TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

APAT GOVERNOR SA BICOL KUMAMPI KAY BBM SARA?

Totoo ba ang balitang apat na incumbent governor sa Bicol, sina Alfrancis Bichara ng Albay, Joseph “Boboy” Cua ng Catanduanes, Luigi Villalfuerte ng CamSur at Tallado ng CamNorte ay lahat pumapabor sa tambalang BBM-SARA tandem? Ang bigat no’n? Espekulasyon lang siguro pero pag nagkataon baka masolido buong bansa ng BBM-SARA tandem?

*****

Sa ngayon kasi out of 16 regions mayroon ang Pinas, laglag si BBM sa Bicol region sa Region 5 sa huling survey. Hindi pa natin alam iyong survey ngayon na bumaliktad ang apat na kandidatong gobernador at ayon sa mga sinasabi mayroon daw 11 mayors ang bumaliktad na rin at lahat ayon sa balita ay BBM-SARA na rin? Mas lalong mabigat na balita!

*****

Pero mas delikado ang balitang ito. Naging triple ang dami ng kaso ng Covid-19 ngayon sa buong bansa? Pero magkampante lang daw tayo lalo doon sa  mga bakunado na dahil alam na ng mga otoridad ng DOH ang mga dapat gagawin nila at  nalampasan na ang unang:mga pagsubok pero aminado sila na delikado pa rin ang sitwasyon lalo at marami tayong mga kababayan na may mga sayad ang paniniwala.

*****

Sa ibang bansa ay talagang hati ang paniniwala ng mga tao. Ang gusto nila ang masusunod sila at wala na silang tiwala sa gobyerno nila. Ang masama pag may mga tama na, gobyerno pa rin ang may sagot at pumapasan sa kanila tulad ng mga nangyayari sa atin. Wala nang mapuntahan ang gobyerno natin! Mabuti na lang at may gobyerno tayong marunong ng salitang pasensiya at pang-unawa! Kung wala, game over na, tapos na ang laban, lahat tayo mga zombies na!

******

Nauuso ang on-line sabong at nagkakalokohan pa! Meron pang mga sinasabi na sabit pati buhay ng mga tao na ayon sa mga balita marami ng mga taong nawawala o kusang naglalahong parang bula? Para nang mga ninja, ano? Delikado! Pag Covid 19, alam mo at least kung saan napunta pero pag ninja nawawalang bigla? Ninja vs. Pandemya, saan tayo?

*****

May mga nagtatanong kung gaano katagal ang Covid 19 vaccine. Ang sabi ng Modena isang taon. Pero ang sabi ng iba, hindi nila alam? Kaya nauuso ang booster shot? Ano ang totoo? Kung sila mga WHO at DOH, nanghuhula tayo pa kaya, Jack en Poy na rin lang tayo?

******

Ang dapat kay candidate for vice president Willie Ong, nagresign na siya. Nag-concentrate na lang siya sa pagiging doctor, tutal tutok naman siya as a doktor at hindi sa pagiging kandidato niya. Resign ka na, dok, nagpapauto ka kasi sa mayabang na si Isko! Kung nagsenador ka, baka numero uno ka pa sa balota ko!

****

Lalaking nagpakulong ng otsenta y dos anyos na lolo dahil sa kulang sampung kilong mangga na akala niya pag-aaari nla ay ayaw paareglo ni sir. Mangga lang magpapakulong ng isang matanda? Puwede namang pag-usapan na lang, ipapakulong pa? Ang lupet moo….

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: