Tuloy ang hearing ng nagsasabing kangaroo court dahil sa sabi nilang walang napapatunayan at ang nangyayari mga spekulasyon at mga haka-haka lang at hindi naman nakakatulong sa paggawa ng batas. Kundi ito ay nakakatulong lamang para sumikat ang pagkandidato ng isang tao, lalo na ang mga kandidato sa pagka-gobernador, senador, congressman, mayor, at iba pang posisyon. Sa ibang salita, politika ang hanap nila at ang pamilya Duterte. Ang nangyayari sa kadiin nila sa pamilya Duterte, ang komite ang nadidiin dahil mga wala namang alam sa batas ang mga naturingan. Wala silang alam, ika nga, kaya sa haba na ng hearing, wala silang nabubuo kundi puro imbestigasyon lang at walang napapatunayan. Puro payabangan at pang-aakit lamang ng botante. Sayang lang ang gastos sa bawat hearing, wala namang tunay at totoong nagaganap.
*****
Sabi nga ng ilan, SCRIPTED raw ang nagaganap at malaki ang gastos nito lalo na bayad sa mga aktor at aktres na gumaganap dito. Ang nakapagtaka ang lumalabas na best actor ay ang dating Pang. Duterte dahil lumalabas na kayang-kaya niyang paikutin ang mga kalaban. Kumbaga mga mahina ang mga aktor ng tuwadcom at paulit-ulit lang sa kanilang katanungan. Saan ka naman ba nakakuha ng mga huwes na convicted ng RTC, nagtatago ng asawang kriminal, may kasong child abuse, kabit ng ibang lalaki, nahulihan ng shabu, mga nakasuhan ng subornation of perjury, mga wala namang alam sa batas at tanging kumikita lamang sa bawat hearing kung totoo ang bintang sa kanila. Sa totoo lang, kung totoong scripted lahat ng ito, grabeng nakakahiya. Masyadong bulok ang direktor nito. Kunin ninyo si Gerry de Leon para naman kapani-paniwala ang istorya.
*****
Ang totoo, kahit sinabi mong pumatay ka pero wala namang nagrereklamo at magpapatunay na pumatay ka nga, walang mangyayari sa kaso mo. Tuwang-tuwa sila dahil umamin daw si dating Pangulong Duterte pero wala namang siyang inaamin na siya ay pumatay ng kung sino? Sino ang nagsabi na pumatay ka? Hanggang doon lang, wala naman magpapatunay na ikaw ang siyang pumatay, eh, wala, kaya walang kaso. Tunay na kangaroo court, walang mabuting dulot sa mga tao maliban sa kanila lang pumabor. Akala sumikat sila, iyon pala hindi pumabor sa kanila. Nagmukhang tanga sila.
*****
Ang pinagtatalunan ngayon ang sinabi ni Pang. Duterte na siya ay nag-take ng full responsibility as far as the drug war is concerned pero hindi nila alam na kung ano ang ibig sabihin ng full responsibility. Akala nila porke’t sinabi iyon ni Duterte, pumasok sa bitag si Duterte. Iyon pala sila ang pumasok sa bitag ni Duterte. Ang tao pag walang nagrereklamo sa iyo, wala kang kaso. Pag may nagreklamo sa iyo, may kaso ka at kailangan patunayan mo. Ang burden of proof ay nasa sa iyo, ikaw bilang nagrereklamo at gabuhok lang na pagkakamali mo, tapos ang reklamo mo.
*****
Pumiyok na si Enrile sa grabeng KORAPSYON na nagaganap sa buong bansa. An inaalaala ng matanda na baka maging mitsa ito ng kaguluhan sa buong bansa at dahil dito tayo tayong mga Pinoy ay hindi na magkaunawaan at magulo tayo ng husto at maging simula ng mas lalong malaking gulo ng lahat. Harinawang huwag mangyari ito dahil kawawang mga Pinoy tayo. Pag nagkataon, kawawa naman ang lahi natin. Sa totoo lang grabe ang korapsyon sa atin at konting pag-uudyok sa ilan, baka lalong malubha ang mangyayari dahil sa masawang gawi ng mga nasa gobyerno natin.
*****
Sa Metro Manila, alam na kung sino ang mananalo, sa totoo lang, base sa mga kalye survey lang. Sa Caloocan Malapitan, Along; Pasig, Vico Sotto; Manila, Yorme; Paranaque, Aguilar; Laguna, Aragones; Quezon City, Belmonte. Ang iba, hindi ko na alam. At ang mga matunog sa Catanduanes ay ang sumusunod ayon sa sabi ng nakararaming mga taga-Catanduanes: JOSEPH “BOBOY” CUA for mayor of Virac, ROSIE PANTI OLARTE ,vice mayor of Virac, PBM Fred Benedict GIANAN, FRED GIANAN, kagawad Virac, Governor PETER “BOSS TE” CUA, vice governor OBET FERNANDEZ, LONE DISTRICT CATANDUANES for congressman, SAMMY LAYNES.
*****
Sa mga senador, BONG GO, RODANTE MARCOLETA, BATO DELA ROSA, VIC RODRIGUEZ, SAL PANELO, HARRY ROQUE, TRIXIE CRUZ ANGELES, JIMMY BONDOC, GLEN CHONG, DOC WILLIE ONG, DOC LORRAINE BADOY. Sila po mga kandidato ko sa senador hindi katulad ng mga kandidato ng iba na wala naman alam gumawa ng batas dahil ang totoo hindi naman alam gumawa ng batas kundi ang maghintay lang ng kinsenas at magbasa ng script na mali mali pa.
*****
Tapos na iyan, tanging panakot lang iyan. Hindi na tayo member ng ICC at wala silang karapatang manghimasok dito sa ating bansa. Ang lahat ay moro-moro lamang. Ang lahat ay kagagawan lamang ni Tambalolos at isa pang gago na ang lahat pakulo lamang iyan kaya huwag kayong maniniwala diyan. Magsasampung taon na iyan, parating ganyan lang, palaging huhulihin kaya wala nang naniniwala diyan. Kalokohan lang ang lahat ng ito at hanggang diyan na lang. Puro pakulo, walang katotohanan.
*****
Ang ipinagtatangol ng tuwad committee iyong mga kriminal tulad ng mga adik, kidnaper, holdupper, mga rapist, riding in tandem, mga snatcher, mga komunista at iba pang masasamang loob. Pero mga pulis, sundalo na namatay sa pkikipaglaban sa masasamang element, wala. Ilang libong pulis at mga sundalo sa paglban sa masasamang loob? May nag-iimbistiga ba? Korte nga ng kangaroo!!!
