Kanya-kanya nang turuan sina Boying Remulla at Junvic Remulla, Gen. Torre, Gen. Marbil, PSTC chief Alcantara at iba pa. Dito ay ipinipilit ni Boying Remulla na siya ay nagbigay ng clearance para ilipad si FPRRD sa the Hague pero binawi ito, ang sabi hindi siya ang nagbigay ng order. Ipinipilit ni Sen. Imee Marcos kung sino ang nagbigay ng order pero hindi nangyari at walang maituro kung sino ang nag-utos. Ang itinuturo sa kahulihan Chief PNP na ang itinuturo naman ay ang PSTC. Naglolokohan lang talaga sila kung sino talaga ang nag order para ilipad ito sa The Hague si Duterte dahil talagang namali sila dahil ang talagang dapat inimbistigahan ang dating pangulo dito sa sarili nating bansa at hindi sa ibang lupain. Ano kaya kung sa susunod na hearing magkanya-kanya na rin kayo ng kutsilyo at pagpuputulin ang mga daliri ng mga ito at nang matutong magturo.
*****
Nagtuturuan ang mga resource persons sa hearing ng Foreign Relations committee at pinipilit ng mga senador para palabasin kong sino talaga ang nag-utos para malaman kung papaanong hindi pinadaan sa tamang proceso ang pagdadala sa The Hague ng FPRRD.
Ang tama kasi dadaan muna sa Philippine court at dito lilitisin ang nasasakdal dahil gumagana naman ang judicial system natin at hindi ang korte ng ibang bansa. Ang ginawa ng mga kidnapper, minadali nila ang lahat at tuloy nagkalokoloko, naging instant hero tuloy yung taong gusto nilang mawala sa buhay nila. Biglang lumakas ang PDP at ang Alyansa ni Marcos ay nagkawatak-watak na at nagkanya-kanya na ng lakad. Bahala na si Tay boda si Nay. Matagal na palang plinano ang bagay na ito pero pumalpak pa rin. Ngayon nagtuturuan sila at sinasabi ng isang senador na puede raw makulong ang mga sangkot abot hanggang anim na taon. Balewala yan dahil pasok sa provision at walang kulong. Pero ang masakit convicted ka kung sakali man.
*****
Hindi nila maituro ang boss nila na ang tagal na nilang kaharap. Mga duwag naman pala ang kupal na ito. Ang gagaling nila, dalawang buwan lang na-promote sila. Mabuti pa nagpulis na lang ako, ang dali pala ng promotion. Sumama ka lang sa palpak na lakad kung saan gagawin mo lang na bayani ang isang kalaban, dalawa kaagad ang medalya mo. Di na baleng makulong, tumaas naman ang ranggo mo. Iyon nga lang masyadong unpopular ka at ang tingin sa iyo ng mga tao, apat ang sungay mo, dalawa sa harap at dalawa sa likuran. Sikat ka pa at marami ang buwsit na buwisit sa pagmumukha mo dahil kamukha mo raw si Satanas.
*****
Akalain mo pati ambassador hindi alam hung saan papunta ang eroplanong lumilipad kung saan nakasakay ang dating pangulo ng bansa. Bobong ambassador, dapat alam niya kung saan papunta ito. Ang totoo papunta itong Jolo, dadaan ng Pandan at baka mag-stop-over sa Tokio, Pandan at tutuloy ito patungong Bagamanoc, stop-over ng Calatagan Tibang at tutuloy sa mga kapalig niyang mga bobo. Akalain ba namang ambassador ka hindi moa lam kung saan papunta ang eroplanong aalis papuntang ibang bansa. Ang hearing ng Senate Foreign Relations Committee ay hearing ng hindi alam kung sino ang nag-utos sa kanila para ilipad o kidnapin ang dating pangulo ng bansa, si PRRD. Hindi nila kilala kung sino ang nag-utos pero kilala ng buong Pilipinas, sa katunayan kilala ko rin pero baka magkakaso rin ako. Pero kung tatlong ranggo sa loob na dalawang buwan, payag ako pero baka medalyang tansan, huwag na. Pero kung ang tingin sa akin ng mga tao kamukha ko si Piolo Pascual at hindi si Satanas, okay ako. At saka nagco-contempt na rin ngayon sa Senate hearing. Abogado pa at Amba pa. Lupet mo Manang!
*****
Ang dami pang argumento, puro naman kasinungalinan ang lahat. Alam na ng mga Pinoy kung sino ang mastermind at kung sino ang mga nagplano at ano pa ang pinag-uusapan? Tapusin na ang dramang ito, wala namang totoo sa mga sinasabi ng mga iyan. Sinasabi ni Medialdea na kinidnap si FPPRRD at hindi dumaan sa tamang processo kung saan hindi dito ginawa ang paglilitis sa sariling bansa muna at hindi sa ibang bansa. Kidnapping purely ang ginawa kay PRRD at tapos na ang lahat na drama.
*****
SPORTS: Tinalo ng CCS ang PGA at nagkaroon pa ng tsansa sa kampeonato ang CCS ngayong Sabado para isa pang laban na championship na. Kung sino ang manalo siya ng tatanghaling kampeon. Ang hindi maganda all-Filipino Conference may dalawang hindi purong Filipino ang PGA na sina Philips at Van Sickle samantalang ang CCS panay mga local players. Ito po ay sa larong volleyball women kung saan puwede na nating sabihin na ito na ang larong magpapataob sa larong basketball o sabihin nating sasabayan ang larong basketball. Mamaya lang championship na Creamline vs Petro Gazz Angel.
*****
DOJ Sec may sariling batas. Tila lahat ng sinasabi ng DOJ Sec tama sa kanya at ang sinasabi ng korte Suprema puro mali at siya ang tama. Tulad na lang ng dapat dito ang kaso ni FPPRRD, dapat sa sarili nating bansa litisin at wala nang dapat argumento pa pero nagpapalusot pa ang mga pinutukan ng lintik at ipiipilit ang kanilang kagaguhan. Pinalalabas sila ang tama maski talagang sila ang mali. Kasi nga ang panahon nila ngayon lalo na habagat sa Bacon, hindi mo malaman kung mainit tapos biglang malamig ang panahon. Weder-weder lang yan bukas makalawa, balimbingang tunay na iyan. Sigurado iyan, walang duda!!
*****
Delikado ang piloto ng pinagsakyang eroplano kay FPRRD. Ito pala ay ka-mistah ni Sen. Bato dela Rosa. Hindi pa lumalabas kung sino ang nag-utos sa kanila pero ngayon baka magsasabi na ito kung sino talaga ang nag-utos. Kanya-kanya pa sila ng turuan baka sakali kumanta na itong isang ito. Mabigat ang banta ni Trump at may malalaking taong puwedeng masangkot sa usaping ito tulad ng may-ari ng ginamit na eroplano at pati siguro negosyo nito damay na rin. Kasi ang totoo, hindi paliliparin ang eroplano kung walang order na puwede nang lumipad ito. Parang nase-sense ko na malaking kinalaman ng mga oligarko sa labanang ito. Parang labanan ito ng mga mahihirap at ng mga tao na sobra ang yaman. Matindi ang labanang ito pag nagkataon. Oligarko vs Mahihirap?
*****
KANDIDATO: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA, vice gov OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad virac FRED GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA, vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE
SENATORS: GO, MARCOLETA, QUIBOLOY, BONDOC, VIC RODRIGUEZ, LAMBINO, BATO DELA ROSA, MATA, SALVADOR, LINHO, VILLAR.
