TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

HIWALAYAN

Napag-usapan natin nang pahapyaw ang tungkol sa Phillipine Volleball League at Professional Basketball Association at magandang sinasabi nila. Bagamat may mga pagpupuna sila, bakit daw iyong paborito nila wala ni kaunti raw hindi nabanggit? Hayaan ninyo sa susunod, babanggitin ko na lahat pati iyong paborito ninyong waterboy, ilalagay ko na pangalan nila. Promise, pangakong politico, laging baon ng singko pulgadas.

*****

Ang pag-uusapan kasi natin ngayon tungkol sa Cha-Cha. Bagamat hindi napapanahon, angkop naman ito sa mga kababayan nating atat na atat basta pulitika ang pag-uusapan. Minamadali pati nila at may nakalaang pera bawat legislative district. Sabi ni Marites, aabot daw 40 million sa magko-cooperate ang hindi tatanggap ng itlog. Kung parliamentary form of government ang itatatag nila, ang powerful diyan ang Prime Minister. President? Walang binesa, taga-tanggap lang mga bisita at mga panauhin galing sa ibang bansa. Kung magpapalit tayo ng Saligang Batas, sa akin ay kalokohan lang iyan, kagaguhan, kaululan, kawalang-kuwentang bagay na hindi dapat pag-usapan at tapunan man lang ng kaunting pansin. Pag-uusapan ng mga senador, mga kongresman, at ang mangyayari yong gusto nila. Iyong gusto ng mga tao hindi naman nasusunod. Isang halimbawa ang political dynasty. Matatapos na lamang ang 1987 Constitution na siyang gustong palitan pero hindi pa rin ma-define kong anong klaseng political dynasty mayroon tayo. Kaya pag siyam na taon na si Tatay, papalit na si Nanay. Pagkatapos ng termino ni Nanay, papalit na si anak at pagkatapos ni anak, ang isang anak naman hanggang maging apo naman ang papalit. Si Tatay, si Nanay, si limang anak, si apo at isa pang apo, naubos na buong angkan hindi pa rin napapalitan.  Tigbak na lamang si Tatay, hindi pa napapalitan.

*****

Mababago ba iyan ng mga buwaya sa Senado at Kongreso natin? Ipapipiraso ko na parang corned beef ang katawan ko, kahit kailan hindi mababago ang political dynasty sa klase ng mga buwaya sa ilog natin. Ang tindi pa naman ng mga buwaya, puwede sa tubig, puwede sa tubig alat, lalong puwede sila sa tuyong lupa. Mga buwitre pa, mga limatik, masahol pa sila sa mga adik na nilabanan nang harapan ni Pang. Duterte. Tingnan Ninyo, nagsisimula pa lang pag-usapan ang Cha-Cha, may mga kalokohan na patunay na walang kuwenta ang Cha-Chang ito. Mabuti pag-usapan ang walang kuwentang pagtaas ng bilihin, baka may pag-asa pang bumaba ang mga presyo nito. Maganda na iyong inindorso ni Justice Puno pero ayaw nila at gusto nila mabuhay ang mga buwaya forever. Sige, mga buwaya, mabuhay kayo. Hindi raw totoong nanalo sa lotto yong totoong nanalo ng nasa 600 million pesos. Papaano kayang nalaman nilang peke pala ito? Nakapagtataka alam nilang peke. Kung magkaganoon, maaring nagkakaalaman ang taga-PCSO at ang mga nagbulgar nito. Baka hindi nagkasundo sa hatian kaya nagbulgaran. Ang lahat ay haka-haka lamang o palapalagay kaya nga nag-iimbistiga palang pero di ba kayo nagtataka nagkakaalaman sila parepareho? Ang dami talagang buwaya sa administrasyong ito?

*****

Nasa semifinals na ang Magnolia at naghihintay na lamang ng makakatapat niya sa finals, kung sino man sa Meralco, Phoenix, Barangay Ginebra San Miguel, at Rain or Shine. Ang laban ng apat na koponan ay labanang walang bukas o kung tawagin ay labanang do or die. Ang hula ko ay Meralco ang makakasilat dahil ang galing ng import nila na maski si Tyler Bey ay kinakabahan lalo sa pagka-pisikal nito at sa sobrang bilis at galing nito at sana nagkamali ako kasi ang hula ko ang magkakampeon ay Magnolia Hotshots?

*****

Ang susunod na tatalakayin natin ang tungkol sa hiwalayan ng mga dating mga sikat na artista tulad ni Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, Vilma Santos at Ralf Recto, at marami pang iba. Pagdating yata sa ganyang edad, nauuso ang hiwalayan. May kilala rin ako at ayaw nang balikan ang asawa dahil tinangay na raw ito ng ibang aso at natural nga naman pag tinagay ng ibang aso, tiyak na linawayan na ito ng asong may tangay nito.

*****

Bakbakan na ang mayabang na Iran, bansang Yemen, Lebanon, damay na rin ang UK, US at France at iba pang bansa. Itong giyerang ito, tiyak magkakaubusan at tiyak magkakaubusan na. Diyan natin makikita kung ang sino ang magaling talaga. FPJ-style na naman ang Kano o maaaring nirereserba lang lahat at babanat sa bandang huli kung naubusan na ang lahat na kalaban. Tandaan Ninyo, biglang tirada yan at tapos ang kalaban. Hindi naman sangkot ang mga powerful na bansa tulad ng Russia at China at huwag nating basta-bastahin ang China dahil kung tayo ang titirahin niyan, walang ilang araw kuha tayo at huwag nating gagalitin ng husto baka mapikon sila at pagsisihan natin ng malaki ang kamalian natin.

*****

Ano naman kaya ang dahilan at bigla nitong inatake ang Iran? Pag hindi nasawata kaagad ang awatang ito ng dalawang bansa, malaking gulo ito. Tiyak na magkakaubusan ang dalawang ito dahil match na match sila sa mga gamit pandigma, match sila maging sa dami ng sundalo at maging sa lakas ika nga. Samantala, papalitan daw ng Russia ang pangulo nila na si Vladimir Putin ng isang pagkagandang babae? Sana matahimik na rin ang bansang ito para matigil na rin ang kaguluhan sa kanilang bansa.

*****

Sino ba talaga ang mastermind ng bilihan sa sinasabing People’s Initiatives? Tingnan ninyo at bilihan na at ang laki ng bilihan bawat distrito. Pero ako naniniwala na ito naman ang gusto ng mga limatik, buwitre at mga buwaya, ma-Peoples Initiative man yan o ano pa. Walang kuwenta ang balak na pagpapalit ng Konstitusyon. Uulitin ko, kalokohan lang iyan at pinakawalang kuwentang bagay sa lahat! Mabuti pa, magtanim na lang kayo ng camote, may pakinabang pa!

*****

Ang ganda ng awIting ito: Put the cash in my folder, You have road offense, Bribe me and I have to let you go, Put the cash, hide it under. Don’t say you don’t have money, anything you have, give me, and I have to let you go, Put your cash in my folder.And riders trap. The traps of the crocodiles, I hope and I pray that may be someday, But then more crocs come in, Put the cash in my folder that is what the crocs told me, Magic words you hear. Bribe me then I have to let you go. Put your cash in my folder.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading