Congratulations nga pala sa naging resulta ng WURD World University Ranking and Innovations kung saan nakuha nito ang number 26. Kalaban ang libo libong unibersidad sa buong mundo at nakakuha pa ng tatlong awardsm Leadership awards, Support for Global Management Services, at Crisis Management. Grabe, imagine ang daming unibersidad sa buong mundo, nakuha halos lahat magagandang bagay ng unibersidad ninyo? Ipagpatuloy nyo yan at nakakataba ng puso. Lalo sigurong maganda kung iyong mga nakatenggang proyekto diyan ng DPWH-congressman ay nayari na. Iyong proyekto sa CATSU ng DPWH_ congressman na itinuturing ng marami na isang eye sore o sakit at pangit sa mata tingnan. Oo nga naman, bakit inumpisahan pero hindi matapos tapos. Ang pangit tingnan, nakabuwisit! Pero siguro dahil nalalapit na ang eleksiyon kaya mayayari na rin ang mga proyektong iyan.
*****
Ang Kingdom of Jesus Christ ay nilusob ng SAF para mag-serve ng wararant of arrest sa isang pastor nito na si PACQ pero hindi nila na i-serve dahil walang PACQ, ang nandoon lang ay mga supporters ng Kingdom. Ayon sa isang experto sa ngalang batas, ang ang nasabing warrant of arrest ay depektibo raw sa simula pa lang. Ang ibig sabihin, void ab initio, mali na ito simula pa lang. At saka bakit ang daming SAF, dalawang batalyon, isang tao lang ang huhulihin? Grabe naman, kayabangan na yan ng may kapangyarihan. Isa o dalawang tao puwede na, bakit dalawang batalyon pa? Ovekill, ang masaklap hindi pa nahanap ang sadya nila. Kaya siguro hindi Makaya-kaya ang insurhensiya sa atin at nangangamatay ang kasapi ng SAF natin sa sobrang dami. Pag tinitira ng kalaban, ubos lahat. Ano bang nais palabasin ng goyernong ito ipakita sa tao ang kahinaan nila o ang lakas ng kahinaan nila? Mali daw iyong warrant of arrest. Kung mali, ang daming paglabag sa batas ang ginawa ng mga SAF raiders. Akalain n’yo tatlong gate daw ng kingdom ang sinira ng mga raiders, isang malaking paglabag sa batas daw iyon dahil ang alam ko dapat specified ang mga lugar na lulusubin niyo at wala kayong mga sinirang mga bagay kaya ang ginawa ay void ab initio. Well, ang mga abogado ang nakakaalam niyan kaya itanong natin sa kanila pero huwag yong abogadong walang alam kung hindi ang saltang bobo dahi lalo tayong magiging bobo.
*****
May balita daw na sususpendihin si Mayor Baste Duterte pero bali-balita lang at natural walang katotohanan pa. Balita pa lang ni Marites at sigurado ako fake news, kasi nga ang nagbalita si Marites. Kung suspendihin, wala tayong magagawa dahil iyon ang kagustuhan ng hari at wala tayong magagawa kung hindi ang sumunod na lang. Siya ang makapangyarihan ngayon, huwag lang tayong aabusuhin ng sobra dahil anumang sobra ay nakakasama. Hinay-hinay lang, baka wrong move na yan at maaring humantong yan sa malaking pagkakamali at maaring mitsa ng malaking kaguluhan. Kailangan ang preno parating hawak, baka magkamali ka at maging sanhi ng malaking pagkaira ng lahat ng magandang plano.
*****
Grabe raw ang korapsyon ng gobyerno natin ngayon. Harap-harapan daw ang tirahan ngayon bahala na raw kung anong sasabihin ng tao. Ang importante raw ang kumita at walang pakialam kung anuman ang sinasabi nila. Oo nga naman ang importante ang kumite, hindi iyong sasabihin ng tao. Ganyan tayong mga Pinoy ang importante ang kumite, hindi ang sasabihin ng tao. Sa ibang salita, pakapalan ng mukha!!
*****
Ayon kay DILG Secretary, tama lang daw ang ginawa ng mga pulis laban kay PAQC dahil marami siyang kaso. Pero hindi niya sinabi bakit dalawang batalyong pulis ang magse-serve ng warrant of arrest sa isang tao na hindi pa naman kriminal. Bakit kailangang sirain pa ang mga gate ng KOJC samantalang isang tao lang ang hinahanap nila? Terrorista ba si PACQ para tratuhin isyang ganoon na lamang? Ang totoo, marami nang natulungan ang taong ito kumpara sa mga pulpolitiko na katulad ng ibang mga pulitiko natin. Nakakahiya sa buong mundo, taong nanampalataya sa Diyos, garapal ang pagtrato niniyo?
*****
Sa ginagawang kalye survey ng mga vlogger, lumalabas na nagbalikan ang masasamang gawain ng masasamang tao. Tulad halimbawa ang mga Zombies at maraming masasamang elemento tulad ng mga snatcher, pickpockets, mga holduppers, carnappers, lahat ng gawaing masama lumabas na at hinahanaphanap nila ang pamamalakad dati ni Duterte kung saan may takot ang mga masamang elemento.At lalo lahat hinahanap nila ang mga pangako ng bagong adminstrasyon na mga mababang presyo ng mga bilihin. Nasaan na raw ba iyong mababng presyo ng mga bilihin?
*****
Kakasuhan daw ang SAF o mga pulis na sumugod sa KOJC. May pananagutan daw ayon sa mga abogado nito. Marming ginawang paglabag sa batas. Kung anuman iyon, hindi natin alam. Abogado lang ang nakaalam kung anuman iyon. Pero ang sabi ng mga abogado, handa na ang lahat at ang sabi kakasuhan lahat mula sa sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang na sumugod sa KOJC. Sabi nga ng mga nakasaksi, grabe raw ang mga ginawa sa kanila.
*****
Ang gusto ng Israel ubusin muna ang Hamas bgo daw ang tigil-putukan. Ano nga naman ang saysay kung naririyan pa ang Hamas na wala namang ibang ginagawa kundi ang manggulo sa katahimikan ng mga tao? Tama ang pangulo ng Israel, bale wala ang ceasefire dahil naririyan pa rin ang magugulo. Alam ba ninyo na sinimulan nang mga English na palayasin ang mga pasaway na immigrants lalo na iyong maliwanag na mga sumali sa mga protesta. Ang laking tanga naman kasi ng mga protesters, hindi naman mga Israelites ang mga taga UK, nagpo-protesta sila at ang sinisigaw “free the Palestinians.” Akala nila ang England ay Palestine. Kaya sa ayaw njla o sa gusto, alis sila sa UK. Ganoon din ang ginagawa sa ibang states sa America. Finland, pinalalayas din ang mga magugulo sa mga estado at pinagsasabihan pa ng “go home to your own country” o “go back to where you belong.” Ang sakit, ano? Kung ilang taon kang kahihintay para ma-approve ang visa mo tapos sisipain ka dahil sa kagaguhan mo.
*****
Ito ang tatakbong congressmen sa ating nag-iisang distrito; una at siguradong lalaban hanggang matapos ang laban, ang kaibigan ng nakararami, Sammy V. Laynes, Patrick T. Azanza at dating Cong. Cesar V. Sarmiento. Sa governor walang kalaban. Ang vice governor na si Bos Te. Mayroon pa akong naririnig na kandidatong congressman pero walang kasigurohan kong tatakbo nga siya o hindi kaya medyo itsa-pwera na natin iyon. Basta ang sigurado si Samuel Laynes, mangyari na raw ang mangyari.
