TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

PATUNGO NA NAMAN SA IBANG BANSA SI PBBM KASAMA SI LIZA

Pumanaw na ang sikat na artista sa pinilakang tabing na si Jaclyn Jose kamakailan lamang sa sakit na myocardial infarction o sakit sa puso. Kamakailan lamang nawala rin si Ronaldo Valdez pero medyo hindi natin masyadong nalaman ang kanyang kamatayan, basta ang alam lang natin nag-suicide siya at hanggang doon na lamang. Kung bakit ginawa niya yon, hindi na natin alam, ang lahat trabaho na iyon ng mga otoridad o ng iba pang tao na may mga interes sa kaso. Tila sunod-sunod simula kay Manoy o kay Eddie Garcia, nagkasunod sunod na sila. Well, talagang ganyan ang buhay, kausap mo pa lang ang tao, mababalitaan mo pumanaw na. Walang nakakasiguro. Ang masama pag namatay ang isang mayabang na tao halimbawa, tapos na ang lahat sa kanya. Hindi na babalik yan kahit kailan pa. Iyan ang problema na kahit kailan walang solusyon, na ang tao pag namatay na, kahit kailan hindi na mabubuhay. Alaala na lang ang naiiwan pero ang mabuhay pang muli ay hindi na mangyayari. Kaya’t ang mabigyan ka ng Diyos na mahahabang buhay, magpasalamat tayo sa kanya at tayo ay humihinga pa. Ang laban talaga una-unahan lang at ang lahat ay sa kagustuhan ng Maykapal.

*****

Ang nakapaghihinanakit lang ang katotohanan na iyong mga magnanakaw ang siya pang mahahaba ang buhay pero iyong mababait madaling nawawala sa mundong ibabaw. Parang gusto kong maniwala sa mga sinasabi ng matatanda na kaya daw madaling pumanaw ang mababait para huwag nang dumami ang kasalanan nila at ang masasama ay mahahaba ang buhay dahil daw nagbabayad, maraming utang na binabayaran sa mundong ibabaw. Medyo totoo, medyo hindi, kasi ang iba kaya mahaba ang buhay dahil sa kuwarta nila may pambili ng gamot at may pampagamot sa malalang sakit nila.

*****

Gusto ng USA itigil na ang giyera ng Israel vs. Hamas pero ang gusto ng Israel total wipeout o totally mawala ang Hamas dahil gusto nilang makabawi sa dami ng taong nawala sa kanila. Ikaw nga naman ang mawalan ng maraming taong inosente, hindi ka bumawi? Ang nangyayari ngayon hindi magkasundo ang USA at Israel. Sa bandang huli susunod ang Israel sapagkat kaalyado ito ng USA at matagal nang humihimod ito  Sino nga ba ang wetpu ng USA kaya matapang dahil nakasandal sa pinaka-powerful na bansa sa mundo? Tulad din natin, malakas ang loob dahil malakas ang backup at matagal na rin tayong tagahimod ng wetpu ng mga Amerikano kaya ang totoo target na rin tayo ng mga bankala natin dahil identified tayo na kaalyado ng USA.

*****

Sabi ni Paras, ang may pakana daw ng panggigipit sa kay Quiboloy ay ang first lady na walang iba kundi ang asawa ni PBBM. Grabe ang pulitika talaga, pati mga taong hindi dapat sumawsaw ay nakikisawsaw na rin. Sino nga ba, sa totoo lang, ang nagpapatakbo ng bansa natin PBBM ba o mahiwagang kamay? Nakakalito na kasi noong una, kasama natin si Atty. Vic Rodriguez, Atty. Trixie Cruz, ngayon mga kalaban na natin? Sabi pababain ang presyo ng lahat ng bilihin ngayon tumaas at hindi na makayanan ng mga tao. Ang ibang mga kongresman at mga senador natin mga mayayabang at mga grandstander at mga walang respeto kahit matatanda at ipinatawag pa nila binabastos harap-harapan. Pag nagkamai ka at hindi masagot ang tanong mo, ipakukulong ka. Ang yayabang, sobrang yayabang, ang iba diyan hindi naman  abogado pero nagmamarunong ang mga dipungal.

*****

Iyong vlogger na bokal at parang sira ulo kung magsalita ay nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso. Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na may mga recruit na mga rallyistang binayaran pero yong iba hindi binigyan kaya nagwawala sila at balak pa sanang bugbugin kung kanila raw nakita ito. At lumalabas na ang may pakana ng lahat ay ang unang ginang daw. Laban kay Pastor Quibuloy at palalabasin na binayaran ang mga nagpoprotesta at bayad, ang problema nagsipiyok tapos hindi pa binayaran ang iba.

*****

Kung hindi naman gagamitan ng pananakot at lakas ang Russia ay magkakaroon ng malaking kaguluhan. Dahil ang mismong taga-Russia ay ayaw ng gulo. Pero dahil ang kanilang lider ay makipot at maiksi ang pisi ng pasensiya, malamang na sa hinaharap mauwi an lahat sa malaking kaguluhan. Kamakailan ay naghamon ang kanilang Pangulo Vladimir Putin na gagamit na sila ng nuclear bomb kapag nakialam ang mga NATO countries sa paikipag-away nila sa Ukraine. Ang hamon ni Putin ay sinagot ng mga bansang Canada, Germany, France, Poland, Europe at sinabing nakanda  sila anumang oras. Sa ganyang sagot kailangan bawat bansa ay maghanda lalo mga kalapit bansa dahila anumang oras puwedeng sumiklab ang digmaang pandaigdigan. Ayaw nating mangyari ito pero ang klase ng mga lider natin na puro kayabangan ang ipinapakita, aywan lang kung ano ang magiging takbo ng daigdig natin. Dito sa atin ang yayabang ng mga lider natin. Ang gusto lagi away, kaagad ang laging bukambibig away, na para bang may kakayahan sa larangan ng laban pero ang totoo ang rebelyon sa atin hindi matapos-tapos. Pero ang gusto ng mga lider nating maiiksi ang pisi dahil galit sila sa intsik at kakampihan sila ng mamaymaan, palayasin sa Pinas mga intsik.

*****

Ang hindi nila alam, ang magiging kahihinantnan pag ginawa nila ito. Ilang miilyong Pinoy ang nasa China at naninilbihan sa mga Intsik at ilang milyong Pinoy na ang amo ay mga Intsik? Paano kung sabihin din ng lider na Intsik magsilayas na kayo sa China? Saan natin ilalagay ang na-displace na mga Pinoy. Ang iniisip natin iyong makakabuti sa atin. Iyong makakasama hindi natin tinitingnan. Basta makabubuti sa atin, ayos. Iyong makakasama sa relasyon natin sa ating kapwa bansa, hindi na natin iniisip. Diyan lumalabas ang kabobohan nating mga Pinoy, panandaliang ginhawa lang, iyong pangmatagalan wala sa atin. Alam ba ninyo na dahil sa himod wetpu policy natin sa mga Kano, number one target tayo ng mga kaaway ng USA sa sobrang sipsip natin sa mga Kano. Oo, madedepensahan nila tayo pero in return ang laki ng pakinabang nila sa atin. Nagagamit nila ang pasilidad natin para proteksiyon sa sarili nilang interes at marami pang pakinabang nila sa atin bukod sa tinatawag tayong mga unggoy na walang buntot at sabihin sa ilang kababayan natin na you do not deserve to stay here in USA.

*****

Malawakang protesta ang ginawa ng taumbayan para sa religious lider na si ACQ, ang pinakalider ng Kingdom of Jesus Christ Movement. Kung kailan ito mahihinto, hindi natin alam dahil halos lahat ng kilalang personalidad nakialam na yata at tila PEOPLE POWER na. Tuloy ang ating pangulo lalayas na naman patungo sa ibang bansa para gagawa na naman ng ulat na maraming imbestor na mag-iinvest sa atin at kikita tayo. Parating ganyan at parati ring nakabuntot ang Araneta sa kanyang laylayan na parang nakadikit at hindi puwedeng hiwalay sa pangulo natin. Tuloy ang suspetsa ko o ang hinala ko na ang pangulo ng ating bansa ay si Liza at hindi si PBBM. Bakit sa tuwing aalis si Marcos, parating nakadikit ang ating first lady? Si Digong ginawa din ang pagta-travel pero hindi siya nagdadala ng maraming tao at hindi siya nagdadala ng asawa kahit may dalawa siyang asawa? Pagbalik ni PBBM, ibabalita sa atin maganda, nabili na niya ang Amerika.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading