Lumilinaw ba o lumalabo ang kaso ni Percival? Iyan ang tanong ng mga interesado sa kaso ni Mabasa! Ang dahilan ay tila malabo pa hanggang ngayon. Masalimoot pa kaya puro bintang at hindi matukoy kung sino talaga ang salarin, kung bakit kasi ayaw pang aminin ng pumatay kung sino man siya para matigil na ang Lapid na yan!
*****
Ang isa pang pagulo diyan ang kapatid ni Lapid na nagsasabi na hindi siya satisfied sa imbestigasyon dahil meron pa raw ibang mastermind bukod sa nahuli na! Kung hindi siya satisfied, di ituro niya at. sabihin kung sino para matapos na kung sinuman ang anak ng demonyong yan!
*****
Ngayon lang nagkaroon ang Senado na nagsasabi ng totoo sa kung ano ang totoong damdamin ng taong bayan sa katauhan ni Raffy Tulto! Totoo naman talaga, nauubos ang mga agricultural land natin at kino-convert sa ibang bagay lalo na sa subdivision. Galit na galit si Villar, numero uno silang nagko-convert ng mga agricultural land para gawing subdivision. Bullseye at sapul sa mukha! Land Use Act, walang kuwentang batas!
*****
Magkakaroon na raw ng bagong Secretary of Agriculture Ang tanong, gaganda ba ang takbo ng agrikultura natin ngayong mag-a-appoint na ng bago? Di kaya dagdag problema na naman ang panibagong susuungin natin? Good luck na lang kung sino ka man! Mabigat ang trabaho mo na kung si Pinol nga noon walang nagawa, tiyak na Superman ang papalit at talagang magaling!
*****
Sana wala nang conversion ng agriculture land to subdivision! Isa iyan sa ptoblema hahawakan mo na malaki ang lagayan lalo kung malaking subdivision, malaki rin ang lagayan! Kailangan malaking pag-iingat ang kakailanganin diyan. Baka ang labas diyan mas malala pa kaysa dati?
*****
Ibibigay na raw ang universal bubowa pension! Huwag muna kayong maniwala hanggat di pa ninyo hawak ang kabubuwaan kan mga pulitiko! Sasabihin yan ng mga pulitiko ayos na pero iyon pala inaayos iyong delihensiya nlla
*****
Ang Gema Galansa ng Creamline maliit lang pero kung bumanat parang ang taas na tao at kakaiba ang lakas! Sabi nga ang bumangga, giba! Nahahalintulad siya sa phenom star na si Alyssa Valdez! Sa ngayon ang Creamline Cool Smasher ay pangalawa lamang ang kartada at ang nangunguna ay ang F2 Logistics sa larong volleyball pero malayo pa ang kampeonato!
*****
Pag nakuha ang 2 laban na lang ng Hotshots, kuha na nila ang twice-to-beat at nakuha nila sila ang numero uno sa kampeonato sinuman sila! Ito naman ay sa PBA sa larong basketball naman! Ang dami ng laro, kamakailan ang NCAA ay nag-umpisa na at may suntukan pa! Inumpisahan ni Amores at sa palagay ko matatapos sa pag-iinitan! Sa naman, mauwi sa mami na laro tulad ng panahon ngayon na sobrang lamig!
*****
Sa gagaling ng mga abogado ni Bantag, mahirap ma-convict ito! Dadaan ito sa masusing mga pagsusuri lalo at Marites ang lahat ng mga testigos ng kalaban maliban lamang kay Escorial na gumagawa ng ibang ingay! Ingay na nagpapadugo sa drama!