Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

PAENG AT QUEENIE

Sino nga ba ang pumatay kay Percival Mabasa? Sabi ng isang kongresista sa rally, si Marcos daw. Ang sagot ni Enrile, kasuhan ang kogresistang si Raoul Manuel! Patay! Pinangalanan niya at sa rally pa. kung may ebidensiya siya, puwede. Kung wala, patay si Marites! Mahirap ang tira ng tira! Tuloy ang laban mo, Marites!

*****

Pagkatapos ni Paeng, si Queenie naman ang sumunod. Meron pang wala pang pangalan, baka typhoon Sira o di kaya typhoon Oyag. Tutal, wala namang ginawa kundi manira kaya tawagin na nating typhoon Oyag, bagay pa sa kanya! Queenie Oyag!

*****

Kumustahin natin ang laban ng Ukraine at Russia na ayon sa balita, nahihirapan ang Russia para pataubin ang Ukraine. Sa ngayon, pati Germany balitang tumutulong narin sa Ukraine! At masama pa raw nito nakabili ng drone sa Turkey at epektibong gamit laban sa Russia. Nangangahulugan lamang na pagkabigo ito ng Russa! Pero hindi ito ibig sabihin na ang talo  ang Russia? Malayo at mahaba pa ang laban!

*****

Too much love will kill you! Hindi totoo yan! Pag Diyos ang minahal mo ng labis, mamahalin ka rin niya ng labis. Di si Satanas ang may sabi na too much love will kill! Iyon marahil ay pag-ibig ni Satanas sa kapwa niya! Pag sinabi kasing love, ayon ay sa puso. Ang sa demonyo ay wala sa puso! Iyon ay wala maski sa ngala-ngala ng tao! Walang too much love, just love and GOD IS LOVE

*****

Pasalamat tayo at walang nangyari sa mga Pinoy doon sa Halloween sa Korea! Wala ni isang Pinoy ang napalitang nasaktan sa trehedya sa Halloween party sa Asia! Nakakalungkot at karamihan ay mga kababaehan pa naman! Kasayahan ang hangad ng mga dumalo at hindi kalungkutan pero hindi sinasadya ay nangyayari!

*****

Tapos na ang Todos Los Santos. Ang masama, ayaw ito ng Diyos, dahil ang Diyos ay pag-ibig pero bakit pinayagan ng Diyos ang nangyari sa Korea? Mga makasalanan ba ang kinuha ng Diyos o hindi sinasadya ay nangyayari na tulad sa isang aksidente?

*****

Puwede raw mag-loan sa GSIS kapag ikaw ay apektado ng nakaraang bagyo. Depende pa rin kung may utang ka pa marahil at hindi pa kumpleto ang bayad mo, di ka pa puwede! Pero may guidelines sila at iyon ang susundin!

*****

Hindi raw magagawa ni Bantag ang mga bintang sa kanya! Kung meron daw nito, ito walang iba kundi iyong mga taong intresado sa puwesto niya at waja nang iba! Pinangalanan na ni Bantag ang mga tao kaya ihanda niyo ang inyong sarili dahil hindi pipitsugin ang inyong katapat!

*****

Ang asong nagtampo sa kasuyong aso, muling magbabalik pag may kuryente na may tubig at pagkain wala nang bagyo at higit sa lahat may relief pa at mapuputi ang bigas at bago pa at mababango

*****

Ang aso, kapag may dalang galing kung saan, asahan ninyong nilawayan na yan kaya huwag ka nang makikialam diyan. Sabi nang kadiri na iyan!! Nakakahiya at nakakadiri! Tsupi!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: