Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

OIL SPILL SA KARAGATAN NG MINDORO

Tuloy pa rin ang kaso ni Teves, Jr. ng Negros Oriental kaugnay sa kamatayan ni Gov. Degamo at walong iba pa. Di ko malaman kung bakit sa privilege speech ni Deputy Speaker Bong Joson Teves, Jr. ay nag-react siya na para bang iniuugnay siya sa mga Teves ng Negros na hindi naman. Wala akong maski sinong journalist ang nagsabi na may kaugnayan siya. Siya bilang isa ring Teves at taga-Baras, Catanduanes at hindi ng Negros. Medyo nakakatawa pero sa Kongreso pa man din nag-privilege speech si Kongressman Teves ng Baras, Catanduanes. Siguro dahil Teves din siya, ano? Mag-react din kaya ako tungkol sa nalalapit na kasal namin ni Lady Gaga?

*****

Hindi pa rin daw lumalapit sa mga pulis si Cong. Arnie Teves sa pangambang baka matulad siya kina Degamo at mga kasama na walang habas na pinagpapatay sa walang tamang dahilan. Mangangamba ka nga at wala ka nang mapagkakatiwalaan maliban sa sarili mong pamilya at mga kamaganakan. Minsan pa nga maski kamaganak mo pa, siya pang magpapahamak saiyo.  Dahilan lang iyan sa kaunting halaga ng pera? Nakakatuwa pero ang dahilan ay kaunting halaga lamang? Ganoon kahalaga ng pera sa buhay ng tao. Lalo kung naghihirap ka.

*****

Siguro baka nagkaganoon si Bong Teves,Jr. dahil baka mapagkamalan siyang kamaganakan ng mga Teves ng Negros kaya nais niyang ipaalam sa mga taong wala siyang kaugnayan sa mga Teves ng Negros Oriental. Si Bong JosonTeves, Jr., uulitin ko po ay taga-Baras, Catanduanes at wala po siyang kaugnayan sa mga Teves ng Negros. Ayon pa rin sa kay Cong. Arnie Teves,Jr., wala raw direct evidence sa kanya para isangkot siya sa kaso laban sa kanya. Ang lahat daw ay parang hearsay lamang. Kung hearsay, Marites ang labas niyan. Pero seryosong kaso ito kaya hindi uubra ang Marites diyan.

*****

Galing si PBBM sa siyudad ng Naga para pasinayaan ang housing project sa nasabing lungsod na ngayon ay malamang, ayon sa balita, ay aabot ng 36 storey sa halip na 24 lamang ito. Sigurado ito sa may mga kuwarta lang at hindi sa mga mahihirap. Ang taas pa, akalain mong mahigit 30 palapag. Pang mayaman ba ito o pang mahirap o para sa taga-Naga City lang?

*****

Malaking problema ngayon ang kakaharapin ng Mindoro Oriental dahil sa kaso ng oil spill na maaring makasira sa economiya ng buong probinsiya ng Mindoro o ng buong bansa. Katunayan nakaabot na sa ibang lugar ng bansa at maaaring maapektuhan ang iba pa kung hindi tayo kikilos ng naayon sa tama. Ang delikado rito ay ang mga pananim na hindi naman nabubuhay sa langis at kahit kailan ay tanging tubig lamang ang ikabubuhay nila at hindi ang maruming langis na sisira sa ating mga kalikasan sa mahabang panahon.

*****

Vhong Navarro tagumpay sa kasong rape na isinumbong sa kanya ni Deniece Corneho. Hindi pinaniwalaan ng husgado ang alegasyon ng prosecution kaya ibinasura ang nasabing kaso. Maski anong sabihin, mahirap ang may kaso lalo at ikaw ang nadidiin sa bagay na hindi mo ginagawa. Kaya kung ikaw ang nakadiin abot-abot ang dasal mo at maaaring maski si Satanas natawagan mo na rin kapalit ng iyong kaluluwa makaligtas ka lamang sa kasong di mo ginagawa. Napakahirap ng may kaso lalo at ikaw ang nasa dehado at makuwarta pa ang kalaban mo. Kaya sabi ni Vhong Navarro, abot-abot ang naging panalangin niya bago daw lumabas ang resolution ng kaso niya.

*****

Matigas pa rin ang paninindigan ni Putin na pupulbusin niya ang Ukraine at hindi siya titigil hangga’t ang kalaban ay nakatayo pa. Ngayon natin masusubok ang galing ng mga taga-European Union na pinamumunuan ni Neuman na nagdidiin kay Sen. Bato dela Rosa at dating PRRD tugkol sa droga at human rights violation. Grabe na ang human rights na ginawa ni Putin, hindi pa rin makanti kanti ng malalakas na bansa dahil sa ito ay malakas nga. Ang totoo kasi ang sinusunod lang sa internatonal law ay ang malakas. Ang mahina hanggang pagmamasid lamang. Tingnan ninyo ang kaso natin sa The Hague sinusunod ba ng China? Puro bunganga lang tayo at mananatiling hanggang bunganga lang tayo.

*****

Nagdulot ng malaking kalituhan sa mga pasahero ang pagpapatupad sa bawas presyo ng pagbayad sa pamasahe. Nangyayari ito sa Metro Manila at iba pang lugar ng bansa kaya’t malaking kaguluhan ito. Samantala tila umaani ng simpatiya sa Maynila ang panukala ni 3rd district representative Chua na buwagin ang MMDA dahil sa nadodoble na ang function ng LGU at MMDA at nauuwi ito sa mga kaguluhan at kawalang koordinasyon ng MMMDA at LGU.

*****

Hindi po totoong ikakasal ang inyong lingkod kay Lady Gága dahil may asawa na po siya. Ang totoo panaginip lang dahil ang totoo ikakasal ako sa kay Lady Cago. Imbitado ang lahat basta magdala kayo ng baon nyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Discover more from Catanduanes Tribune

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading