TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

RECESSION MAAARING MANGYARI SA BANSA NATIN

Maganda ang laban sa quarterfinals ng CCS vs CIGNAL HD Spikers ni Wilma Salas & Company. Masyadong nag-angas si Salas pero in the end, ang kaya lang pala nito hanggang 3 sets lang, ni hindi umabot ng 4 sets. Dahil dito hindi sila nakapasok sa championship round. Kaya ang naging labanan ay nauwi sa PLDT vs AKARI, at naging masalimuot ito sapagkat napuno ito ng kontrobersiya kung saan ayon sa source dapat daw manalo ang PLDT dahil net touch daw ang isa sa player ng Akari. Pero walang nangyari sa protesta at nagsige ang laban ng Akari sa finals laban sa CCS. Ang nangyari, inabot lang ng 3 sets ang laban ng CCS vs Akari sa kabila ng paga-angas nang grabe ni Soltones. Tatlong sets lang ang inabot ng Akari sa kabila ng mga pasaring ni Soltones kay Alyssa at MG ng CCS. Dahil natalo nga ang Akari, ang champion ay ang CCS at natameme ang Akari sa kabila ng may itim silang import at may maangas na mga player kaya ang inabot nila sa awarding, panay boo ng mga fans. Ang galing ni Bernadette Pons nakakuha ng dalawang MVP Awards at ang import nilA na si Staunton bilang best import award na dapat naman dahil napakagaling ang kanyang ginawa na aside sa mga ginawa ni BP at MG ay naroron sina Pangs, KN, KA, BDL. Lahat sila nagtulong-tulong sa pagtsampyon sa kauna-unahang pagkakataon ng CCS sa Reinforced Conference. Congratulations CCS at sa walang talong CCS kailanman.

*****

Si VP Sara naman pinagtulungtulungan ng mga makakaliwang grupo sa Kongreso at halatang scripted ang lahat para lang ma-pin down si VP Sara pero nahalata ni VP Sara kaya walang nangyari sa deliberation at kwinestyon ni VP bakit daw ang isang convicted na si France Castro ay nasa Kongreso pa at isa sa mga nagi-interrogate sa kanya. Ibang klase talaga sa Pinas, convicted na nasa Kongres pa at ang ini-interrogate pa bilang rerource person ay ang VP pa. Anong klaseng Kongreso kaya yan? Masyado namang halata at mga kaliwang grupo pa.

*****

Iyong DepED secretary naman na bagong upo, walang ginawa kundi sisihin ang dating DepED secretary. Hindi gumawa ng sarili niyang diskarte at walang ginawa kundi mangsisi ng mangsisi. Kung hindi[ niya kaya ang trabaho, mag-resign siya pareho ng kanyang Boss na magaling lang mangako at mambudol. Isa ako sa mga nabudol kaya masama ang loob ko pero tumatalab na ang karma at nagkukulay blue na ang kulay ng mata at susunod na diyan kulay red, na meaning dumudugo na ang ilong pati mata ni Lisatanas at ni Kuting.

*****

Titiyakin raw ng kakandidatong Kongresman na  si Sammy Laynes na kung siya ang susunod na uupong kongresman, hindi siya matutulad sa nakaupong parang bebe lang, basta lang nakaupo sa isang tabi na parang isang basang sisiw na walang ginagawa kundi manood ng mga nagaganap sa kongreso. Sisikapin niya raw na talagang ang boses ng mga Catandunganon maririnig ng bawat taga-Catanduanes sa bawat sulok ng Pilipinas dahil ang totoo raw parang pipi at bingi ang lagay ng probinsiya natin, na halos walang boses na tayo.

*****

Ayon kay Atty Sal Panelo, ang pinakainutil na naging VP ng Pinas ay si Noli de Castro at walang nagawa sa kanyang panunungkulan. Sabi nga ni Jay Sonza, ang bobo daw nito at hindi makapagsalita ng wikang English. Bakit nga kaya iniwan to ni Ted Failon gayong napakatagal nilang magkasama noon? Siguro tama nga mga paratang sa kanya hanggang pagbabalita lang talaga ito at wala ng iba. Totoo bang bobo ito mag English at bukod doon hanggang doon na lang? Akalain mo pinakainutil na naging VP, sabi ni Atty Sal Panelo? Grabe!!

*****

Ang hirap daw ipagtanggol ni BBM sabi ng kanyang kamag-anak na si FL Marcos? Wala na raw siyang magagawa rito kundi manahimik na lang at huwag nang isipin ang ginawa nilang mga pagtulong noon sa mga Marcos. Bahala na raw sila sa buhay nila ngayong nagawa na raw nila ang kanilang parte sa mga pagtulong nila sa mga Marcos. Ang malaking problema ay ang mga taong nasa sa loob nila at ito raw ang nagbibigay problema sa buhay nila. Ito raw ang dapat binibigyan nila ng pagpapahalaga at pansin. Malaking problema raw talaga ito.

*****

Kaibigan ng mga Marcos ikinanta ang mga pagdo-droga nila. Nakakatakot ito, imagine pangulo ng bansa natin nagdo-droga? Ano ba yan? Hindi naman yan kapanipaniwala pero pinatutunayan ito ng kaibigan ng mga Marcos. May nagsasabi pa ngang mamatay na ang buong pamilya nila at patutunayan nila ang kanilang sinabi. Grabe talaga, akalain ba ninyong bangag ang pangulo natin? Nakadismaya naman yata ang pangyayaring ito? Kung sa mga tambay puwede pa pero pangulo ng ating bansa tila sobra na yan at hindi kapanipaniwala.

*****

Mass deportation sa Canada. Bakit nga naglalayasan ang mga OFW sa Canada? Ang isa sa mga dahilan ay ang sobrang taas ng lahat ng mga bilihin sa Canada at hindi na raw kaya ng mga Pinoy na OFW. Labis daw ang taas ng mga bilihin at maging ng mga tirahan at halos wala nang natitira sa mga suweldo nila. Hindi raw ba kaya nag-a-abroad ang tao ang nangyayari daw wala nang kinikita ang isang nag-a-abroad. Paano na ang bansa at maari daw mauwi sa recession ang lahat kung saan bagsak ang ekonomiya ng isang bansa? Ang nangyayari sa Canada ay maaring mangyari sa atin lalo’t hindi marunong ang nagdadala ng ating bansa at walang alam sa maayos na pagpapatakbo ng ating ekonomiya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading