyerno ng pagtututulungan ay nakapag-ambag na raw ang kompanya nila ng abot sa 12.8 bilyong piso. At ngayon nga ay nagdonate na naman ito ng 120 milyon pesos para sa pambili ng bakuna para sa gobyerno at sa mga sarili nilang mga empleyado. Samantala hindi naman nagpahuli si Manny Pangilinan at nagdonate naman ito sa gobyerno ng helicopter at apat na mga rubberboat para gamit pang rescue lalo kung panahon ng kalamidad. Ito ang tunay na ispirito ng bayanihan hindi katulad sa ilang mga pulitiko puro kabig kaliwa at kanan minsan pa nga pati sa harapan at likuran.
*****
Ang atas daw ni Duterte kay SP Tito Sotto na kung magkakaroon daw ng mga pagbabago sa ating konstitusyon, dapat daw ay isama ang pag-aalis sa mga partylist representative kasama na ang iba pang probisyon tulad ng economic reforms at iba pang mga pagbabago. Pero sigurado akong hindi nila puwedeng kantiin ang tungkol sa political dynasty. Maging si Duterte, ayaw niyang mapag-usapan ang tungkol diyan dahil isa rin ang pamilya niya na tatamaan sa isyu ng dinastiya pulitikal. Kaya patay ang isyu sa mga pagbabago tungkol sa pulitika. Pero kung ako ang tatanungin parte sa partylist, sang-ayon akong alisin ang lahat. Tama na ang isa bawat distrito. Sa halip na isa lang ang magnanakaw sa bawat distrito, nadagdagan pa. Tulad ni Atienza ng Buhay partylist, ang kaya lang buhayin ay ang ABS-CBN. lyong dapat tungkulin niya bilang representante ng Buhay partylist hindi na niya magampanan. Puro pulitika ang alam! Pampagulo lang sa kongreso! Palayasin na silang lahat!
*****
Bakit daw binabaha ang ilan sa mga lugar natin madalas? Oo nga, bakit nga binabaha madalas ang ilan sa mga lugar natin? May nagsasabi na noon daw ay hindi nila nararanasan ang mga pagbabago sa mga lugar nila. Ngayon lang daw ito nagaganap sa lugar nila. Ang barangay namin, ang Mayngaway kahit kalian, sabi nila, ay hindi raw magkakaroon ng malaking pagbaha. Pero minsan daw ay tinamaan daw sila nang ni sa hinagap ay hindi nila akalain. Bakit daw tanong sa akin ng ilan at ang naging sagot ko lang sa kanila ay sapagkat kung minsan ay malakas kasi masyado ang ulan na siya namang totoong dahilan lalo kung napabayaan ang barangay nila ng kanilang mga barangay opisyal at lalo kung binalasubas ang pagkakagawa ng drainage system nila. At lalo kung walang drainage.
*****
May lumabas na survey ang Pulse Asia sa mga nag-aambisyong papalit kay Duterte. Ang lumabas sa mga ambisyoso at nangunguna sa listahan ay si Mayor Sarah Duterte Carpio. Pangalawa si Grace Poe at BBMarcos tabla sila, pangatlo si Kikoy Domagoso, sunod si Ate Leni Robredo at Manny Pacquiao. SDuterte 26%, BBM at Grace Poe 14%, Kikoy Domagoso, Manay Leni 10%. Muli nangulontoy ang manok ng oposisyon na hindi sila makaalpas sa numero uno nilang kalaban na si PRRD. Maging sa survey ng Publicus Asia, ang trust at approval rating ng pangulo ay hindi mapabagsak ng mga kritiko nito. Ang bumabagsak ay ang mga kritiko ng gobyerno. At talagang tunay na bagsak. Kahit ano na lang maisip nila na puwedeng isaboy sa administrasyong Duterte, ibabato nila mapabagsak man lang ito kahit bahagya ay lalo tuloy lumalakas. Iyan ang malaking pagkakamali ni Robredo. Naging sunod-sunuran siya sa mga kaalyado niya.
*****
Hula ko lang ito. Ang oposisyon hanggang ngayon ay wala pa silang napipisil na panlaban sa gagawing pansabong ni Duterte. Pero sa nakikita ko hindi pipiliin ng oposisyon si VP Robredo. Tingin ko ay baka magkawatak-watak pa ang mga iyan. At baka ang makuha pa nilang pang tapat sa bata ni Duterte ay galing pa sa isa sa mga kaalyado ni Duterte. Pero ang tsansa ni Grace Poe na maging pangsabak ng oposisyon ay lumiliwanag at mismong si VP Leni ay binabanatan na huwag daw ito maging epal. Ilang buwan pa magulo na iyang oposisyon dahil baka kapusin sila sa oras.