Nakakalungkot naman ang pangyayaring ito pagdating sa larangan ng pag-awit dahil sa dalawang hinahangaan nating magaling na mangaawit sumakabilang buhay na. Una ang tinaguriang Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales at ang pangalawa ang National Artist na si Nora Aunor, isang kababayan dahil isang Bicolana. Nakakalungkot na talaga dahil sabay pang yumao ang dalawa. Ang dahilan daw ng kamatayan ni La Aunor ay ang sakit sa baga na halos hindi raw ito makahinga at sa ganoong pangyayari ay natuluyan na ang dating nag-iisang superstar ng pelikulang Pilipino. Sa inyong dalawa, ipinaabot ng sambayanang Pilipino ang taos sa pusong pakikiramay. May you both rest in peace!!
*****
Sa patuloy na pag-iimbestiga ng Foreign Relations Committee ni Sen. Imee Marcos, lumalabas na ang inimbestigahang mga tao ay lahat nagsisinungaling at nagtuturuan lamang. Pero alam na ng lahat kung sino ang mastermind ng pagkaka-kidnap kay FPRRD papuntangThe Hague. Lumalabas kasing labag sa batas ang pagkakadala kay FPRRD sa The Hague dahil ito ay hindi dumaan sa kung ano ang tamang proceso na naaayon sa ating saligang batas. Ang dapat kasi sinunod ang ating batas at hindi ang batas ng ibang bansa. Ang lahat ay plinano pero palpak ang mga nagplano, minadali at saksakan ng bobo, ayon sa isang vlogger. Ngayon ay nagtuturuan kung sino ang mastermind kasi turuan na lang ng turuan sa huli na napakalaking isda. Sabi nga ng isang vlogger, kumanta na kung sino ang mastermind, kapatid ng masyadong inuuto ng mga mang-uuto. Ang galing, hanggan lang pala kayo diyan?
*****
Naghahanap daw ng bagong campaign manager si PBBM kasi wasak na raw ang alyansa at nagkakanya-kanya na. Sa akin, ang magaling na campaign manager ay si Marcos. Tingnan ninyo ang trust and approval rating niya, sadsad sa baba 14% na lang, kay VP Sara 59 %. Mga kandidato niyang senador kanya-kanya na. Sa ibang salita, lumubog na ang barko, masyadong nauga at ang mga tao dito nagkakagulo na. Mayroon na sigurong nagtatalunan na at ang iba lumilipat na sa ibang bangka. Iyong iba kinakain na ng malalaking isda at iyong iba humihingi ng saklolo sa kabaro nila na kapwa buwaya. Siguro iyong buwaya iyon na nakawala sa kuwadra?
*****
Kakasuhan daw si Gen. Torre, ayon kay Sen. Imee Marcos. Kung totoo man ito, tila hindi magandang tingnan kasi sa totoo lang ang mga pulis ay sumusunod lang ito sa utos ng kanilang amo. Kaya ang dapat kasuhan iyon mismong may utos pero kung sumobra sa ipinag-uutos ang pulis at kanyang pinaninindigan ang kanyang kapalpakan, goodbye heneral sa kapalpakan mong obey first before you complain. Ang hirap sa atin maski mali iyong utos, tira lang tayo ng tira. Lalo na if the price is right at may kasama pa itong promotion lalo dalawang medalya sa loob ng dalawang buwan. Anong sarap, may promotion na, may kaso ka naman.
*****
Alam na kung sino nagpakidnap kay FPRRD? Noon pa alam na kung sino nagpakidnap? Akalain mo diffusion lang at hindi warrant of arrest puwede na? Minadali pa pero huli rin kung sino ang salarin. Huwag na nating pag-usapan sabi nga, uha, alam na. Pero sa maniwala kayo sa hindi, ang pangulo natin hanggang ngayon ay napapaligiran ito ng mga taong matatawag nating kamag-anak ni Satanas na siyang lumalason sa kaisipan niya bilang normal na tao. Sa ngayon pakiramdam ko sinasapian siya ni Satanas at sisirain siya hanggang sa masipsip ang kailaliman ng buhay niya. Kaya to the rescue ang kapatid niya pero huli na naka-penetrate na ang kasamaan ni Satanas, sagad hanggang buto na. Ang daming buwaya ang nakakuha ng kanilang dapat makuha at sa ngayon puwedeng ipanalo ito sa pero laking pera ang kailangang ipamudmod nila.
*****
May mga nagtatanong kung totoo raw bang kandidato ako. Oo naman, katunayan malakas ako sa balwarte ko. Una, malakas ang iyong lingkod sa Birthday Party. Pangalawa, okey rin ako sa Sabang Partido, ang diperensiya wala ako sa Comelec. Biro ko lang hindi naman ako kandidato. Ang talagang gusto kong kandidato ay ang mga sumusunod: una ang kandidatong governor: PETER “BOSS TE” CUA, vice gov OBET FERNANDEZ,pbm FRED BENEDICT GIANAN, mayor virac JOSEPH “BOBOY” CUA, kagawad virac FRED GIANAN vice mayor virac ROSIE PANTI OLARTE, BONG JOSON TEVES TGP PATYLIST.
*****
Makukulong daw ng apat na taon sina Torre, Marbil at Remulla. Kaya ay papaano kung mag-apply sila sa probation di bale wala rin. Alam nyo kapag pasok ang isang convicted sa probation bale wala iyan magre-report ka lang sa office at pagtratrabahuhin ng kaunti, tapos na. Iyon nga lang kung apat na taon ang sentensiya mo, apat na taon kang pabalikbalik sa probation office. Gagawin mo iyon dahil iyon ang batas. Kung matigas ka, nasa sa iyo iyon pero gagawad sa iyo yun ng kinauukulan. Pero hindi ang kongreso kundi ang husgado dahil iyon lang ang may karapatang humatol kung may kaso ang isang tao, Hindi ang kongreso. Mag-contempt, yes pero ang maghusga, gawain yon ng husgado.
*****
Patuloy na namamayagpag ang rising superstar na si Alexandra Eala. Sa WTA dati pang-175 siya pero nang talunin niya ang tatlong Grandslam champions, pang-73 na siya ngayon. Akalain nyo, 175 to 73 ngayon. Hindi ito tulad ng binaba ni Marcos, from 57% t0 14%, palubog ito. iyong kay EALA pataas. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Pinoy rising star na ito. Patuloy ang pagpapakita ng kagandahan ng Pinay na ito. Ika nga maganda na at napakagaling pa. Ang nakakatakot lang dito baka sa pamamagitan lang ng diffusion at pekeng Red Notice ng interpol, ipadala ito sa The Hague.
