TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

BAKBAKAN NA / UKRAINE VS RUSSIA ll

Mahigit isang buwan na lang, halalan na naman. Pipiliin natin kung sino ang magaling na lider. At pipiliin natin kung sino ang pinakasinungaling at pipiliin natin ang kung sino ang karapatdapat at susundin natin sa anim na taon.

****

Kaya magmuni-muni tayo, piliin talaga natin ang nararapat para huwag tayo magkamali dahil isang pagkakamali natin, buong bayan natin maghihirap. Paghihirap natin na di pa nararanasan o paghihirap na ngayon lang natin mararanasan..Pumili tayo ng kandidatong magaling, maasahan at magbibigay ng lunas sa ating paghihirap. Ang tanong:,sino siya?.Mahirap siyang piliin pero nandidiyan lang sa tabi.

****

Hindi na magrerekomenda sapagkat di naman na kailangan. Tayong mga botante ang nakakaalam kung sino ang nararapat. Kung sino ang inihalal niyong nararapat, tuloy ang Ligaya. Kung sino ang inaakala niyong hndi nararapat, huwag niyong botohan.

****

Ang giyera sa Ukraine ay hindi natin giyera. Wala tayong sukat pakialam sa kanila ito ay sa pagitan ng Russia at kalapit bahay na Ukraine. Ang Ukraine ay ang nabuwag sa U.S.S.R. Kaya wala tayong pakialam pero dahil apektado din tayo sa giyera sa Ukraine kung kaya concerned tayo sa giyerang ito.. Bakit may pakialam tayo sa giyera sa Ukraine? Dahil sa apektado tayo sa ekonomiya, siansamantala ito ng mga bansang nagpo-produce ng langis. Sa ngayon nasa kanila ang baraha, wala tayong magagawa. Ang magagawa natin ay makiramdam dahil iyon lamang ang tanging paraan para kumilos tayo. Kikilos tayo, makikiramdam kung sila ay magbaba, magtataas ng presyo ng langis dahil iyon ang kanilang gusto. Ang Amerika ay gumagawa ng sinasabing sanctions para gipitin ang Russia. Ginipit nila ang Russia para huminto sa pag-atake sa Ukraine pero hindi sila nakikinig, tanging digmaan lamang ang alam nila. Ang kanila ay mapabagsak ang Ukraine. Hindi nila ginagawa na pabagsakin ito dahil sumusunod ito sa NATO kung saan kasapi ang Amerika.

****

Ang digmaan sa nasabing lugar ay tatagal pa. Hindi natin alam kung kailan matatapos. Ang tanging alam natin ay mawala si Putin na presidente ng Russia. Samakatuwid, kung hindi mawawala si Putin, tuloy ang digmaan at tanging kawalan ni Putin ang titigil sa digmaan. Ngunit mahirap dahil ito ang katotohanan: sino ba ang ayaw sa giyera? Lahat ng pumirma sa UN resolution, ayaw ng digmaan pero hindi natitinag ang paninindigan ni Putin at ang mga kasama. Laban at laban sila.

Kung iyan ang paninindigan ni Putin,,sabi ko nga magtatagal pa ng digmaan at apektadong apektado tayo. Tataas at tataas ang presyo ng langis, yan ang malaking epekto sa ekonomiya. Sabi nga, life blood ang ating langis, ito ay pag-asa natin sa ating hanapbuhay at nga nkararaming Filipino. Hindi kaila na mahirap lang tayo kaya’t ang pag asa natin ang konting langis na iniaabot ng ibang bansa. Kung walang langis, patay tayong lahat.

****

Kaya’t panalangin ng bawat isa na matigil na ang giyera sa Ukraine. Ayaw ng bawat Pilipino sa digmaan kaya pag nagkataon, isang malaking pasanin ng susunod na pangulo ng ating bansa ang magiging hakbang niya para sa kaunlaran nito.  Hindi pa ng nabibigyan ng solusyon ang pandemya, nakaabang na ang problema sa digmaan sa Ukraine kaya sa susunod na pangulo, malaking suliranin ito na nakaatang sa kanyang balikat. Gagawin at gagawin, sa ayaw at gusto niya, dahil siya ang pangulo.

****

Ang mga Pilipino ay likas na matiyaga. Magtitiyaga hangga’t kaya, subalit nawawala ang pagka-Pilipino niya kapag sumosobra ang kalaban. Sa madali’t sabi, siya ay napipikon at siyang pagmumulan ng malaking away. Isa lang na Pilipino ang nakagawa ng kabutihan sa mga Pilipino. Iyan ay si pangulong Duterte at huwag nating sosobrahan ang kawalan ng tiwala sa isa’t-isa. Darating ang araw na mapapasubo tayo, tandaan natin iyan.

****

Ang mga mananalo…Governor Joseph Boboy Cua, Vice Governor: Boste Cua, Congressman :Cesar Sarmiento, West District: Atty. Fred Gianan Jr., Sonny Francisco, Doc. Zafe, Jan Alberto. East District: Obet Fernandez, Gil Templunuevo Jr.; Partylist TGP; Kagawad for Virac: Rosie Panti Olarte, Armand Zafe, Hernandez Idol Sarmiento, Cesar Angeles, Ariel Molina, Joseph Toto Mendoza, Joseph Arcilla; Kagawad ng Pandan: Salvador Sorena; Kagawad for Viga, Rolando Torocha, at Vice Mayor for San Miguel, Alexander Teves.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: