Ipagbawal ang balimbing at mga sipsip! Kasi ang totoo dumadami ang sipsip at balimbing ngayon sa mga politiko! Mahirap na, baka mahawa tayo at lalabas na malala pa tayo sa mga sipsip at mga balimbing! Pangit tingnan na dating pink ka ngayon ay pula ka na! Para kang ahas na paiba-iba ang kulay!
*****
Bagyong Inday malakas pero hindi raw ito magla-landfall! Sa ibang salita, hindi tatama sa lupa! Maliwanag na sa tubig! Medyo malakas si Inday pero hindi nga tatama sa kalupaan. Pero kwidaw ka, baka magbago ng direksyon. Kaya mag-iingat pa rin tayo.
*****
Inerikomenda ng IATF na tanggalin na ang face mask sa open spaces pero sa earthquake drill pinagsusuot ng facemask! Ngayon, kanino kayo susunod? Baka hindi nagkaalaman? Mahirap nang magkasakit!
*****
Sinusuportahan ng ilang mambabatas ang federal government! Mas gusto nila ang federal kaysa dating system ng gobyerno natin! Ito’y wajang iba kundi ang presidential system. Ayaw ng presidential pero gusto nila ng federal! Ang gusto nila ay magkaroon ng local govenment?? Ano kaya yong Local Government Code? Baguhin niyo na nga!
*****
Pababa ng pababa ang bilang ng may sakit na Covid! At gusto nilang ang PDL ihiwalay sa regular na mga bilanggo! Iyong mga sentensiya habambuhay, isa lang ang kulungan nila. Kung saan, di ko alam. Pero tiyak ‘yan sa kulungan ng mga tao at hindi sa hayop.
*****
Hindi pa man, sinasabi na nila ang pinakamagaling na pangulo ay si Duterte at hindi si Marcos. Remember wala pang 100 days at marami nang nangyayari at nakakapangilabot. ang nangyayari. Paano pa kaya kung tumagal pa? Marami daw dalang dolyar si Marcos sa bisita niya sa Indonesia at Singapore! Totoo nga pero pangako at tanging mga pledges lamang!
*****
Pupunta yan si Marcos sa America at kokokak na naman iyong mga kokak sa pangunguna ni Babaju na lahat ng gawin ng gobyerno puro mali. Sisigaw na naman sila ng makibaka, makikalabaw, makibaboy at kung ano pa. Akala mo magagaling pero wala namang nagagawa. Pampagulo lang ang mga hinayupak!
*****
Ang magaling ang Republika ng Tsina (Taipei) ,maliit na bansa pero hindi magalaw ng pagkalakilaking bansa kung tawagin ay Red China! Hindi magalawgalaw ng China kasi hawak ng Amerika. Ang nakapagtataka ang North Korea, hindi rin magalawgalaw ng Amerika kasi hawak ng China. Pareho silang may alas.
*****
Darating daw ang araw na ang magpapalakad sa atin ay China. Late na balita na yan! Noon pa tayong pihapalakad ng mga bejo! Hindi nyo ba ajam yan na matagal na tayong pinaiikot ng mga Intsik? Kasi ang alam lang natin ang matulog sa pansitan!
*****
Ngayon lang ang Pilipinas mayroong pangulo at pangalawang pangulo na magkasundo sa halos lahat ng bagay. Di kagaya noon na hindi magkasundo sa lahat ng bagay at buong pinagkakatiwala ang posisyon niya bilang pangulo! Noon kahit kailan, ang pangulo natin walang tiwala sa pangalawang pangulo natin! Ang ganda ng samahan nila! Sana habang sila magkasama ganyan sila parati! Sabi nga just mind your own work!