TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

DI NEGOSYANTE PERO MAYAMAN, MGA ANAK SA ABROAD PA NAG-AARAL

Sinisingil na iyong panagako ni Sen. Cayetano na 10k na hanggang ngayon ay wala pa at hanggang ngayon laway lang. Puro kayabangan lang pala ang 10k bawat Pilipino? Paniniwalaan nyo pa ba ang kandidatong ito na puro kayabangan lang pala? Siyanga pala, buong pamilya nito mga kandidato mula mayor hanggang senador, kandidato. Tunay na political dynasty. Mayroon kaming pusa ayaw ng umuwi sa amin at may plano ring mag-file ng CoC sa Oktubre. Pero hindi ito tatanggapin dahil “no read no write” at bawal ang hayop. Yong isa pang baboy namin magpa-file ng CoC sa Oktubre, hindi rin puwede dahil “no read no write” din ito at isa pa isang hayop din. Pero sabi ng kaibigan ko, mas mabuti raw ang mga hayop kaysa tao na ang ugali sa hayop at hindi nakakaintindi ng political dynasty. Tanga ang tawag dun!!!!

*****

Ang controversial na mayor ng Bamban, Tarlac ay nakalabas na raw ng bansa, ayon sa mga bali-balita. Mayroon namang nagsasabi na andito lang sa loob ng bansa at nagtatago. Kung alin ang tamang balita, wala akong alam. Bahala na kayo pero ang alam ko isang mayaman ang mayor at kung isa kang pulitiko, kakailanganin mo ang serbisyo ng alkalde. Kahit na isang ordinaryong tao ka at naghihirap, kailangan mo siya. Ang nakapagtataka, nakatakas ito nang hindi namamalayan ng autoridad pero ang VP Sara isang oras lang ng bansa sa “for personal” na lakad, minomonitor ng mga pulis at kinukunan pa ng mga litrato pati bumbunan ng bise presidente, na hindi naman dapat. Grabe ang pulitika sa atin!!

*****

Isang controversial na tao hindi magawang magawang subaybayan ng mga tao ng gobyerno pero ang VP Sara pati bumbunan ng tao kinukunan ng ganung ang lakad ay personal lang naman. Pero yong mayor na maaring makawala anumang oras, pinababayaan lang. Atang sabi ng pangulo, mayroon daw iikot ang mga ulo. Maniwala kayo at may mahuhuli ba kayong tao na siyang responsable sa pagkawala ni Guo? Sigurado yan, wala kayong mahuhuli at baka totoo iyong balita na nandito lang sa loob ng bansa at nagtatago lang si Guo. Ang gawin ninyo pati laway, ngala-ngala, suwelas, at sapatos ni VP Sara kukunan pa ninyo ng litrato, pati ngipin at dila litratuhin niyo rin para malaman ninyo kung saan siya pupunta. Grabeng gobyerno ito!

*****

Walang pag-asang makuha pa si Mayor Alice Guo kung nakalabas na ito ng bansang Pinas. Hindi nga madali si Quiboloy, Bantag, Lacson noon, mga rebelde noon, mga magnanakaw, mga kriminal, mga kawatan sa airport ng NAIA, durogista, mga harap-harapang magnanakaw sa gobyerno, at iba pa, si mayor Guo pa kaya na hindi naman nagtatago? Kung totoong tumakas o sadyang pinatakas, ang tsansang mahuli ito ay hanggang sa diyaryo na lamang at wala nang iba. Mga NPA nga inabot ng 50 years, ito pa kayang ga-balon ang kuwarta at handang gumasta makalayo lang siya sa Pinas na malupit sa kanya?

*****

Paalala muli sa gustong kumandidato na ang laman ng bulsa niyo ay 14 pesos lamang at paalala din sa mga gustong subukan muli ang ipinagmamalaki nilang proyekto noong sila ay nanungkulan pa sa gobyerno. Alalahanin ninyong noon pa iyon. Kung ipagmamalaki ninyo ang proyekto noon, noon pa iyon at hindi na iyon kinikilala ngayon ng mga botante. Ang kinikilala ng mga botante ay yong ibibigay mo ngayong eleksyon. Ang proyekto mo noon na pagkaganda-ganda at pagkatitibay, tae na yan ngayong eleksyon. Ang mabango ngayon ang galing sa bulsa mo at mapapakanibangan nila kaagad. Ngayon hindi ka na kilala kung wala kang pera at hindi mo kayang gumastos ng sagad ang bulsa mo sa labanang ito. Kung akala mo sikat ka at gusto mong lumaban, sige, walang pipigil sa iyo. Basta pinaalahan lang kita at nakapanghihinayang ang pagod at hirap. Isa pa, kung wala kang tao na mapapaniwalaan ng pera mo para ipamigay, tumigil ka na. Huwag mong paniniwalaan na sikat ka at kilala ka ng tao pero wala ka namang pera tumigil ka na. Mangalakal ka na lang, kikita ka pa.

*****

Ipinagmamayabang sa SONA noon ni Marcos ang tungkol sa ilang bilyong piso drainage system niya pero nang umulan, walang nakita ang mamamayan kundi bahang katakot-takot sa Metro Manila. Palpak na proyekto at ipinagmamalaki pa sa SONA, wala namang napala ang mga tao kundi puro baha. Kapag ang tao ay mambubudol, ano bang dapat gawin? Di ba kinakasuhan o di kaya hindi na pinagkakatiwalaan kahit kailan pa? Maraming beses na tayong nabubudol kaya nasa sa atin na kung ang isang tao ay paniniwalaan pa natin o hindi na.

*****

Muli, naririto ang mga kakandidatong congressman sa nag-iisa nating distrito. Ang una ay si Sammy Laynes. Mayor siya ngayon ng Virac at balak niyang tumaas. Sa oras ng filing ng CoC, makikita niyo ang kanyang pangalan. Ang pangalawa si Dr. Patrick Azanza ang presidente ng CATSU at dating Congressman Cesar V. Sarmiento. Lahat sila ay qualified sa nasabing position. Ang tanong ko lang, kaya ba ninyong gumastos ng salapi galing sa sarli ninyong pawis, Mr. Laynes, Mr.Azanza at Mr. Sarmiento? Kasi balita ko ang makakalaban ninyo, ang sampung anak nito nasa abroad pa raw nag-aaral. Paano kaya yumaman ito wala namang negosyo?

*****

Nagkakagulo ngayon sa Kongreso dahil may pumunta ngayong mga magulang at mga anak at ang kanila raw mga anak ni-recruit ni Congressman Raoul Manuel. Inilaglag si Kabataan partylist ng mga na-recruit nilang mga estudyante at mga magulang nito at sinabing ang recruiter nila ay walang iba kundi si Manuel Nangyari ito sa pag-iimbistiga ng Kongreso at walang iba silang itinuturo bilang recruiter kundi ang kongresistang si Manuel. Maraming mga magulang ang naghahanap sa mga anak nila pero wala na ang iba dahil namatay na sa laban. At ang lahat ng ito dahil sa kagagawan ng congresistang ito na si Manuel.

*****

Mayaman si Laynes at successful na negosyante pero hindi siya mayabang. Kaya niyang magpa-aral ng mga anak sa ibang bansa pero hindi siya nagpapa-aral ng mga anak sa abroad. Hindi siya mayabang hindi siya katulad ng ibang ang lakas mang epal, imagine mayroon diyang hindi naman negosyante pero ang mga anak sa abroad nagsisipag-aral. Hindi naman mga negosyante pero mayayaman. Saan kaya kumuha ng yaman ang mga magulang niya? Ako nga ang yaman ko rin at siyam ang anak ko, ang isa kumukuha ng vulcanizing, may kumukuha ng manicuring, hair culture pero hindi naman totoo yon, sa panaginip ko lang.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading