Ito ang kasong nakakatawa pero nakakainis kung saan walang kasalanan ang biktima. Ang mga abogado ng PAO ang alam lang puro areglo. Kahit alam nilang walang kasalanan ang kliyente nila, basta matapos lang ang kasong hawak nila. Ang gawa naman ng piskal sige lang, ang rason hindi naman tayo ang gagawa ng hatol. Ang kawawa ang judge.
******
Ito pa ang tinatalakay ngayon pero hindi napag-usapan. Alam ba ninyong ang mga piskal ay may monthly allowance sa ating LGU? Alam ba ninyo kung saan nanggaling ang mga aircon, minsan mga thermos at iba pang gamit ng mga staff ng mga judge, at ang mga service car nila ay bigay ng LGU? Ito ay hindi dapat dahil magkakaroon ng utang na loob ang LGU sa judge at ito ay mali. Pati pag-travel ng mga piskal galing sa LGU? At alam ba ninyong may budget taon-taon ang LGU sa judiciary? Hindi n’yo yan alam pero ako alam ko o dahil dating taga-judiciary ako. Ang tinutukoy ay hindi lang mga piskal pati mga judges at mga taga-PAO. Ang alam ko lahat ng taga-judiciary tumatanggap dahil lahat sila tumatanggap dahil ito naman ay nasa budget at matagal nang ginagawa. Unfair. Pag nagka-kaso ang taga-LGU, siyempre pagdududahan na nila na ang labanan.Lutong makaw. Alam kong may mga piskal, judges at taga-PAO na matitino kaya hindi ko sila nilalahat.
*****
Ito namang sa Land Use Act kung kino-convert ang mga agricultural to residential ay talamak talaga. Pag ang nag-aaplay na hindi malakas at mahirap lang, aabutin ng sampung taon ang application mo. Pero pag mayaman tulad ni Villar, mabilis at may subdivision kaagad. Samakatuwid, walang sinabi ang mga mahihirap dahil walang pera. Hindi sila katulad ng mga Villar na saksakan ng yaman. Ang gobyerno natin ay gobyerno ng mayayaman at hindi para sa mahihirap.
*****
Ang panggugulo ng China sa Pilipinas ay magpapatuloy dahil sila ay naniniwala sa puwersa at hindi sa batas. Hindi sila naniniwala sa batas, ang sinusunod nila ay sarili nilang batas. Sa sariling batas at hindi paniniwala sa totoong batas ay malalagay tayo sa alanganin at tayo ay pupulutin sa kangkungan. Ginawa tayong mga tanga kahit ang totoo sila ang mga tanga. Akala siguro ng mga Intsik, magaling na sila. Ang totoo ay nagsisimula pa lang sila. Yan ang akala nila pero nagmumukhang tanga sila, aalilain ng Hapon. Pero ang totoo powerful sila as far as human power is concerned pero aside from that wala na, as in wala nang iba.
******
Natutuwa ako kapag bata ang kaharap at lahat ng pagod at hirap ng buhay ay nawawala kapag kaharap mo ay mga bata, at nakakatuwa sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay. Pero pag malaki na ang lahat ay nagbabago. Iyong saya at kasiyahan mo ay wala na. Iba talaga ang naidudulot at kasiyahan ng mga bata. Pero ano itong isang balita sa Cam Sur na may natagpuang sanggol na patay na sa isang basurahan at ang hinala ng mga nakakuha ito ay patay na at halatang itinapon lamang ng inang walang puso at kaluluwa. Marami pa sa atin ang kamaganak ni Satanas, ano?
*****
Maganda raw ang pelikulang Crisostomo at ibarra na pinagbibidahan ni Julie Ann San Jose at Rayver Cruz at ayon sa balita kamaganak daw ito ni Darwin Cruz na taga-Sta. Cruz na kapatid ni Juan dela Cruz at kapatid ni Bong del Cruz at anak sa kasal ni Jun Cruz at mag-anak ni Juan dela Cruz at kapatid ni Donato Cruz na kapatid ni Pedro dela Cruz. Maganda ang istorya: si Crisostomo Ibarra ay namatay at ipinako sa cruz.
******
Si FPJ patay na pero sikat pa hanggang ngayon, pero sasampahan siya ng kaso ng mga Hapones kasi pinahirapan niya ang mga Hapon sa mga pelikula nito. Milyon daw mga Hapon na napatay nito kaya bilyones ang kikitain ng mga Hapones saka sakali. Kung mapatunayan ito may paglalagyan tayong mga Pilipino kasi iyon daw nanood ng pelikula ni FPJ ay makakasuhan din. Huwag po kayong maniwala dahil ang lahat ng ito ay gawa-gawa lamang ng kaibigan kung si Marites.
******
Totoo po pala ang balita na ikakasal na si Maja Salvador sa inyong lingkod? Hindi ako makapaniwala kasi may iba siyang boyfriend. Isa pa, alangan tayo kay Maja, ang ganda ganda nito at sikat na sikat pa. Walang wala tayo sa lahat ng bagay. Ang tanging parehas lang kami, kumpleto siya sa gamit at ako ay kumpleto rin. Ang diperensya lang, nagising ako sa panaginip ko kaya hindi natuloy ang lahat. Sayang, sana kahit papaano napangasawa ko si Maja…
