NANGANGAMOY MARTIAL LAW/ REV GOV?

ni: Jex F. Lucero Iba ang naaamoy ko sa mga pahayag ng ilang matataas na opisyal ng ating gobyerno tulad ni DILG Secretary Año at maging ni Presidential Legal Counsel…

LUGI MGA BUWAYA SA GOBYERNO

Noong 1918, ang tumama sa buong mundo ay ang sakit na Spanish Flu. Maliwanag na kaya tinawag itong Spanish flu dahil sa lugar ng mga espanyol ito nagmula. Itong COVID-19 ay sinasabing nagmula ito sa China. Ang Spanish flu ay kumitil ito ng mahigit 50 milyong tao at karamihan dito ay mga European. Ngayon ang maraming namamatay ay mga puti na naman tulad ng mga Italyano, Pranses, British, at ngayon namamayagpag ang mga mas magagaling pa sa katigasan ng ulo kaysa sa mga Pinoy na mga Amerikano.

MGA SENADOR DAPAT SABAY NA LALAYAS KAY DUQUE

Palpak ang liderato ni DOH secretary Duque. Iyon lang ang ibig sabihin ng 14 mga palpak din na mga senador. Sa pangunguna ito ni Sotto, Lacson, Gordon, et, al. Palpak ang pinalalayas ng kapuwa nilang mga palpak. Itong mga senador na ito dapat sinabi nila kay Duque na sabay-sabay tayong lalayas dahil pare-pareho naman tayong mga palpak.

COVID-19 TESTING ISAGAWA SA BAWAT PAMILYA

Miyembro ng Valenzuela City Epidemiology Unit gumawa ng bahay-bahay na covid-19 testing. Ito marahil ang pinakatamang dapat ginagawa ng mga taga-DOH para malaman kung sinu-sino at kung ilan sa bawat pamilya ang may tama.

PALALAWIGIN PA ANG LOCKDOWN

Malamang sa malamang ee-extend ang lockdown sa buong Luzon  o baka nga sa buong Pilipinas pa. Sa akin kung ito ay makakabuti sa bawat Pilipino. no problem. At iyon din ang obserbasyon ng nakararami sa mga Pinoy. Dahil iyon ang para sa ikabubuti ng bawat Pilipino, so be it.

MAYOR EMETERIO “BONG” TARIN

Hindi mo na mahagilap iyong mga matatapang at mayayabang na mga pulitiko ngayon. Nangngulontoy din pala sila pag ang kaharap nilang kalaban ay parang mga Ninja. Pero ito talagang si Manny Pacquiao, kakaiba ang tapang. Iyong ugali niya pag nasa parisukat (ring) ay ganoon din siya kahit ang kalaban ay hindi niya kita. Pero may katapat siya rito sa Catanduanes. Hindi pa bumababa ang direktiba ni Duterte, ginagawa na niya kung ano ang dapat gagawin. Sino ba sa buong Pilipinas ang nakapamigay ng isang sakong bigas sa kanyang mga nasasakupan. Sino????

PILIPINAS, LABAN NATIN ITO

ni Jex F. Lucero   Muli ay masusubok ang katatagan, husay, galing, tiyaga, tapang, hinahon at lahat-lahat bilang isang Pilipino. Marami nang naging malalaking laban tayong mga Pinoy at karamihan…

ANG MGA PASUGAL SA LAMAY

Pag sinabing lamay, simple lang ang ibig sabihin niyan at iyan ay tungkol sa isang yumao o may namatay. Ito ay karaniwang inaabot ng isang linggo o mahigit pa lalo kung may mga hinihintay pang mga kamag-anak na nanggaling sa malalayong lugar. Pero may mga kulturang o kaugalian ang mga kababayan natin sa panahon ng paglalamay sa ating mga yumao o mga patay.

WALANG COVID-19 SA MGA SABUNGAN?

Mabuti na lang dito sa atin at mahusay ang pamamalakad ng mga taga-DOH sa kabila ng pambabatikos ng mga nagpapapansin na mga pulitikong KSP. Paalaala pa rin ng mga taga-DOH na doble ingat pa rin tayo lalo ang sakit na ito ay nakakahawa. Tulad din daw ang sakit na ito ng mga pulitikong magnanakaw na nakakahawa kaya lalong dumadami ang magnanakaw sa ating gobyerno.

ANG TINGIN NG BALIKBAYAN SA CATANDUANES

All praises siya sa bayan ng San Andres sa sobrang linis daw nito at pagiging progresibo at pagiging maunlad. Ang Virac daw ngayon ay nakamamangha sa kaunlaran at kaayusan nito at sa paglilibot daw niya sa buong probinsiya sa kabuuan ay tila maunlad na raw ito at maayos.