TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

NASAAN ANG PERA NG PHILHEALTH? ILABAS N’YO NA

Hinuli ang dating Pangulo ng Pinas na si PRRD pero lumabas na ang ipinagbibintangan ng lahat ay ang pangulo ng kasalukuyang admin. Samantala sa ICC naman ay kanya-kanyang pagtuturuan kung sino ang nag-issue ng warrant of arrest. Parang iyong Bi-Cam issue kanya-kanyang palusot at pina-attend sa oral argument lalo na si Quimbo pero ang sabi hindi ito a-attend. Ang tapang ano, pero malalaman natin kung totoo ngang hindi siya a-attend sa patawag ng SC. Ang makakatapat niya rito ay sina senatorial candidate Vic Rodriguez. Diyan malalaman kung totoo iyong filling the blanks at kung sinong mga senador ang pumirma sa mga blangkong papel sa GAA at mga nagmanipula para sa pagpirma  na member ng GAA working committee? Maaalala n’yong pag malapit ng mabuko ang admin ni BBM, lumaLabas ang ICC tulad sa nangyari sa PhilHealth case na kung saan pinabalik iyong sixty billion pesos sa admin ni BBM at biglang tinabunan ng isyu sa 60 bilyong piso na pinasauli sa admin ni Marcos at biglang nawala? Nasaan na iyong pera ng PhilHealth? Bakit hindi na malaman kung nasaan? Tinangay siguro ng mga ninja. Mga punyeta kayo, ang dami kong contributions diyan, nanakawin lang pala ng mga buwaya? Kung alam kung mga buwaya ang makikinabang, hindi na ako nag-contribute noon. Mga hudas kayo, bukod pala sa buwaya kayo, mga hudas pa kayo.

*****

Nakialam na si Trump sa pagdakip kay FPPRRD at marami itong mga pagbabanta sa kay PBBM at pinababalikna ito sa lalong madaling panahon. Ngayon ay kanya-kanya naman itong pagtuturuan. Ang kawawa ang mga pulis na sumusunod sa nakakataas sa kanila. Tulad nong isang pulis na napilitang mag-resign alang-alang sa prinsipyong ipinaglalaban niya at ganoon din sa pulis SWAT nag-resign din out of delicadeza at maraming pulis ang nag-iiyakan sa dating commander-in chief nila na napilitan lang sumunod sa utos ng nakatataas sa kanila. Sa pagkakataong ito nasa ibang bansa pa rin ang pangulong PRRD. Sa tanong kung nakakabuti ba ito pangangampanya ng alyansa, sa palagay ko lalong nagpalubog sa alyansa at lalong nagpalakas sa PDP senatorial slate. At akalain nyo ang eroplano palang ginamit sa paglipad ni FPRRD eroplano pa ni BBM. Malaking problema yan at malaking pananagutan yan. Hala kayo!!!

*****

Grabeng turuan na naman ang mangyayari ngayon sa admin na ito. Sana huwag akong makasali sa ituturo nila. Ang gobyerno ng Japan ay nagalit sa ginawang pagsisinungaling ng admin na ito.  Samantala ang mga OFW sa Netherlands buong pusong sinalubong ang pagdating nila na akala dumating na ang dating pangulo at sabay-sabay sigawan ng Duterte. Kung ako si Torre at iba pang PNP official, magkukusa na akong magre-resign kaysa pilitin ka pang mga tao ang humiling na mag-resign ka. Nakakahiya ang ginawa ninyo!!

*****

Tila hindi nagustuhan ang ginawa ng kasalukuyang admin kay FPRRD. Ang karamihan ng junior officers ay masama ang loob. Parang Bi-Cam report na inserted kuno na ang halaga ay 141 billion pesos. Hanggang ngayon hindi pa nadedesisyonan ang Bi-Cam isyu dahil hindi raw a-attend ang bagong appropriations committee chairman na si Quimbo at ang sabi ang dapat daw ang a-attend dito si Zaldy Co. Akala ko isa lang ang Ponsyo Pilato, iyon pala ang dami nila, mayroong pulis, pangulo, at mga sinungaling pa.

*****

Nakakatawa pero ang nangyaru sa rally sa Iloilo ng alyansa. Doon ay isa-isang iniintrodyus mga kandidato ni PBBM. Siyempre sigawan ang mga tao pero ang isinisigaw ay kabaliktaran sa ipinakikilala. Ang sigaw nila ay mabuhay si Duterte, Duterte, Duterte, Mabuhay si Duterte. Matatandaang dalawang beses ng dinalaw ni BBM ang Iloilo pero hindi pa rin nagbabago ang sigaw ng mga tao, Duterte pa rin. Ganoong katanyag ang dating pangulo kahit hindi na siya kandidato sa mataas na puwesto.

*****

May mga nadamay na tao dahil sa war on drugs. Totoo yan pero paano naman iyong mga buktima ng mga kriminal, ginahasa, pinatay, pamilyang inabuso ng mga adik, pamilya ng mga pulis na pinagpapatay ng mga adik? Paano naman sila kung ang nililitis mga kriminal at hindi ang mga adik? Ibang klase naman, baliktad kumbaga ang nlilitis ang mga kriminal at hindi ang mga adik.Tricom pa more!!

*****

Sinasabi ng mga DDS na kinidnap daw si Pangulong Duterte at ang lahat ay sa kagagawan ni BBM. Bakit naman isang Pilipino pa ang ipinahuli ninyo ? Dapat kabayan natin, pinoprotektahan Ninyo. Madalas sinsabi ninyo na walang makapasok sa bansa natin. Bakit ang mga intsik hindi ninyo kaya? Galit kayo sa mga tsekwa pero mga kababayan ninyo nabubuhay sa mga tsekwa. Sige nga ipapatay ninyo mga tsekwa at ipapatay din ang mga Pinoy sa Hongkong. Mawawalan tayo ng mga kamag-anak, mga Intsik lalayas din sa atin. Matuto tayong mag-isip, hindi puro yabang, wala naman tayong kakayahan,

*****

Bakit ang nawawala ang First Lady ng bansa at bakit nasasangkot siya sa isang matalik na kaibigang si Paolo? Namatay ang businessman ayon sa ulat mga 7 oras na. Ano nga kayang kaso nito at sabi sa balita nakasayaw pa daw. Ang sabi nakikipag-party-party ang First Lady samantalang ito ay nasa working visit. Nagtatrabaho, nakikipag-party. Sarap ng buhay, pera ng bayan ginagastos, pa-party-party lang. Ayan tuloy sabit ang fl sa pagkamatay ng mayamang businessman. kunsabagay pareho naman silang sako sako ang kuwarta. Pero mahirap ang kaso sa USA.  Ang bilis talaga ng karma!

*****

Matatandaan nating ang Pilipinas ay matagal nang hindi na member ng ICC. Paanong nangyaring nakasuhan pa si FPRRD? Nang magbotohan daw ang mga judges ng ICC, 2 pabor kay Duterte at 3 ang pabor sa kalaban. Pero ang sabi lalo na si Trump, may kulang daw ang ICC sa ginawa nila sa dating pangulo kaya’t ang sabi ni Trump pauwiin ang dating pangulo ng Pilipinas. Kaya maaring mangyari na babalik ang pangulo sa lalong madaling panahon. Linsyak, malapit na pa naman ang eleksyon saka pa ninyo ginawa yan. Nagalit ng husto ang mga tao, ang hirap namang baguhin ang mga ulo ng mga iyan. Ilabas na ninyo ang pera, mga buwaya or else sa kangkungan kayo pupulutin?

*****

Paaalisin daw si VP Sarah at isasama sa FPRRD pero ang sabi naman ng mga DDS si BBM ang paalisin nila dahil mas malaki ang winawaldas nito sa confi fund na bilyon. Kay VP Sara milyon lang kaya ang dapat daw lumayas sa Pinas ay si Marcos, yan ang sabi ng mga DDS. Sige, rumble na kayo at manonood kaming mga miron. Ang totoo may kinakampihan akong pulitiko, ang kinakampihan ko iyong pulitikong hindi mga buwaya. Mahirap kong kakampi ka sa mga buwaya para ding kasing mga ahas iyan pag nagkamali ka, tuklaw ang aabutin mo.

*****

Mga kandidato: congressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad virac FRED GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA, vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE.

SENATORS: ATTY R. MARCOLETA, ATTY. JIMMY BONDOC, ATTY VIC RODRIGUEZ,ATTY JAYBEE HINLO, ATTY RAUL LAMBINO, Dr. MATA, Dr. WILLIE ONG, GO, BATO dela ROSA, PHILIP SALVADOR, APOLLO C. QUIBOLOY.

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading