TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

KAWAWANG COWBOY

Kamaikailan, nagkasunog sa Barangay Concepcion. Natural susugod ang fire truck ng Virac, nadiskubre nila na wala pa lang tubig ang fire truck nila. Anong gagawin ng walang tubig ang fire truck nila, syempre manonood na lang. Ganyan sila sa fire station, nakakatuwa, di ba? Ang sumaklolo ang fire station ng Bato, sila ang tagapagligtas ng malaki sanang sunog.

****

Sa Barangay San Vicente, nag-conduct ng Medical Mission para sa mga may tama ng stroke. Isa sana ako sa pupunta roon kahit na napakasakit ng katawan ko at hindi makakilos, hindi ko magawa dahil sa mga pangyayari. Ang taong tutulong ay dapat nilubos-lubos na hindi iyong tatawagin ang mga tao na hindi na makakilos. Dapat ang pasyente ang pupuntahan, hindi yung pasyente ang pupunta sa nagmi-medical mission. Dahil pulitika ang nagdadala, pasyente ang pupunta kahit hindi na makagalaw. Nagpapatawa ba kayo? O nang-iinsulto?

****

Kamakailan lumabas ang OCTA research ng U.P 55% kay BongBong Marcos President 45% kay Sara Duterte Vice President 15% kay Tito Sotto. Kung titingnan mo, tapos na ang eleksiyon sa Presidential  at Vice Presidential tapos na ang laban. Eleksyon na lamang ang hinihintay, formality kumbaga. Mahirap nang makahabol si Leni Robredo, Dumagoso at Pacquio. Si BongBong Marcos, marami ang paratang, magnanakaw daw pero hindi napapatunayan. Mahirap ang paratang na hindi napapatunayan kaya lumalabas na marunong ang Marcos.

****

Ukraine vs Russia. Ayon kay Duterte, ang pangulo ng Pilipinas, huwag tayong makikialam. Away ito ng Russia at Ukraine. Kahit ano daw ang mangyari, huwag tayong makialam sa away na ito. Dahil malamang ito ang pagmumulan na mas malaking gulo. Gulong baka masangkot na naman tayo kung tayo’y makikialam kaya’t uulitin ko ani ni Duterte huwag na huwag tayong makialam sapagkat away iyan ng dalawang bansa. Ipagdasal na lang natin na huwag nang lumala.

****

Sa pulitika ng ating lalawigan, lumalabas si Boboy Cua at ang kapatid niya na si Bos Te  Cua ang malakas.  Sa pagka-congressman, kung sino ang malakas sa Virac, siya ang mananalo. Ang malakas dito ay si Cesar Sarmiento, malamang na siya ang mananalo rito.

****

Ang mga ganador ang siyang masusunod: Joseph Cua ang Gobernador, Bos Te ang Bise Gobernador. Sa pagka-congressman Cesar Vergara Sarmiento. Mayor Posoy Sarmiento. West District PBM Fred Gianan Jr., Doc Zafe, Sonny Francisco, Jan Alberto. East District Obet Fernandez, Gil Templonuevo Jr., Kagawad ng Virac Rosie Panti Olarte, Armand Zafe, Hernandez IDOL Sarmiento, Joseph TOTO Mendoza, Ariel Molina, Cesar Angeles, Joseph Arcilla. Salvador Isorena kagawad ng Pandan, Rolando Torrocha kagawad ng Viga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: