ni: Jex F. Lucero
Aprobado na ang Anti-Terrorist Bill. Iyong mga terrorista ayaw siyempre nila ang batas na ito. Iyon namang mga pulitiko na nagpapapansin kunwari ayaw nila. Ang totoong dahilan ay dahil malapit na ang taong 2022. It’s papansin time no more no less!
******
Merong mga taong ayaw ng balik probinsiya. Parang akala nila sarili nila ang probinsiya. Sa totoo lang iyong balik happy island ay hindi naman talaga bumalik sila sa probinsiya natin dahil para dito na magtrabaho o mamalagi. Ang totoo lahat ng mga napasama sa balik HI ay mga inabutan ng lockdown o quarantine lalo dito sa Metro Manila at isa na ako roon. Iyon ang totoo diyan.
******
Sinasabi nilang napakadelikado raw nito? Bago pinagbiyahe papunta ng Catanduanes, lahat sila ay pinasunod sa health protocol. Walang kahit isang nakauwi dito sa Catanduanes na hindi sumunod sa ipinag-utos ng gobyerno. At ako ay makakasiguro kahit ni isa man sa nabigyang benepisyo kahit hindi ko kilala at ni hindi ko nakita. Matagal na ito at matagumpay ang balik happy island. Bakit ko nasabing matagumpay ito? Dahil sigurado akong lahat ng nakauwi sa ating probinsiya ay malaki ang pasasalamat nila at sila ay nakauwi na sa sariling bayan na walang gastos.
******
Walang sino man sa atin ang puwedeng magsabi na hindi sino man sa atin ang puwedeng umuwi sa probinsiya natin. Wala kahit sino. Basta susunod ang isang taga sa atin sa kung ano ang dapat susundin lalo ang health protocol at kumpirmado nilang puwede kitang “magbuag”. walang sinumang makapipigil sa atin. Ang sinumang pipigil sa akin ay “kukurutin” ko ng pinong-pino sa singit. Masakit yon! At bakit ko sinabing matagumpay iyong balik happy island at hindi dapat katakutan? Meron bang maipapakita ang mga nasa gobyerno natin ang makapagsasabi na merong nag positibo sa kanila? Wala ni isa. Patunay na sumunod ang lahat sa health protocol at patunay na basta sinunod ang mga dapat susundin ay walang problema.
******
Huwag lang natin isama iyong mga OFW dahil iba naman ang ginawa nila at puwede nating ituring silang nagkaroon ng pagkukulang sa mga dapat gagawin o susundin nila.Puwede pa ring sisihin natin dito iyong mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa mga pagkukulang nila o puwede lahat ng sisi ay ibagsak natin sa mga taong sangkot. Malaki ang pagkukulang nila dahil hindi nila ipinagbigay-alam ang sitwasyon nila sa mga kinauukulan. Hindi katulad sa balik happy island na sinala nang husto kaya happy sila. Kailan kaya ipagpapatuloy ang balik happy island? Gusto ko ring umuwi kahit takot ako dahil alam kong delikado. Alam ko kasing marami pang kulang sa mga ospital diyan. Ang pinagkakaabalahan kasi diyan iyong mga heavy equipment lalo iyong mga excavator. Parang inihahanda ang panghukay sa maraming patay? Huwag naman dahil ang totoo mahabang panahon ang labanang ito?
******
Sa tutoo lang kung na susubaybayan ninyo ang hearing sa prangkisa ng ABS-CBN, sasabihin ninyong tapos na ang laban dahil sa dami ng mga lumalabas na mga hukos-pukos na ginawa ng mga namamahala ng nasabing network. Doon sila nadidiin at lahat ay nakatutok sa mga nagpapalakad nito. Kaya tama lang siguro si Pokwang na nababalitang lilipat na sa GMA at sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Bea Alonzo at Skylink Suplig na lilipat na sa Kapatid network. Samantala kung totoo balita si Vice Ganda ay sasama na sa relihiyon ni Pastor Quiboloy? Si Coco Martin, Kim Chiu, Angel Locsin, at Lea Salonga magtatayo daw ng sariling TV network, ang Oragon. Malamang kami ni Maja Salvador ay magsa-sideline sa radio Oragon kung kakayanin nila talent fee namin ni Maja? Ano bossing puwede ba? Maski si MS na lang..