TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

DONALD TRUMP, PANALO SA ELEKSYON SA USA

Panalo si Trump sa eleksyon sa USA na ginanap ilang araw pa lamang ang nakakaraan. Para ding laban ni Trump vs. Clinton noon kung saan ang sabi ng media nang malapit na ang eleksyon, lumalamang ng 6 na electoral votes vs Trump pero nang maglaban na, ang lamang pala ay si Trump. Basta babae kalaban ni Trump siguradong titihaya yan? Pero kaagad agad nag concede si Kamala Harris. Sa kanila kung talo, talo.Sa atin talo na, pinapanalo pa….sa pandaraya ba? Galing talaga ng mga Pinoy, tsampyon sa pandaraya!!!

*****

Tingnan natin kung sino ang magaling manghimod si wetpu ni Trump. Alam niyo ba ang dahilan kung bakit nanalong muli si Trump? Ang isa sa mga dahilan ay tungkol sa mga immigrants kung saan ang isa daw na ipatutupad ni Trump ay higpitan ang pagpapasok sa mga taga-ibang bansa na kadalasan siyang nagiging sanhi ng kaguluhan, kawalang trabaho ng mga Amerikano, paglala ng bansang Amerika sa housing problem at iba pa. At lalo nga ang terorismo na gawa ng mga taga-ibang bansa na akala mo kanila ang Amerika. At isa pa, may mga taong sobrang sipsip sa mga Kano tulad noon na halos maglumuhod sa mga Kano at magmayabang na akala mo taga-USA na rin sila at ipinagmamayabang ang USA? Ngayon ano na kayo? Hamunin pa ninyo ang China ng away, himod pa kayo sa wetpu, tutal sanay naman kayo?

*****

Finance Secretary na si Ralph Recto sinabi na ang pagkahalal ni Trump bilang Pangulo ng USA ay maaaring magpabagal ng global inflation pero hindi magpapahinto sa kahirapan ng mga Pinoy dahil buong mag-anak ni Recto ay kandidato mula sa asawa niya, mga anak, mga kamaganak at pati mga alagang hayop yata, kandidato pa. Magkakaroon ng shortage ng baboy, aso, kambing kasi kakandidato rin sila.

*****

Ito na mga kandidato ko: SAMMY LAYNES for congressman, PETER “BOSS TE” CUA for governor, OBET FERNANDEZ for vice governor, FRED BENEDICT GIANAN SP member, FRED GIANAN SB member Virac, ROSIE P. OLARTE vice mayor Virac, JOSEPH “BOBOY” CUA mayor Virac. Mga senador na iboboto ko: Atty RODANTE MARCOLETA, ATTY HARRY ROQUE, ATTY SAL PANELO, ATTY TRIXIE CRUZ ANGELES, ATTY JIMMY BONDOC, ATTY VIC RODRIGUEZ, Dr. WILLIE ONG, Dr. LORRAINE BADOY, BONG GO, BATO DELA ROSA. Ang mga hindi ko ibobotong mga senador ay iyong mayayabang magpapatawag ng mga resource persons tapos lalait-laitin at hindi na pagsasalitain, siya lang ang bida bida. Mga mayayabang, mga arogante at mga grandstander pa. Mga buwisit kayo!!!

*****

Grabe ang hearing sa Kamara (Lower House), bastusan talaga. Iimbitahan ka tapos sisisigaw-sigawan ka na para bang ang sumisigaw sa iyo hindi buwaya. Mga buwaya naman ang mga hinayupak na ito at ipapahiya ka pa. Tatawagin ka pa ng kung ano anong katawagan na halos hindi kayang makain ng aso. Ngayon lang ito nangyari na kung saan ang mga taga-Lower House ay lower din ang mga pag-uugali. Ibang iba kung ikukumpara sa Upper House pero mayroon ding ilang grandsatander na akala mo marunong gumawa ng batas pero ang totoo ginagamit lang sila para kumita. Pakapalan talaga ng mukha ang mga e-pal.

*****

Kaya ngayon ang iboboto ko mga abogado, mga nakakaalam kung ano sila at kung sino kausap nila at paanong kakausapin ang isang tao sa ganoong lugar. Hindi iyong iimbitahan mo tapos sisigaw sigawan mo na akala mo alipin mo ang isang tao. Bakit ikaw ba, buwaya ka, ang nagpapalamon sa mga taong inimbitahan ninyo? Simula kasi ng maging i-on the air ang mga mayayabang na ito lalong yumabang ang mga buwaya. Sana huwag na i-on the air para mawala ang kayabangan ng mga buwayang ito

*****

Trump, pinuri si Putin ng Russia at sinabi ni Trump na tatapusin na ang digmaan ng Ukraine vs Russia. Iyan ang sabi ng bagong halal na pangulo ng USA. Pero ang pagpahinto sa dalawang bansa ay isang komplikadong bagay at basta lang magsasabing itigil ang digmaan. Maraming bagay ang dapat isaalang-alang. Puwera lang kung diktador ang pamamalakad ni Trump at aabandonahin at ilalaglag niya ang demokrasya. Ang sinabi ni Trump, sabi lang, hindi niya puwedeng abandonahin ang dating matagal nang kaalyado. Ang gagawin siguro ni Trump ay parte ng kanyang diplomatic policy ng admin niya.

*****

Natatakot daw si Duterte sa mga congressman lalo na kay Cong. Paduano. Nagpapatawa ang kongressmang ito, Hindi niya alam na si Obama nga pinabaunan nito ng lumalagapak na pagmumura samantalang isa ka lang Lacoste, saksakan ka rin ng yabang, ano? Baging nakadakul ining tandayag na ini sa hubas? Manalo pa kaya itong mga Lacoste na ito? Sa Caloocan parang tapos na ang election kasi sa 100 tao na tinatanong sino iboboto nilang mayor, 100 din ang sasagot na si Along lang ang iboboto nila. Parehas ng sa Maynila ang kilalang kandidato sa ayor ay si Isko Moreno lang. Ganoon din sa maski anong parte ng Mindanao ang kilala lang ay si Duterte.

*****

Uulitin ko, mga hindi buwaya lang ang iboboto ko: SAMMY LAYNES for Congressman, Governor PETER “BOSS TE” CUA, VG OBET FERNANDEZ, FRED BENEDICT GIANAN Sangguniang Panlalawigan, FRED GIANAN SB Virac, ROSIE PANTI OLARTE vice mayor Virac, at JOSEPH “BOBOY” CUA, mayor Virac……Kandidato rin ako sa matanda. Ang hindi boboto sa akin, hindi ko rin iboboto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading