Tingnan Natin ni Jex F. Lucero:

MAG-ARAL KA MUNA, SABI NI SINGSON kAY PACQUIAO

Mensahe ni Mayor Chavit Singson kay Pacquiao: Mag-aral ka muna! Si Chavit ay isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Pacquiao. Anong nangyari at nilaglag siya ng kaibigan niyang matalik? Totoo nga ang kasabihan, best friend, best enemy! Lalo na pag ang friend mo may ugaling ahas! Hindi lang basta ahas kundi iyong cobra! May mga kilala akong ganyan mukha nila mukhang cobra!

******

Sabi ni Pacquiao, onseng taon niya raw kinuha sa isang kolehiyo sa Gensan ang kursong AB Pol.Sci. Pero nang tingnan daw ang record ang kursong kinuha ni Pacquiao ay business management at hindi AB at isa pala itong dropout? Pero lumalabas na nagtapos ito ng AB sa University of Makati at natapos niya ito sa loob lamang ng tatlong buwan. Grabe..!

******

Apat na taon kong pinaghirapan sa kolehiyo ang Bachelor of Arts tapos kay Pacquiao tatlong buwan lang! At gusto pang magpresidente ng Pilipinas! Isang henyo, apat na buwan lang ang AB. Hindi patas ang laban! Milyon ang kumuha ng AB at isa lang ang nakatapos kung saan tatlo o apat na buwan lang kinuha? Sana all! Mga taga-CHED, sana all!

******

Sino ang mananalo sa labang Pacquiao kontra Spence? Sa akin ang mananalo si Spence. Iyon naman ay kung hindi siya matatalo ni Pacquiao! Lamang daw sa pustahan ang itim na boksingero. Ang numero unong rason ay matanda na raw si Pacquiao. Para sa akin, may panalo pa si Pacquiao pero dahil maraming pinoproblema si Pacquiao at wala siya sa focus kaya lamang na lamang ang itim. Pero loyalty bet ang laban kaya sa Pinoy pa rin ako!

*******

Doon tayo sa mga ambisyoso sa probinsiyang Happy Island. Sa San Andres, ang kandidatong alkalde ayon sa pagkakaalam ko ay si Atty. Nonong Mendoza. Considered nang walang mabigat na kalaban si Atty. Mendoza! Kumbaga, the game is over! Puwede ng i-congratulate in advance! Sa bayan ng Virac, incumbent versus former mayor ang magtutunggali unless na mayroong mga pagbabago. Sa bayan ng Bato, sabi nila mahihirapan na raw makabawi si dating alkalde Rodriguez? Solido daw ang Rodulfo-Regalado tandem. Sa San Miguel, tila walang balitang may gustong tapatan si Mayor Camano? Sa Viga ganoon din, matatag si Mayor Bong Tarin! Ang masaya sa Pandan, maraming gustong kumalaban kay alkalde Tabligan. Muzta ko si Lino Trinidad, pugto ni Manoy Miya Trinidad na kasama ko dati saMinistry of Human Settlements. Sa Caramoran, ang malamang na makakatapat ng ngayong Mayor Glenda Aguilar ay si dating mayor Agnes Popa.

*******

Delikado raw iyong gumagalang asuwang ngayon. Hinabol daw ito ng isang matapang na lalaki pero sa halip na tumakbo ang asuwang ay hinarap nito ang matapang na lalaki at lumabas na ito ang humihingi ng tulong sa mga tao. Nagsisigaw ang lalalki habang papalayo sa asuwang at ang sabi kilala ko ang asuwang na iyan. Nang tanungin ng mga tao kung sino ang asuwang, ang sabi iyan ika si Pandora na naka quarantine at nakatakas sa hospital dahil sa Covid. Biglang nawala lahat ng tsismoso at mga tsismosa maging iyong matapang na lalaki na palaban sa asuwang hanggang ngayon ay nawawala! Hala kayo ingat sa asuwang na may Covid!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: