Sabi ng dating Finance official, spending plans for 2025 the most corrupt in Philippine History. Halatang ang nagpapalakad ng gobyerno natin walang alam sa pagpapalakad ng gobyerno natin. Ang pamahalaan natin ay patungo sa pamahalaan ng mga aso at mga buwaya na pag nakakuha ng buto, kanya na at pag nakakuha ng kaning baboy, kanya lang at sa kanyang mga anak, bahala na iyong iba. Kadalasan binibigyan ang pinsan niya. Sumusumo si pinsan at mga alaga niyang buwaya na magpapahaba ng posisyon nila sa kuwadra.
*****
Bakit si VP Sara na lang ang nakikita ng gobyerno ni Marcos pero ang dami ng kabulastugan sa gobyernong ito, si VP Sara ang inuupakan? Ano ba nakukuha niyo kay VP Sara? Ang ganda nya o ang pagiging malapit niya sa mga tao? O ang magandang loob niya? Iyong Flood Control Projects, PhilHealth, AKAP, AICS at iba pa, mga komunista at mga kriminal sa kongreso at mga pulis na pinagpapatay ng mga criminal, iyon ang dapat pinag-uusapan. Dapat hindi iyong pagpatay sa mga kriminal. Quadcom pro-criminal yata kayo at hindi anti-criminal. Mga kriminal ipinagtatanggol Ninyo, hindi ang mga taong gobyerno. Lumalabas tuloy na ang linalabanan ninyo ang nakaraang admin at ang mabuting gawa nila. Halata namang masyado. Masyadong halata!
*****
Paduano ng Quadcom, isa palang NPA at tirador ng mga pulis, sabi ni Ka Eric Celis. At ang abogado at congressman na si Acop ay may kaso tungkol sa Kuratong Baleleng kung saan pinatay ang lahat ng miyembro ng gang para walang ingay daw. Tama nga naman ang kasabihang no talk no mistake and dead men tell no tales. Pero sa pagkakaalam ko hindi pa tapos ang kaso hanggang sa ngayon. Magaling na mga kongessman natin, mamamatay ng pulis at mamamatay ng nga kriminal na hanggang ngayon pinag-uusig pa ng batas. Mahusay ang mga member ng kangaroo court, sabi nga ni Ka Eric Celis.
*****
Bukod kina Paduano at Acop, isang NPA at scalawag na pulis, may pinangalan pa siya na member ng Kangaroo Court sina Raul Manuel, France Castro, Arlene Brosas, Satur Ocampo, member na Gabriela, at iba pang grupo. Walang alinlangang pagbubulgar ang ginawa ni Eric Celis at kayang pinaninindigan ang lahat ng kanyang sinabi. Ang lahat ng kanyang sinabi ay kanyang patotohanan saan man makarating ang usapang ito tungkol sa mga dating NPA, scalawag na mga pulis at killer ng mga pulis na si Paduano.
*****
Ayon sa senatorial candidate na si JIMMY BONDOC, payo niya sa member ng Quadcom magpasa na lang daw ng batas at huwag silang maglilitis ng kaso dahil wala silang kakayahan sa bagay na ito dahil hindi naman sila abogado at hindi nila gawain at lalo pa nga ang gumawa ng batas na napakakumplikado at delikadong bagay. Maganda siguro magtanim na lang kayo ng lemon grass at camoteng kahoy.
*****
Ang daming ginagawang magaganda ng mga pulitiko ngayon at ang gaganda ng mga panukalang bahtas nila. Mga lintik kayo, porke malapit na ang halalan, ang babait at ang sisipag ninyo. Sana mangatalo kayong mga ulikba kayo. Iyong mayayabang at nagpapaaral pa ng mga anak abroad, sana ang yabang ninyo mawala na iyan para mga anak ninyo matutong magaral sa Pilipinas at mawala na ang kayabangan ng mga magulang. Hindi naman kayo mayaman, sa abroad pa ang mga anak ninyo pinag-aaral. Sobrang yabang ninyo!
*****
Saan at ano ang iniyaman ninyo at bakit abroad pa ang anak ninyo nag-aaral? Mababang pulitiko lang kayo pero ang yaman ninyo. Saan nanggaling ang kayamanan Ninyo, mga buwaya kayo? Huwag ninyo sabihing yumaman kayo sa panloloko sa mga pareho ninyong manloko? Kung pareho ninyong manloko, kalokohan Ninyo, nangangahulugang mas mahusay kayong manloko at professional at that pero babalik din yan sa inyo dahil ang karma mabilis bumalik lalo na sa mga katulad ninyong nagpapairap sa bayan. Makikita ninyo ang bilis niyan, hintayin nyo lang. Remember hindi natutulog ang Diyos at ang inuuna yong grabeng magnanakaw pares mo na matagal nang nagnanakaw.
*****
Taiwan napapaligiran ng kalaban pero kampante lang sila dahil hawak sila ng USA at any time puwedeng rumesbak ito at ang kasunod digmaang umaatikabo China vs USA, Philippines vs China kasi nagpapagamit kay Kano. Ganyan naman tayo, mga sipsip, walang sariling prinsipyo. Pero kung hindi tayo nagpapagamit, sana tahimik tayo at hindi tayo uutus-utusan na para tayong mga aliping sagigilid. Hindi ba ninyo alam na ang tingin sa atin ng mga Kano 3rd class citizen pa rin tayo? Akala nila ang buntot natin sa likuran pa rin. Hindi nila alam nasa harapan na, saksakan pa ng titigas medyo maliliit nga lang pero palaban
*****
Mga kandidato kong hindi mga magnanakaw: ccngressman SAMMY LAYNES, governor PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, pbm FRED BENEDICT GIANAN, kagawad virac FRED GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA, vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE.
My candidtes for senator: CHAVIT SINGSON, VIC RODRIGUEZ, BONG GO, JIMMY BONDOC, RODANTE MARCOLETA, BATO DL ROSA, GLEN CHONG, HARRY ROQUE, PHILIP SALVADOR, WILLIE ONG, LOREN BADOY.
